Chapter 26
Rio Grannel's POV
Maaga akong umalis sa mansyon ng mga Greeks para pumunta sa Holy Angel University. Nakasabit sa balikat ko ang pana habang naglalakad. Alas sais pa lang ng umaga at paniguradong nasa bahay pa nila si Rona.
Napahinto ako at napaisip. Sisilipin ko kaya sya sa kanila? pero para saan pa? ayaw nya naman na akong makita kaya siguro 'wag nalang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit ang mga paa ko'y na pansin ko nalang na sa daan papunta sa bahay nila Rona naglalakad. May sarili na namang desisyon ang paa ko. Nang makarating sa labas ng bahay nila ay saktong pag bukas nya ng pinto. Dalidali akong nagtago sa likod ng puno. Deretso syang lumabas ng gate at naglakad. Pinalayo ko muna sya ng kaunti bago sinundan.
Himala, hindi nya kasama ang lalaking palagi nyang nakakasama.
Lakad lang sya ng lakad at parang pakialam sa paligid. Binilisan ko ang lakad ko at medyo malapit na ako sa kanya pero hindi nya pa rin ako maramdam.Sobrang lapit na namin sa isa't isa pero ang layo pa rin naming dalawa. Parang gusto ko tuloy syang kalabatin kaso ayokong ipagtabuyan nya na naman ako. Nakarating na kami sa university pero hindi nya pa rin ako naramdaman.
Sa pagpasok nya sa gate ay doon na sumulpot ang lalaking kasama nya palagi. Napahinto ako at tinanaw nalang silang dalawa na nag-uusap, masayang masaya sya habang kausap ang lalaking 'yon. Samantalang ako na nasa likod nya lang at sinusundan sya hindi nya naramdaman. Ang manhid lang.
Hinarap ko nalang ang daan papunta sa bench na lagi kung tinatambayan noon. Isang buwan na rin na hindi ako nakakapunta at nakakapagtambay sa lugar na iyon.
Mabuti nalang ay walang taong nakaupo kaya umupo ako kaagad at inilapag ang libro at panang dala ko sa gilid ko. Dito ko nalang hihintayin ang paglabas ng tao para sa huling mission ko.
Gusto ko na din matapos ang mission ko dito para hindi ko na makita pa si Rona. Para tuluyan na akong malayo sa kanya, total iyon naman ang gusto nya. Ang lumayo ako at kalimutan sya.
Kahit ayaw ko na layuan sya ay kailangan kung gawin, lalo na ngayon masaya na sya sa taong palagi nyang nakakasama. Hindi naman kasi talaga dapat na nakikipag-usap ako sa mga tao, hindi ako kagaya nila . Ibang iba ako sa kanila.
"Rio?" Napalingon ako sa likod ko. Si Delve pala. "Ikaw nga!" sigaw nya at kaagad na dinamba ako ng yakap. Sobrang higpit ng yakap nya sa 'kin at bigla nalang syang humagulgol ng iyak. "Nakakainis ka Rio! Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"Hindi naman dapat ako magpapakita ulit e," sagot ko at inilayo sya sa 'kin ng kunti. Nagpahid sya ng luha sa mukha. "Bakit ka umiiyak?"
"Na miss kasi kita! Isang b'wan ka kayang hindi nagpakita at isang buwan akong walang nakakausap."
"Hindi mo pa din ba sya nakakausap?"
Lumungkot ang mukha. "Hindi na e. Siguro dahil may kasama na sya palagi. Hindi sila nagkakahiwalay ni Maxell, balibalita nga dito sila e."
BINABASA MO ANG
A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]
HumorRona Patricia Andrew, ang babaeng nakatuklas sa katauhan ni Rio Grannel. Ang lalaking tinaguriang..... God of Death.