"Nica, bilisan mo dyan! Aalis na tayo!" Pasigaw na saad ni Mama sa akin sabay kalabog ng pinto ng kwarto namin.
"Oo na, lalabas na ako!" Sagot ko sa kanya. Kinuha ko na ang isang malaking shoulder bag at ang ipod ko. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nakapamewang na si Mama. "Ano bang ginagawa mo at ang tagal tagal mo? Tara na."
Napanguso ako sa sinabi nya. "Naghahanda lang ako eh."
Ini-lock namin ang mga pinto at agad na lumabas para sumakay sa service namin papunta sa probinsya namin.
"Sino namang pinaghahandaan mo eh reunion lang ang pupuntahin natin? Ha?"
Pinagbuksan ako ng pinto ng pinsan ko at sa kanya tumabi, " Wala! Ang ingay mo, Ma. Eto na ako oh, nakasakay na ako!"
Tumawa naman halos ang kasama namin, "Ang aga-aga pa, nag-tatalo na naman kayo."
Tinapik ko ang katabi kong pinsan na si Cain, "Couz, san ate mo? Ba't wala ata?" Napansin ko kasing wala ang ate nya minsan ay agad na yumayakap sa akin. "Ah, nasa kabilang van si Ate. Kasama sila Mama."
"Hmmm, ganoon ba."
Punuan ang tatlong van na dala namin dahil marami kaming galing syudad na pupunta sa reunion sa probinsya.
"Excited na ako."
Napalingon ako sa pinsang kong babae. Maganda si Cain, matangkad at may mataas na ilong gaya ko, na namana namin sa mga Mama namin, pero mahaba ang buhok nya at medyo curly ito habang ako naman ay medyo maikli pero bagsak at walang arte.
"Bakit, Cain?"
Ngumiti sya sa at isinandal ang ulo sa likod, "Makikita ko ulit ang mga pinsan natin! Isang beses sa isang taon lang tayo nagkikita kita kaya sobrang saya ko."
Tumango ako sa kanya at ngumiti, "Oo nga. Ako din, kaya sobrang naghanda ako sa reunion na 'to. Makikita ko na kasi ulit si lola."
Ilang oras din ang naging byahe namin, marami din kasi umuuwi sa probinsya dahil summer na ngayon. Maraming mga kasabayan namin na parang mag re-reunion din.
Sa kalagitnaan ng byahe ay nakipag-palit ng upuan si Joe sa akin, pinsan kong lalake na kasing edad ko lang. Alam na alam talaga nila na gusto ko umupo sa tabi ng bintana kada byahe. Gusto ko kasing mapanuod ang mga tanawin sa mga lugar na dadaanan namin.
"Salamat, Joe."
Tumango lang sya sa akin at natulog ulit.
~ ~ ~ ~ ~
"---ica! Danica! Ano ba, matutulog ka na lang ba dyan hanggang mag-umaga?!"
Kinusot ko ang mata ko at nagising mula sa ingay ng Mama ko.
"Ma, ano ba...."
"Anong 'ano ba'! Dumating na tayo! Bumaba ka na dyan, kanina ka pa natutulog."
Napabangon ako ng maalala kong bumabyahe nga pala kami. "Ahhh, sorry sorry."
Bumaba na ako at nakitang naka-ngising mga pinsan at tito at tita ko.
"Hinayaan mo na lang sana, Rica." Sabi ni Tita Rowena sa kanya, ang Mama ni Joe.
"Nako, baka hindi na yan magising hanggang umaga."
Tumawa sila at pinapasok kami sa loob ng bahay.
Malaki ang bahay namin dito, may tatlong palapag, ang nasa unang palapag ay tinitirhan ng mga pinsan, tito at tita ko na dito sa probinsya nakatira habang ang ikalawa at pangatlong palapag ay para sa guest at ibang tao na ginagamit sa ganitong okasyon.
BINABASA MO ANG
If
Storie d'amoreIf... they didn't met that day Would things be different from what they are now..?