Pagkagising ko ay hindi ko na nakita pang muli si Daniela (I decided to call him that because he's stupid). Ang sabi lang ni Mama sa akin ay maaga itong umalis kaninang madaling araw dahil may pasok pa daw sya mamaya. Hindi na naman ako nag tanong pa dahil naging abala sila ni Papa sa pag-aayos ng gamit ko.
Ngayon ay inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko, nandidito na rin sila Hestia at Hera para sabayan kami pauwi. Mas excited pa sila kesa sa akin.
Lumapit sa akin si Hestia at bumulong, "Nakapag-thank you ka na ba?" Patukoy nya kay Daniela. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatyempong magpasalamat dahil binabadtrip niya ako.
Ngumuso ako at tumingin sa sahig. Hinanap ko ang sapatos ko. "Hindi pa." Sagot ko. Hinarap ko sya at ningitian, "Baka magkita kami mamaya, I'm sure pupunta sila ng parents niya mamaya sa bahay. Doon na lang ako magt-thank you."
She tapped my head, "Be sure to do that, okay? Sya ang haggard na haggard na naghanap sayo," pumikit sya at parang may naalalang nakakabigla, "minura pa nya kami ng isang beses," she sighed. "But, we deserve it kasi sobrang tanga namin." She laughed.
Ilang beses ko na narinig ang kwentong iyon at ang pag-hahanap ng bwisit kong pinsan sa akin. I'm not happy na may utang na loob ako sa kanya pero I like the feeling of it. I like how he convey his care for me as his cousin. Kung kasama ko siguro si Cain ay ganoon din ang gagawin niya. Sila ng iba kong pinsan.
"Bumaba na kayo, girls. Nasa baba na ang sasakyan." Sabi ni Papa sa amin.
Tumango kami sa kanya at bumaba na para sumakay sa sasakyan. Nandoon na rin siguro si Hera dahil hindi ko nakikita ang babaeng iyon dito at kasama niya siguro si Mama.
Habang bumababa kami, kinakabahan ako. Hindi ko alam pero parang nagka-trauma ako sa hagdan. Parang naramdaman naman iyon ni Hestia dahil hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti. Napangiti ako sa ginawa niya.
I need to be strong. I don't want to spend my days being weak like this. I luckily survived that accident, that's why I need to be strong for my family and them na laging nandyan para samahan ako sa panahong wala akong kakampi.
Nang makarating kami sa baba ay nakapwesto na agad si Hera sa likod ng sasakyan at ngiting ngiti sa amin. "Hay nako! Ang tagal nyo naman. Kanina pa kami naiinip dito. Buti na lang at may dala syang pagkain." Sabi niya.
Napataas ang kilay ko. "Sinong kasama nya?"
Hestia shrugged. "Hindi ko makita."
Naglakad kami palapit sa kotse at nakita kong nakaupo si Daniela sa may bintana at nakasandal ang ulo. Nakikinig ito ng musika mula sa headset nya. Si Hera naman nasa tabi niya at kumakain ng cheese cake.
"Bakit sya andito?" tanong ko.
Alas dyes pa lang ng umaga at ang alam ko ay may pasok pa siya. Ngumisi sa akin si Hera, "Siya nagdala nitong xuv niyo."
Umakyat ako at umupo sa may kabilang bintana ngunit nakatingin parin ako sa Danielang nakapikit at nagh-hum ng pinapakinggan niya. "Daniel. Daniel." Tinapik siya ni Hestia. Minulat ni Daniela ang mata niya at agad itong tumitig sa akin. Umayos sya ng upo, "You're finally here."
"Er... yeah. Ngayon lang ako pinababa ni Papa. Asan si Mama?"
Ngumuso sya at sinundan ko ang tinuturo niya. Nasa harapan ito at natutulog ata. "Kanina pa sya natutulog?" Ngumiti ako nang makitang pagod na pagod na natutulog si Mama. I need to say thank you later.
Tumango si Daniela, "About 30 minutes ago. That's why I drove because your father noticed she's tired."
Tinanguhan ko siya at ningitian. "I see. Thank you."
BINABASA MO ANG
If
RomanceIf... they didn't met that day Would things be different from what they are now..?