CHAPTER 22
Rona Patricia Andrew's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Maxell Lee sa likod ng university kanina ay nagpunta ako sa second floor para magliwaliw. Kaso sa kasamaang palad, nakita ko si Rio, kasama nya si Delve.
Sobrang tuwang-tuwa si Delve habang kinakausap si Rio at sa tingin ko natutuwa din si Rio sa paraan ng pangungulit sa kanya ni Delve.
Anong meron sa kanila?
may namumuong ugnayan na ba sa kanilang dalawa?Bakit may kirot akong nararamdaman habang tinitingnan ko sila?
Bakit parang nagseselos ako?
Bakit nasasaktan ako na makitang iba na ang kasama ni Rio?
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakatingin na sa akin si Rio. Kaagad akong nanigas ng magtama ang mata naming dalawa. Ang puso ko ay biglang bumilis ang pagtibok. Pakiramdam ko ang lamig ng paligid dahil nanlalamig ang buong katawan ko habang nagkakatitigan kaming dalawa ni Rio.
Sa tensyon na naramdaman ko ay umalis ako sa lugar na iyon at bumalik sa classroom. Napahawak ako sa dibdib ko na mabilis pa rin ang pagtibok.
Omyghad! Gusto ko na ba sya?
Talagang talagang talaga?
Paano ako magkakagusto sa kanya?
Hindi pwede 'yon!"Hi Rona."
Napatigil ako sa kakaisip ng sumulpot si Delve sa tabi ko, ngiting-ngiti. Siguro may gusto din ang babaeng ito kay Rio. Ang sarap nyang sabunutan. Nakakainis.
Kaya naman sa hindi malamang dahilan kung bakit ako na iinis sa kanya ay hindi ko sya pinansin. Kinuha ko ang libro sa desk at kunwaring magbabasa.
"Bakit ayaw mo na akong pansinin Rona? galit ka ba sa akin?" tanong nya. Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binigkas nya. Muli ay hindi ako sumagot. "Kung na iinis ka sa akin dahil sa paglapit ko kay Rio, sorry."
Pabalibag kung ibinaba ang libro saka sya binalingan.
"Sino bang Rio ang sinasabi mo? ilang beses mo ng sinasabi sa akin ang Rio na 'yan." Inis kung sabi.
"Hanggang ngayon ba magpapanggap ka pa rin na hindi mo kilala si Rio?"
"Hindi ko sya kilala kaya sana tigilan mo na ang pagbanggit sa harap ko ng pangalan na 'yon."
Bumungisngis si Delve sa sinabi ko at tumayo para lumipat ng mauupuan. Sinundan ko sya ng tingin at parang bigla akong na konsensya sa sinabi ko sa kanya.
Tatayo na sana ako para kausapin sya kaso biglang pumasok si Maxell na ngiting-ngiti na naman.
"Hello baby," malanding bati nya sa akin. Napaikot ako ng mata at hindi sya pinansin. Umupo sya inupuan kanina ni Delve. "Snob mo na ako ngayon Rona?"
"Hindi." Maikli kung sagot.
"Hindi daw." Sumandal sya at pinag-kross ang mga binti. "Mamaya labas tayo Rona."
"Lalabas? Saan?"
Gumuhit ang nakakalukong ngiti sa labi nyang inilapit sa akin ang mukha. "Date tayo baby."
Sinamaan ko sya ng tingin. "Ayoko." Kaagad kung tutol.
Napalabi sya at nagpapaawa sa harap ko. "Ngayon lang ako nag-aaya e, please. "
"Ayoko pa rin."
"Baby naman---" sabi nya kaya inambaan ko sya na susuntukin. "Ang sama mo talaga sa akin Rona." Sumandal ulit sya sa upuan. "Alam mo ba na ikaw lang ang niyayaya kung mag-date."
BINABASA MO ANG
A Matter Of Love And Death [#Wattys2017] [#KGAwards2017]
HumorRona Patricia Andrew, ang babaeng nakatuklas sa katauhan ni Rio Grannel. Ang lalaking tinaguriang..... God of Death.