Chapter 5

16 1 0
                                    

"Pa, tinawag nyo daw ako?" agad akong pumasok at pumunta kung nasaan sila Papa. Nandito din si Mama at ang parents ni Daniel. Si Daniel, hindi ko makita at hindi ko alam saan nag-punta.

"Oo, kasi, hindi ko alam anong meron pero, ibinigay daw 'to ni Daniel."

Umupo ako sa couch at kinuha ang kahon na iniabot ni Papa sa akin at ngayon ay nasa harap ko. "Ano po 'to, Tita?"

Umiling siya, "Hindi ko rin alam, ija. Ayaw naman sabihin nitong isa." Patukoy nya kay Tito na nasa tabi niya.

Nakabalot ito sa maitim na cover at medyo may kalakihan. Bakit black? Hindi ko talaga maintindihan ang lalakeng iyon.

"Nasaan ba si Daniel?"

Lumingon ako kay Papa, "Hindi ko alam, baka umalis, may katawag kasi 'yon kanina tapos parang may ime-meet."

"May kakilala na ba 'yon dito?" tanong ni Mama.

Tumango naman si Tita, "Oo, dito sya nag high school. Umuwi lang sya last year at doon nag 1st year dahil mag-isa lang ako doon. Ngayong kaya na naming tumira tatlo dito, pinagpatuloy nya ulit ang 2nd year dito."

Tumango ako, "Hm, ganoon."

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at maingat na binasa ang loob. "Bakit hindi na lang niya ito binigay kanina? Nagkita naman kami sa likod."

Tumawa si Papa, "Nahihiya siguro ang pinsan mo."

Nang matanggal ko ang balot ay may malaking logo ng mamahaling phone akong nakita. Namilog ang mata ko, "Pa! Hindi ko 'yan kailangan!"

Ipinatong at ibinalik ko ulit ang kahon sa lamesa at tumingin kina Tito. "Tito, kaya ko naman pong bumili ng phone. Hindi ko po talaga yan tatanggapin."

"Nasaan na ba kasi 'yang si Daniel." Iritadong tanong ni Tito, "hindi ko kasi kayang i-explain 'yong sinabi nya kanina nung binili niya 'yan, Danica eh." Ngumiti sya ng maliit sa akin.

"Kaya naman kitang bilhan ng phone, Nica, kaso naunahan ako netong si Daniel. Hindi ko alam anong rason nya pero nageffort syang bumili kaya tanggapin mo na." sabi naman ni Papa sa akin.

Bakit parang pinapanigan ata ni Papa si Daniel ngayon?

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Daniel. Agad nyang sinalubong ang titig namin. "What?" tanong niya ng mariin ko syang tinitigan. Nalipat ang titig nya sa kahon na nasa harap ko, "Oh."

Tumabi sya kay Papa na nasa kaliwa ko, kinuha nya ang kahon at sya ang nagpatuloy ng pagbubukas doon. "You haven't opened it? May problema---"

Tumayo ako at humalukipkip, "Bakit mo ako binibigyan nyan? Kaya ko naman kasi bumili ng cellphone. Tingnan mo ang big deal na masyado neto." Naiirita na ako sa kanya, hindi ko na talaga sya makuha, magets o maintindihan!

Tumayo sya at napatingala ako sa ginawa nya, why are you so damn tall, stupid one!?

"Because you don't have one that's why I'm giving you this. Nagpaparinig ang mukha mo na gusto mo ng phone to contact your relatives on your province, right? Eto, binilhan kita."

Ohghad, I don't know anymore! "Sige, babayaran na lang kita. Pa, Ma, let's just pay him---"

"Tita, Tito, no need na po. It's not like mahal iyan, saka may binili din ako sa sarili ko kaya may discount akong nakuha. It's really nothing."

Oo nga pala, may kaya sila kaya ngayon parang nagpapakita sya nag paraan para mapansin namin iyon. I get it. I get it.

"Hey, hindi ganoon ang ginagawa ko." tumingin sya sa akin na para bang nabasa nya ang nasa utak ko.

IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon