CHAPTER 5

124 10 0
                                    


Nakasalampak at nakapatong sa tuhod ko ang kanan kung braso saka itunukod sa palad ko ang mukha ko habang nakatingin sa mga kaklase kung pinapunta sa ginta ni Sir para sa unang batch na maglalaro.

Ang laro na gagawin ay volleyball. Naka separate kami into 4 groups at belong ako sa group 3. Unang naglaro ang group 1 at 2. Pagtapos nilang maglaro ay kami ang susunod.

At syempre kinabahan ako kasi ka-team ko si Louise na kanina pa nakataas ang kilay na patingin-tingin sa akin. Tapos kalaban pa namin sina Maxell, Grace at Lavenia.

"Group 3 and 4, prepared!" sigaw ni Sir Mateo.

Nagsitayo na kaming Group 3 at pumunta sa gilid ng court. Dahil anim lang kami ay talagang kasama ako sa loob ng court kapag maglalaro. Bigla ay nilapitan ako ni Louise.

"Marunong ka ba mag spike?"
Mag spike daw? E takot nga ako sa bola. Umiling ako. "Wala kang kwentang ka team. Siguraduhin mo mamaya na maayos ang laro mo. Kung hindi i-spike ko 'yang mukha mo."

Sinimaan niya ako ng tingin at tinalikuran. Bigla tuloy akong kinilabutan sa pagbabanta niya sa 'kin. Baka kasi tutuhanin niya ang sinabi niya sa akin.

"Okay group 4, pasok na tayo sa group." Sabi ni Grace na siyang team captain ng gropo nila. Nagsipasukan naman sa court ang anim at halos gusto kung umatras sa larong 'to dahil makakalaban namin sina Lavenia, Maxell at Grace.

Lavenia is one of the Most Valuable Player last Year sa larong volleyball. Kung baga, veteran na siya sa larong 'to.

Nang pumito na si Sir Mateo na siyang referee namin ay pumasok na sa loob ang ka team ko. Ako naman ay nasa labas pa ng court at takot pumasok para maglaro. Ako pa naman ay isang dakilang takot sa bola. Hindi ako sporty na tao.

Bigla ay may tumulak sa akin ng malakas kaya kamuntikan na akong masubsob sa court. Paglingon ko sa nagtulak sa akin ay ang masamang tingin kaagad ni Louise ang nakita ko.

Nakalimutan ko palang sabihin na isa din si Louise sa varsity player ng volleyball. Magaling din siya pero mas magaling sa kaniya si Lavenia kaya gano'n sila ka mortal na magkaaway.

Kinakabahan man ay pwesto ako sa harap. Si Louise naman ay sa likod ko. Sa kabila naman ay si Grace ang mag serve, si Maxell sa likod at si Lavenia ang nasa harap.

Pumito ulit si sir Mateo kaya naman nag serve na si Grace at nakuha iyon ni Safara na Libero daw namin at pinasa kay Delve na siyang sitter. Nang makuha iyon ni Delve ay ipinasa nito kay Louise. At napanganga ako ng tumalon si Louise at malakas na pinalo ang bola na nakuha ni Maxell na pinasa kay Grace at binigay ni Grace kay Lavenia at pinalo iyon ng malakas.

Bigla ay para akong pinako sa kinatatayuan ko ng makita na sa akin papunta ang bola na pinalo ni Lavenia.

"Nanay ko po!" sigaw ko saka tumakbo palabas ng court.

Nilingon ko ang ka team ko. Buti nalang na kuha ni Safara ang bola at ibinigay kay Louise na pinalo nito ng malakas. Hindi na save ng group 4 ang bola.

"Andrew pumasok ka sa loob ng court!" sigaw ni Sir Mateo at pinituhan ako.

A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon