"Nica, ano pang gusto mo?" Saka sya may iniabot sya sa aking prutas.
Ngumiti ako sa lalakeng nasa harap ko, "wala na. Busog na ako, Earl. Salamat." Hindi ko alam pero parang ginagawa akong baboy ni Earl sa dami ng pinapakain niya sa akin ngayon at nuong mga nakaraang araw.
Ningitian nya lang ako at tumayo at nagsalin ng tubig sa lamesa, tumabi naman sa akin ang kambal. "Bukas pwede ka ng lumabas. Halos dalawang linggo karin dito, kaya alam naming bored na bored ka na. Na-miss ka na nila Cath." Sabi ni Hera sa akin.
Tumango naman si Hestia at saka ako nginitian.
"Oo. Tatlong araw akong natulog simula nung napasok ako dito pero kahit ngayon ay inaantok pa rin ako."
Biglang tumawa sa sinabi ko si Mia na napadaan ngayon, or should I say because of Earl. Aha. "Baka tumaas ka na n'yan, Nics."
Tumawa lang ako sa sinabi niya.
Hindi ko ulit maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay 2 weeks ago. Sabi lang sa akin ni Hera ay nakita nya ako sa baba ng hagdanan ng 4th floor ng building B at may dugo daw na tumutulo sa ulo ko kaya tarantang taranta sila at iyak ng iyak. Tyempo din daw na nakita sila ni Daniel kaya sumama ito sa paghahanap sa akin.
Speaking of Daniel, simula nuong nagising ako ay hindi pa nagpapakita ang lalakeng iyon. Hindi ko din naman sya matawag tawag dahil nasa bahay ang cellphone ko at nahihiya akong banggitin ang pangalan nya sa harap nila Mama.
Hinawakan bigla ni Hestia ang kamay ko. May namumuong luha sa mga mata nya. "Sorry talaga, Nica. Hindi na sana kita iniwan doon. Sana hindi ka hulog. Sana hindi ka inatake. Sana..."
Pinsil ko ang kamay nya. "Tama na. Tapos na. I'm fine now."
"Pero ang uncool ng bandage mo sa ulo." Nakangusong tugon ni Hera at pinansin ulit ang bandage sa ulo ko. "Well, in the first place hindi ako cool." Sagot ko sa kanya.
Tumawa lang ang dalawa at niyakap ako. "That's why you're the best." Sabay nilang bulong. Napangiti ako sa lambing at init ng pag-aalaga nila. Sobrang thankful ako dahil hindi nila ako iniwan nuong araw na iyon. Baka natigok na ako kung wala sila eh.
Sabi ng doctor ay parang inatake ako sa puso pero hindi ito heart attack talaga dahil wala na akong sakit sa puso. It's just that nabibigla daw ang dugo at internal system ko sa pagtigil ko sa pag intake ng gamot. It's not a good thing daw at dapat daw ay sabihan ko sya at dahan dahanin ko ang pag hinto ng medicine intake. Dumugo naman daw ang ulo ko dahil natama ito sa sahig dahilan para masugatan.
"Uuwi na muna kami, Nica. We'll be back tomorrow morning para sumabay sa iyo. Then next next day, maybe, we'll go to your house para sabay pumunta sa school." Tugon sa akin ni Hestia. Nagta-tap sya ng kung ano sa phone nya. "Ayan, noted na."
Humarap sya sa akin at ngumiti, "Earl, please, 'wag mo syang iwan while Tita is still not around." Sabi naman ni Hera.
Tumango si Earl at umupo sa maliit na sofa na nasa tabi ko. "Of course. I will do that without you telling me." Saka sya tumitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Ghad, don't you dare say something like that in this kind of place, KUYA Earl."
Nabigla ata si Earl kaya nasamid sya sa sinabi ni Hera. "Umalis na nga kayo!" Medyo namumula si Earl at tinulak tulak pa palabas ang tatlo.
"Bye Nics, Earl!" Kumaway muna si Mia sa akin at masayang ngumiti kay Earl saka sila umalis.
Napabuntong hininga ako. Ang ingay lang ng mga kaibigan ko, hindi ko alam bakit ko ba sila napagtitiisan.
"Sorry. Alam kong gusto mo na lang magpahinga." Nagsalita si Earl kaya napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakahawag sa braso nya at hinamas himas ito.
BINABASA MO ANG
If
RomanceIf... they didn't met that day Would things be different from what they are now..?