Chapter 4

25 1 0
                                    

Araw na para kami ay umuwi sa syudad dahil may mga trabaho pa ang mga magulang namin. Hindi ko alam pero nalulungkot ako ng sobra. Hindi ko na kasi ulit makikita si Lola at ibang pinsan ko na minsan ko lang makausap at makasama. Wala naman kasi akong cellphone para makausap ko sila kahit malayo kami. Next year pa ulit kami babalik kaya sobrang lungkot ko.

Ngayon, nagkaroon ako ng interest magkaroon ng cellphone para makontak sila Lola. Hindi naman kasi ako mahilig mag text gaya nila Kuya at Ate na ang laki ng cellphone. Ipod nga lang meron ako, okay na ako eh.

"Lola, aalis na po kami ah. Babalik nalang ulit kami sa susunod na reunion." Paalam ko sa kanya, hinawakan naman nya ang kamay ko at pinisil ito.

"Mag iingat kayo sa byahe, ah. Balitaan mo kami kung anong ganap sa inyo doon."

Tumango ako sa kanya at ngumiti, "Opo, tatawagan ko po kayo dito kung magkaka-phone na ako."

Hinalikan nya ako sa noo at niyakap.

Isa-isa na kaming pumasok sa loob ng van at naisipan kong sa pinakalikod at pinakahuli ako uupo. Gusto ko lang mapagisa at isiping muli ang limang araw na dumaan sa isang iglap lang.

"Bakit ka andito?" Nabigla ako ng may kumausap sa akin sa tabi ko.

"Niel, anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw kong tanong.

Nakita kong nakaupo si Daniel sa likod din at nakabalot pa ng makapal na jacket ang katawan. Tiningnan ko sya at takang taka lumingon sa mga ibang pinsan ko.

"Ah, hindi mo ba narinig ang balita, Nics? Sa syudad na magpapatuloy ng college 'yang si Dan." Sagot ni Kuya Eden sa tanong ko. "Maaga ka kasing natulog noong nag-usap usap ang lahat tungkol sa paglipat nya."

Kaya pala ang dami nyang dalang bag. Hindi ko sya agad napansin sa likod dahil parang syang si Kuya Efren dahil magkasingtangkad na ata sila.

"Ah, ganoon ba. Sorry, nabigla lang ako."

It's really shocking. Hindi ko ineexpect na kaya nyang iwan ang bahay nya at tumira sa malayo. "Kasama ba si Mama mo?" tanong ko.

"Oo. Pero susunod lang daw sya dahil magpapaalam pa sya kina lola at sa ibang pamilya."

"Eh ang Papa mo?"

"He's already working there so, it's obvious we'll live together with him."

Tumango ako at tumahimik na lang. Fixed na naman pala ang lahat. Medyo nag-alala pa ako dahil baka ma-homesick sya sa syudad.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, lil kid." Napatingin ako sa kanya dahil out of nowhere sa byahe ay nagsalita sya. At sinabihan nya akong lil kid.

"Huh?"

"Bakit ka andito sa likod."

"Ah..." pinaalala nya! Nalungkot akong muli. "Wala, nalulungkot lang ako kasi malalayo ulit ako sa kanila at kay lola."

"Hmm."

~ ~ ~ ~ ~

"Nica! Nica! Gising na! Nasa bahay na tayo!"

Nagising ako sa ingay ni Mama mula sa labas. "Ma... anong oras pa..."

"Danica! Nasa---"

"Tita, ako na lang po ang maglalabas sa kanya, malapit lang naman ang bahay namin dito, maglalakad nalang ako after ko syang mapasok." Narinig kong saad ng katabi ko.

Mayamaya pa ay naramdaman kong iniangat nya ako at isinakay sa likod nya.

"Hmmm...."

IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon