CHAPTER 1

573 15 0
                                    

A matter of Love and Death

Chapter 1

Malakas kung hinipan ang bangs na nakatakip sa mata ko sa nararamdamang pagkainip. Nasa library ako at naghahanap ng kasagutan sa ibinigay ng prof namin sa English. At dahil is a akong tamad na tao pagdating sa pagkalikot ng mga libro ay kaagad akong nababagot.

"Argggh! Nasaan na ba kasi ang sagot sa tanong na 'to?!" inis kung nilipat ang bawat pahina ng libro. Malakas pa ang ginagawa kung paglipat na halos pwede na 'yong mapunit. Lalo akong nabagot dahil wala talaga akong makitang sagot.

Hinila ko ang bangs ko sa inis saka sinisikap na basahin ang bawat nakasulat sa libro pero isang sentence palang abg nababasa ko ay napapahikab na kaagad ako.

Isa sa pinakaayaw ko ay ang magbasa. Dahil kapag nagbabasa na ako ay inaantok ako tapos tumutulo nalang ang luha ko sa kakahikab. I hate books, at hate ko rin ang mga binabasa-basa.

Malakas kung tiniklop ang libro saka tumayo. Bahala na nga, kung wala akong masagot dito edi wala. Bahala na kung itlog ang matatanggap ko sa english prof ko mamaya.

Tumayo ako para ibalik ang librong kinuha ko at habang naglalakad ako papunta sa nilalagyan ng mga libro ay napatingin ako sa labas ng bintana. Ang library kasi ay nasa second floor, tapos kapag titingin ka sa labas ng bintana ay napakalawak na field na ang makikita mo.

Bigla akong napakunod ng noo sa lalaking nakita ko na nakatayo sa gilid ng punong mangga. Naka-itim siya lahat tapos ang nakaagaw kaagad ng pansin ko sa kaniya ay may hawak siyang pana?

Lalo akong nagtaka kaya naman lumapit ako sa bintana at tiningnan ang taong iyon na naglalagay ng arrow na kulay itim sa pana niya. Nakatingin sa sa babaeng estudyante na nakaupo sa lilim ng punong kahoy. Base sa itsura ng babae ay napakalungkot, na parang may malaking problema na dinadanas. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ng punong mangga na nagpakawala ng pana at tumama sa braso ng babaeng nakaupo sa lilim ng punong kahoy.

At ang nakakapagtaka do'n, hindi man lang nasaktan ang babae sa pana na tumama sa kaniya. Tiningnan ko ulit ang lalaking may pana kaso wala siya do'n sa gilid ng mangga. Nagtingin-tingin ako sa mga taong nasa field baka sakaling makita ko ang lalaking iyon kaso wala na talaga siya. Pero 'yong babae na na pana ay nando'n pa rin.

Nagpasya akong ibalik na ang libro saka lumabas ng library. Bumalik ako sa classroom na gulo ang isip. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi talaga ako namamalikmata, totoong nakita ko ang lalaking may pana. Pero ano naman ang purpose nagpana niya sa babae?

"Okay, pass your assignment." Biglang pumasok ang prof namin sa English at pinapapasa na ang assignment namin na kahit isa sa mga tanong ay wala akong nasagot. Tiningnan ko ang mga kaklase kung masayang pinapasa sa table ng prof ang mga notebook nila. Napansin yata ng prof na ako lang ang hindi tumayo kaya naman tinawag niya ako. "Miss Andrew, where's your assignment?"

"I don't have miss." Nakayuko kung sagot. Kasalanan ng libro kung bakit hindi ako nakagawa e.

"Again?"

"Yes miss."

"Pack your things and get out!" galit niyang sabi.

Tumayo nalang ako at lumabas ng room. Palagi nalang talaga niya akong pinapalabas. Kaya kapag english na ang subject namin mataimtim akong nananalangin na sana 'wag siyang mag-iwan ng assignment dahil panigurado kinabukasan no'n ay mapapalabas niya ako. Napaka-terror niyang prof sa totoo lang.

Dahil third subject namin ang English ay nagpunta nalang ako sa may field para doon nalang hintayin matapos ang subject niya at makapasok na ulit ako sa next subject namin na Math.

Naghanap ako ng pwesto na walang init, kasi medyo mainit na ang sikat ng araw. May mga iilang estudyante rin na nakatabay kaso sila nagbabasa.

Ako kaya, anong gagawin ko dito?

Umupo ako sa damuhan at isinandal ang likod ko sa puno. Kinuha ko ang cellphone at headphone ko saka nagpatugtog. 'Yon nalang ang gagawin ko para hindi ako mainip.

Sinasabayan ko pa ang kanta kapag alam ko ang lyrics. Siguro mga apat na songs na ang tumugtog ng mapansin ko sa gilid ang lalaking nakaitim lahat ng suot at may hawak na pana.

Kaagad akong napaupo ng maayos at tinanggal ag headphone sa tenga ko. Tiningnan ko ang lalaki na limang dipa lang ang layo sa akin. Hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa kaniya. Tinaas niya ang pana niya at tinutok sa lalaking naglalakad na nagyoyosi. Tinamaan ang lalaki sa balikat pero kagaya do'n sa babaeng napana kanina na nakita ko sa library, hindi rin naramdaman ang pana na tumama sa katawan nila.

Pagtingin ko ulit sa lalaking nakaitim na may hawak kaninang pana, wala na siya do'n. Tumayo ako saka pinuntahan ang pwesto niya kanina kung saan siya nakatayo. Nag ikot-ikot ako do'n sa katabing puno kaso wala na talaga siya.

Ano 'yon? Naglaho nalang na parang bola?

May biglang pumasok sa isip ko at hinanap ang lalaking nag-yosi kanina at saktong nakita ko siya na naglalakad da likod ng university kung sa'n naro'n ang sekretong daanan ng mga estudyanteng nag-skip ng class.

Tinanggal nito ang yerong nakatayo sa sementong may butas, saka lumusot do'n, hindi man lang nito ibinalik ang yerong tinanggal. Tumakbo ako saka lumusot din sa butas. Ibinalik ko ang yero baka makita ng guard ang butas.

Medyo nakalayo na sa akin ng kaunti ang lalaki, matakbo akong sumunod sa kaniya at nang medyo nasa malapit na niya ako ay naglakad nalang akong sinundan siya.

Panay lang ang pagbuga ng usok sa bibig, at ng maubos na ay itinapon nito ang upos saka inapakan at nagpatuloy sa paglakad.

Saan ang punta niya? Nakalayo na kami sa university.
Tiningnan ko ang paligid kung nasa'n kami, malapit na pala kami sa mall.

Nasa may gilid na kami ng kalsada, papatawid na ang lalaki, ako naman nakatayo lang sa gilid ng kalsada at hindi inalis ang paningin ko sa lalaki at sa hindi inaasahang pangyayari, bigla nalang lumipad ang lalaki at bumagsak sa gilid ng kalsada na may umaagos na dugo sa gilid ng ulo nito.

Nanlaki ang mata ko. Gulat na gulat ako at hindi ako makagalaw sa nakita ko. Nanlamig ang buong katawan ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang ingay ng mga taong nakakita rin ng nangyari, habang motor na nakasagasa sa lalaki ay binilisan lalo ang pagtakbo ng motor nito.

Nakahawak sa bibig akong naglakad papunta sa lalaking nakahandusay sa daan. Ang daming dugo na umagos may ulo niya. Doon ay hindi napaatras ako.

Napakabilis! Kanina sinusundan ko lang siya ngayon nakahandusay na siya sa daan na may umaagos na dugo.

Buhay pa kaya siya?

May dumating na ambulansya at bumaba ang sakay ro'n, mabilis na ipinasok sa ambulansya 'yong lalaki.

Hanggang ngayon, gulat na gulat pa rin ako at hindi makapaniwala sa nakita ko.

*********

To be continued....

A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon