I admit it. Gwapo si Niel, iyon lang. Halos lahat naman ng pinsan ko mga gwapo at magaganda eh. Of course, hindi na ipagkakaila na gwapo talaga siya.
"Kumusta naman ang enrollment nyo, Nica? Maayos ba ang napili mong school?" tanong ni Lola sa akin.
Ngumiti ako ng malawak sa kanya, "opo La! Nandoon karamihan ng friends ko, at nadoon din ang gusto kong kunin na track next semester."
Ngumiti naman sya bilang sagot.
"Edi maganda, nagdadalaga na talaga ang mga bata noon. Kaya na nilang pumili ng sarili nilang paaralan at may mga pangarap na sa buhay." Komento naman ni Tito Holand, papa ni Cain at Ate Rain.
"Ikaw ba, Lorraine, anong plano mo ngayong college ka na?" Tanong naman ni Mama sa kanya.
Tumango naman si ate Rain, "opo, hmm, kukunin ko po eh Pharmacist, since nasa field ko ang science, mabilis din akong makakapag-trabaho dahil kay ate Nana."
Patukoy nya sa pinsang kong si Ate Nana, na nagttrabaho sa isang sikat na pharmacy store ngayon. Wala ngayon si Ate dahil may trabaho ito, kahit na gusto nyang sumama ay hindi nya nagawa.
"Magandang ideya iyan." Sang-ayon naman ni Lola sa kanya at ningitian sya.
Nag-usap lang kaming lahat tungkol sa future at plano namin at isa isa na silang nagsi-tayoan.
"Ang pinaka-huling kumain ay sya ang mag-huhugas ng pinggan, okay?" Panakot sa amin ni Tita.
Hindi ko naman pwedeng bilisan ang kain ko dahil bawal iyon, pero napansin kong tatlo nalang kaming kumakain.
Si Cain, ako at si Daniel.
Maya-maya pa ay tumayo na si Cain.
"Teka, Cain!" Tawag ko sa kanya, "talagang iiwan mo ako dito?"
Tumawa sya, "tagal mo talagang kumain. Oh, eto, gamot mo daw, bigay ng Papa mo."
Iniabot ko ang gamot na hawak nya. "Si Papa? Andito na ba sya?"
"Oo, kani-kanina lang ata."
Umalis na sya at dumiretso sa kusina upang ilagay ang pinagkainan doon.
Ano ba 'yan, ako lang ba maghuhugas neto? Ang dami kaya nun!
Maya-maya pa ay tumayo na din si Daniel. Walang imik syang pumasok sa kusina.
"Ah, grabe, sana man lang may tumulong." Bulong ko.
Matagal kasi talaga akong kumain dahil sa dami ng kailangan kong kainin (payat ako, kaya marami pinapakain sa akin) at mga gamot ko (para sa puso ko at ilang vitamins).
Wala naman talaga na akong sakit. Parang prevention medicine nalang ang iniinom ko para 'di na daw bumalik ang sakit ko noong bata ako.
Tumayo na ako at tinawag si manang na ayosin ang lamesa at ako na ang manghuhugas.
"Ah, may naghuhugas na po sa loob."
Nabigla ako sa sinabi nya, "ah? Sino po?"
Sino itong nilalang na ito na may mabait at may magandang puso?
"Nako, si Daniel, sobrang himala nga dahil ngayon ko pa lang iyon nakitang nanghuhugas."
Nanlaki ang mata ko. "Si..." medyo natawa ako, "Daniel...?"
Pumasok na ako sa kusina at nakitang naka-apron si Niel at naghuhugas nga ng mga pinggan. Kakasimula pa lang nya pero inuuna na nya ang mga mamantika at maduduming hugasin. Nilapitan ko sya.
"Teka, Niel, ako na dyan. Hindi ka naman pala marunong eh."
Lumingon sya sa akin, "huh?"
"Ako na dyan, sige na. Ako din naman ang nahuling kumain," tinanggal ko ang pagkakatali ng apron sa likod nya.
BINABASA MO ANG
If
RomanceIf... they didn't met that day Would things be different from what they are now..?