CHAPTER 17

86 7 0
                                    

CHAPTER 17

"Ka-klase mo siya. Mag-ingat ka sa kaniya dahil wala na ako para pigilan siya sa mga binabalak niya."

Iyan ang mga katagang walang tigil na mag pop-up sa isip ko. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa t'wing na iisip ko 'yon.

Ka-klase ko daw at sa dami ng ka-klase ko hindi ko alam kung sino sa kanila ang tinitukoy ni Rio. Pero sabi rin niya, 'wag daw ako magtiwala sa taong 'yon, so ibig sabihin, na nakakausap ko ang taong 'yon?

Ang nakakausap ko lang naman na ka-klase ko ay sina Delve, si Grace na madalang ko lang naman nakakausap dahil busy palagi sa paghuli ng mga estudyanteng matitigas ang ulo. Si Louise naman nakakausap ko lang kapag nagagalit siya sa 'kin o may masama siyang sasabihin sa akin. At si Lavenia, na simula no'ng nilalapitan na ako ni Maxell ay palagi akong nakakatanggap na death threat. Si Lavenia na kaya? O baka naman si Maxell? pero napaka-imposible kung si Maxell dahil close naman kami at hindi ko nakikita sa mukha niya na may binabalak siya sa 'kin. Sino nga ba sa kanila? pero may kutob na ako, kaso mahirap naman na basta nalang ako magsabi ng pangalan na wala namang kasiguraduhan.

"Rona!"

Napakislot ako sa pagtawag ng pangalan ko. Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at si Delve pala 'yon, nakangiti siya sa 'kin at binigay sa 'kin ang hawak niyang mangga.

"Hindi ba 'to maasim?" tanong ko.

Umiling siya at kumagat sa mangga. "Hindi naman. Binigay lang 'to sa 'kin."

"Ah." Sabi ko nalang at kumagat din sa mangga. Nagkwentuhan kami ni Delve ng kung anu-ano at hanggang sa may itinanong siya sa 'kin na ikinagulat ko.

"Rona kilala mo ba ang sumusunod sa 'yo?" tanong niya na ikinagulat ko talaga ng sobra at kinabahan ako. Paano niya nalaman na may sumusunod sa 'kin?

"Sumusunod? may sumusunod ba?" kunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya. Kinunutan niya ako ng noo.

"Hindi mo alam? omyghad Rona! palagi kung nakikita ang lalaking 'yon na sinusundan ka at tinitingnan sa malayo."

Napaayos ako ng upo at tiningnan siya ng seryoso. Parang binibiyak ang ulo ko habang tinitingnan ko siya sa mata. At bumalik sa alaala ko ang sinabi niya no'n sa 'kin na mag-ingat daw ako.

"Lalaki ang sumusunod sa 'kin?" walang mapagsidlan ang kaba ko at unti-unting lumatay ang lamig sa buong katawan ko. "Sinong lalaki?"

"Hindi ko siya kilala." Seryoso niya rin na sagot at nakipagtitigan din sa 'kin. "Basta ang natatandaan ko. Nakasuot siya palagi ng itim na damit at pants. May katangkaran ito tapos may nakasukbit na pana sa balikat nito."

Napaatras ako kahit nakaupo ako sa upuan kaya naman nakagawa ng ingay ang upuan ko. Napatingin pa sa 'kin ang mga ka-klase ko.

"Nakikita mo siya? saan mo siya nakita?"

"Araw-araw ko siyang nakikita dito sa campus. Nagtataka nga ako kung bakit may nakakapasok na outsiders dito sa school na hindi naka-uniform. Diba masiydong strict ang school na 'to? kaya nakakapagtataka talaga na nakakapasok ang lalaking 'yon dito."

"Delve," hinawakan ko siya sa balikat. "Matagal mo na ba siyang nakikita?"

"Oo. Simula no'ng mag start ang klase nakikita ko na siya. Lakad lang ng lakad 'yon dito sa campus. Daig pa nga no'n ang principal kung mag-ikot. Pero alam mo one time nakita ko din siyang may kausap na babae, hindi din naka-uniform at may dala din na pana ang babae."

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Tinatawag ako ni Delve pero hindi ko na siya nilingon. Tumakbo ako sa fields at hinanap si Rio. Doon lang ang lugar na alam kung tambayan niya. Pero pagkarating ko sa fields ay wala akong Rio na nakita kaya naman tumakbo ulit ako sa likod ng university pero wala din siya do'n.

"Rio nasaan ka? kailangan kita ngayon!" hinihingal kung sabi at napayuko ako habang naghahabol ng hininga.

Hindi ko alam kung paano nakikita ni Delve si Rio. At natatandaan ko lang na sinabi sa akin ni Rio noon na ako lang ang nakakakita sa kaniya at sinabi niya kahapon na ang may balak na masama sa 'kin ay nakikita din siya. Ibig sabihin ba ay si Delve na talaga?

"Rio!" pagtawag ko. Umaasa na sana magpakita sa 'kin si Rio.

"Anong kailangan mo sa 'kin?"

"Rio!" agad akong tumakbo palapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. "Si Delve ba? si Delve ba ang taong sinasabi mo na may balak na masama sa 'kin?" natatakot kung tanong. Gusto kung malaman kung si Delve nga ba talaga.

Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya. "Hindi siya."

"Huh? paanong hindi? sinabi sa 'kin ni Delve na nakikita ka niya. Diba sabi mo sa 'kin na dalawa lang kaming nakakakita sa 'yo? at 'yong isa ay 'yong may balak sa 'kin na masama?"

"Hindi siya. Iba."

"Rio!" nagpapadyak ako sa inis. Akala ko si Delve na talaga. "Kung hindi siya, sino?"

"Malalaman mo din 'yon. Obserbahan mo lang siya. Makikilala mo siya sa mga galaw niya."

"Sabihin mo nalang kaya sa 'kin kung sino siya! pinapahirapan mo pa ako."

"Ayokong mangialam sa problema ng ibang tao. Solve your own problem."

"Rio naman e! Hindi naman ako ibang tao sa 'yo! Kaibigan mo ako at dahil kaibigan mo ako dapat hindi mo ako pinapabayaan sa taong sinasabi mo na may balak sa 'kin ng masama."

"Hindi naman kita kaibigan."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Hindi niya ba alam na nakakasakit ang mga salitang binibitawan niya? hindi niya ba alam na ang pangit sa pakiramdam kapag may taong nagsasabi sa 'yo na hindi ka niya kaibigan?

"Gano'n ba? so ano pala ako sa 'yo? enemy mo?"

"A stranger."

"Seriously? you're not a stranger Rio! kaibigan mo ako. Magkaibigan tayong dalawa. Ang tagal na nating nag-uusap tapos ganito nalang agad? hindi mo na ako kaibigan?"

"Dahil iyon ang sinabi mo. Ayaw muna na maging kaibigan mo ako kaya naman sinusunod ko lang ang sinabi mo."

"Binabawi ko na! kaibigan na kita. Okay na?"

"Sorry. Ayoko na na maging kaibigan ka pa. Lumayo ka na sa 'kin at gumawa ka ng paraan kung paano mo malalaman kung sino ang taong may binabalak sa 'yo."

Bigla ay umakyat ang inis sa ulo ko at sinampal siya. Hindi siya nagulat, hindi siya nag-react. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Na parang isang hangin lang ang sumampal sa kaniya.

*****

To be continued.....

A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon