CHAPTER 9
"Alam mo Louise, napupuno din ako sa kayabangan mo. 'Wag ako ang kalabanin mo, hindi mo ako kaya." Maangas na sabi ni Lavenia. Sa paraan pa ng pagsasalita niya ay parang ginagalit niya ang kaharap niya. Kung maldita si Louise, mas pa si Lavenia. Kaya mortal na magkaaway talaga ang dalawa.
Simula first year high school ay hindi na talaga sila nagkakasundo. Hindi pwede mag-kross ang landas nilang dalawa dahil paniguradong mag-aaway talaga sila.
Pumalakpak si Louise saka idinura ang kinakaing chewing gum sa mukha ni Lavenia. Ngumisi ito at maangas na nilapitan si Lavenia. "Ang yabang mo, pare. Matatakot na ba ako sa 'yo?"
"Kung tatamaan kaya ng precious hand ko ang ugly face mo matatakot ka na kaya?"
Mas lalong nakakakilabot na ngisi ang ginawa ni Louise. "Then try." Paghahamon nito. At ilang sigundo lang ay dumapo na nga ang palad ni Lavenia sa mukha ni Louise.
Lahat kami nagulat at napasinghap. Pero hindi man lang na apektuhan si Louise sa sampal na 'yon.
"Ang hina mo naman palang manampal. Ganito ang tamang pananapal." Saka malakas na pinadapo ni Louise ang kanang palad sa mukha ni Lavenia.
Napangiwi ako sa sakit, na parang ako ang sinampal sa sobrang lakas. Rinig na rinig talaga ang lagapak ng palad nito sa mukha ni Lavenia. At hindi na ako nagtaka na bumakat talaga iyon sa mukha ni Lavenia.
"Sa susunod na idapo mo pa ang madumi mung palad sa mukha ko. Sisiguraduhin kung dudurugin ko ang bawat buto sa mukha mo." Muling sabi ni Louise at parang model na tinalukuran si Lavenia. Hawak lang nito ang pisnging nasaktan.
"Iwasan mo silang maging kaibigan Rona, hindi sila magandang impluwensya." Biglang sabi ni Delve na umupo na naman sa katabing umupuan na bakante.
"Takot akong makipag-kaibigan sa dalawang 'yan no," sabi ko saka inayos ang mga gamit ko sa bag. "Bakit pala nag-aaway ang dalawang 'yon?"
"Hindi ko alam ang dahilan. Pero sabi-sabi ng ibang estudyante, pinatid daw ni Lavenia si Louise kanina sa lobby. Ayon, nagalit."
"Ah gano'n, kaya pala galit na galit si Louise. Hayaan mo na silang mag-away." Sabi ko saka tumayo na lang at lalabas ulit. Wala pa naman ang teacher namin sa first subject.
Naglakad ako papunta sa canteen, gusto ko na may nginunguya habang naghihintay ng teacher. Kaya habang naglalakad ako ay may sumabay na naman sa 'kin.
"Good morning miss Andrew."
Umismid ako at tiningnan siya sabay na inirapan. Si Maxell na naman.
"Bakit ikaw na naman ang nakikita ko?"
Tumawa siya. "Allergy ka ba sa 'kin?"
"Oo." Deretsong sagot ko at binilisan ang paglakad ko. Ayaw ko talaga na makasabay na maglakad ang lalaking weird na 'to. Tatawa kasi siya ng walang dahilan, mukhang tanga.
"Miss Andrew ang sungit mo talaga!" natatawa na naman niyang sigaw.
"Wala ka po'ng paki!" Lumakas ang pagtawa niya. Kita mo? mukhang tanga talaga.
Nang makarating sa canteen ay bumili ako kaagad saka umalis na din at bumalik sa classroom. Hindi pala ako pwedeng ma-late dahil kapag isang minuto ka lang na ma-late, mark na absent ka na kaagad.
"Psst." May sumitsit. Lumingon ako sa gilid at likod ko pero wala akong makitang tao. "Psst." Lumingon ako ulit pero walang tao. Pero pagharap ko napasigaw ako sa gulat ng kamuntikan na akong bumangga kay Rio na nasa harap ko na kaagad.
"Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Hindi naman." Walang ka-abog abog niyang sagot. Hanep 'to, parang wala lang sa kaniya ang gulat na naramdaman ko sa ginawa niya. "May gagawin ka ba ngayon?"
BINABASA MO ANG
A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]
UmorismoRona Patricia Andrew, ang babaeng nakatuklas sa katauhan ni Rio Grannel. Ang lalaking tinaguriang..... God of Death.