CHAPTER 19
"Kanina ko pa nakikita ang malungkot na mukhang 'yan," sabi ni Maxell pagkalabas ng prof namin sa umaga. Kinuha niya ang bakanteng upuan at inilagay iyon sa harap ko saka siya umupo. "May sakit ka ba?" ilalagay niya sana ang palad niya sa noo ko ng tapikin ko iyon ng mahina."Wala no." Sagot ko.
Tiningnan niya ako na parang binabasa niya ang nasa isip ko. "Kung wala bakit malungkot 'yang mukha mo?"
"Kailangan ba na naka-smile ako Maxell?" medyo na iinis ko ng sabi.
Mahina siyang napabuntong hininga. "Kung may problema ka Rona pwede mo sabihin sa akin. Makikinig ako."
"Salamat nalang." Tumayo ako at lumabas ng silid. Pumunta ako sa may field na para sana tumambay kaso nando'n si Rio. Katabi niya si Delve.
Biglang bumigat na naman ang nararamdaman ko. Para akong na iiyak sa hindi ko malamang dahilan. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Tapos tumatawa pa si Delve na mas lalo pa nagpapahirap sa damdamin ko.
Simula ng makilala ko si Rio, hindi niya pa ako napapatawa kagaya ng paraan ng pagtawa ni Delve. Nakakainis at nakakaiyak.
Kaya naman tumalikod nalang ako at lumayo sa lugar na 'yon. I fell my tears falling in my cheek. I have this weird feeling that I can't explain.
KINABUKASAN pagpasok ko ulit sa school ay sinalubong na ako ni Delve. Napakalapad ng pagkakangiti niya, masayang masaya ang makikita mo sa mukha niya. Hindi ko tuloy matitigan ng matagal ang mukha niya.
"Oy Rona ang lungkot naman ng mukha mo." Sabi niya habang sinusundan ako papunta sa upuan ko. "Gusto mo ba na sumama sa akin mamaya? Magkikita kami ulit ni Rio."
Pumihit ang katawan ko paharap sa kaniya. "Pwede ba tigilan mo ako sa Rio Rio na 'yan!" bigla kung sigaw sa kaniya na ikinagulat niya. Pati ako nagulat din sa ginawa kung pagsigaw kay Delve. "Sorry," kaagad kung paghingi ng paumanhin sa kaniya. "Ang ibig kung sabihinz hindi ko naman kilala ang Rio na sinasabi mo."
"Akala ko kasi talaga kilala mo siya e." Sabi niya at napipilitang ngumiti.
"Hindi ko siya kilala." May diin na nasabi ko. Ngumiti siya ulit ng pilit at umalis sa harap ko. Sinundan ko nalang siya ng tingin.
Ayokong sabihin kay Delve na kilala ko at nakikita ko si Rio. Papanindigan ko ang sinabi ko na kakalimutan ko na si Rio. Na tatanggalin ko na sa isip ko na nakilala ko pa ang taong 'yon.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at tahimik lang hanggang hapon. Wala si Maxell, hindi siya pumasok kaya walang nangungulit sa akin. Mas okay na rin siguro 'to, na mag-isa ulit ako. Pero nakakapanibago. Simula kasi ng dumating si Maxell at Rio sa buhay ko ay nag-iba na ako. Tahimik lang talaga ako dati at hindi nakikipag-usap sa hindi ko naman ka-close kaya nagtataka ako sa sarili ko na kinakausap ko sina Rio at Maxell.
"Hoy Pangit!"
Napalingon ako sa likod ko. "Ako ba ang tinatawag mo?" tanong ko kay Louise na ngumunguya na naman. Napatitig ako sa labi niya na ngayon ay kulay brown na ang lipstick. Bagay na bagay sa kaniya.
"May iba pa ba? Ikaw lang naman ang pangit sa mata ko kaya bakit nagtatanong ka pa?" Nakataas na naman ang kilay niya.
"Bakit mo ako tinawag? May sasabihin ka?" binigyan ko siya ng bagot na tingin.
"Nasaan si Maxell?"
"Ewan ko." Mabilis kung sagot. Bakit sa akin niya hinahanap ang pinsan niya.
"Diba palagi mo naman siyang kasama? Nakakapagtaka na hindi mo alam kung nasaan siya."
"Louise hindi ko talaga alam kung nasaan ka. Hindi porque palagi kaming magkasama ay alam ko na ang mga lakad niya. At saka wala akong balak na alamin kung saan ang pinsan mo."
Sinamaan niya ako ng tingin. Tinging pailalim. "Ang angas mo ng sumagot ah? tinuruan ka ba ni Maxell ng ganiyang pananalita?"
Bumuntong hininga ako. Ano ba talaga ang kailangan nito sa akin? "Hindi ko alam kung saan siya kaya sa iba mo nalang itanong." Tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa kaniya. Rinig ko pa na nangingitngit siya sa inis at panigurado masasabunutan ako nito bukas.
Dahil uwian na rin naman ay nagpasya nalang akong umuwi. Nagsilabasan na rin naman sa campus ang iba kaya nakisabay na rin ako na lumabas. At sa paglabas ko ay nakita ko na naman si Rio. Nakatayo siya sa tabi ng guard at parang may hinihintay. Siguro naramdaman niya na nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. Mabilis kung inalis kaagad sa kaniya ang paningin ko at nagpanggap na hindi ko siya nakita. Naglakad ako ng mabilis.
Ngunit na bunggo ako at halos matumba ako sa gulat sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kataka taka na nasa harapan ko na siya.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Akala ko ba hindi mo na ako nakikita?" wala na namang expression ang mukha niya.
Hindi ko siya sinagot. Umiwas ako at naglakad. "Simula ngayon hindi mo na ako makikita."Napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. "Okay." Sabi ko. "Mas maganda nga 'yon e, na mawala ka na sa landas ko."
Pero bakit iba ang sinasabi ng puso ko? Bakit nahihirapan ang kaluoban ko na tanggapin na hindi na siya magpapakita pa sa akin? bakit para na namang pinipiga ang puso ko dahil kumikirot iyon?
"Kung 'yan talaga ang gusto mo, okay. Ito nalang ang huling araw na makikita mo pa ako."
Napapikit ako. At sa pagpikit ko may tumulo na namang luha sa pisngi ko. Ang sakit ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga na parang walang hangin sa paligid.
Kaya naman nilingon ko siya dahil ang tahimik na. Kaso naglakad na siya palayo sa akin.
"Rio!" tawag ko sa kaniya. "Rio!" ngunit hindi na siya lumingon pa.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Tuloy tuloy kasi na pumatak ang luha ko.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Maxell na biglang sulpot na naman sa gilid ko. hinawakan nito ang pinsgi ko at tinulungan akong tanggalin ang mga luha ko sa pinsgi. "Sabi ko naman kasi sa 'yo sabihin mo sa akin ang problema mo."
Napayakap ako sa kaniya at napahagulgol nalang bigla. Niyakap niya naman ako at hinayaan lang na umiyak sa dibdib niya.
*******
To be continued...
BINABASA MO ANG
A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]
HumorRona Patricia Andrew, ang babaeng nakatuklas sa katauhan ni Rio Grannel. Ang lalaking tinaguriang..... God of Death.