Chapter 7
Alas kwarto medya palang ng umaga ay gising na ako. Hindi pa gising sila ni mama kaya naman dali-dali akong naligo at naglakad papunta sa school. Medyo may kadiliman pa sa daan. Nakakatakot man ay pinalakas ko nalang ang loob ko. Alas singko kasi ang sinabing oras na sinabi sa akin ni Grace para linisin ang buong gymnasium.
Habang naglalakad ay nakararamdam ako na may taong sumusunod sa 'kin. At kapag lilingon ako ay wala akong nakikitang tao. Bigla ay nagtayuan ang balahibo ko sa braso at batok pero nagtuloy lang ako sa paglalakad.
Saktong nasa harap na ako ng university ng medyo lumiwanag na ang kalangitan. Bukas ang gate kaya pumasok na ako at dumiretso sa gymnasium. Nagtindigan ulit ang balahibo ko dahil medyo madilim sa loob. Humawak ako sa strap ng bag ko ng mahigpit at pumunta sa switch ng ilaw. Sinindi ko iyon kaya naman nagkaliwanag na. Nakahinga ako ng makita na hindi masyadong makalat ang gym. May mga kalat lang sa part ng mga inupuan ng mga nanunuod pag may game.
Inilapag ko sa tabi ang bag saka nag-umpisang pulutin ang mga kalat at nagwalis na rin. Pasado alas siyete ako na tapos. Pawis na pawis akong umupo at pinunasan ang pawis ko sa katawan.
"Ang sipag mo naman pala." Napahiyaw ako sa gulat at napatayo pa. "Ganyan ka ba talaga magulat?"
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sinagot ang taong 'to na bigla na lang sumulpot. "Talaga ba na bigla ka nalang sumusulpot! Nakakatakot ka." Sabi ko at umupo ulit at tiningnan si black guy. Yes, si Black guy na palaging may dalang pana ang sumulpot sa tabi ko. Nakaupo siya at nakatingin sa court. "Anong ginagawa mo dito ng ganito ka-aga?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Napanguso nalang ako at ipinagpatuloy ang pagpunas sa sariling pawis.
"Alam mo ba na ikaw lang ang nakakakita sa 'kin."
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ha? Bakit hindi ka nakikita ng mga estudyante dito?"
"Yeah. Iilan lang ang nakakakita sa 'kin. Mga taong may kakaibang kakayahan lang."
Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan. "May kakayahan? so ibig ba sabihin ay kakaiba ako at may kakayahan? anong kakayahan?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Pero ramdam ko na iba ka sa kanila."
"Weh? paano mo nasabi na iba ako?"
"Dahil nakikita mo ako."
"Bakit ako lang ba ang nakakakita sa 'yo?" tumango siya. "Talaga?"
"Ikaw pa lang ang napansin kung nakikita ako. Kaya nga kinakausap na kita." Tumayo siya saka inayos ang panang dala sa balikat niya.
"Teka," pagpigil ko sa kaniya ng maglakad na sana siya. "Ibig ba sabihin magkaibigan na tayo? kinausap mo ako diba?" hindi niya ako sinagot. Naglakad siya ulit. "Woy, ano na? magkaibigan na tayo?"
"Hindi." Sagot niya.
Tumayo ako at tumakbo papunta sa harap niya. Napatigil siya at tiningnan ako ng seryoso. 'Yong tingin na naman na magpapatindig na balahibo ko. "Gusto kitang maging kaibigan. Minsan lang ako mag-alok kaya pumayag ka na." Nginitian ko siya ng sobrang lapad at inilahad ang kanang palad sa harap niya. "Ako si Rona, ikaw?"
Nakangiti pa rin ako pero nawala 'yon ng itulak niya ako ng mahina pagilid para hindi ko maharangan ang dadaanan niya.
"Woy, ano na kasi?!" sigaw ko pa. Ang OA naman nito. Ayaw pa sabihin kung anong pangalan niya. "Friends na tayo ha?"
"Miss Andrew sino ang kausap mo?" napatingin ako sa nagsalita. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. "Tapos mo na ba ang task mo?"
"Kakatapos ko lang Grace." Sagot ko saka kinuha ang bag ko sa gilid.
BINABASA MO ANG
A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]
Hài hướcRona Patricia Andrew, ang babaeng nakatuklas sa katauhan ni Rio Grannel. Ang lalaking tinaguriang..... God of Death.