Sa ikatlong araw namin sa probinsya, ay napag-usapan ng matatanda na mag beach sa pinakamalapit na resort para hindi daw kami mabagot sa bahay.
"Yeeeey, beach! Beach!" Chant ng mga bata na kasama ko sa van. "Shh, kids, behave lang dapat para 'di magising sila Kuya."
Agad na nag zipper ng bibig ang mga bata at nag shh sign pa. Cute. May hangover kasi ang mga lalake kong pinsan dahil nag-inuman sila kagabi, pati narin si ate Rain at Trixie. Maliban kay Daniel na hindi uminom.
"Buti na lang may dinala akong bikini!" Masayang saad ni Trixie, wala na atang hangover ang isang 'to.
"Ate Xie---- ay, Trixie, bakit, kailangan ba mag bikini?" Inosenteng tanong ni Honey.
Tumango naman si Trixie sa kanya. Ayaw nya talaga magpatawag ng Ate.
"Of course! To catch some b---"
Pinutol ko agad ang sinasabi nya, "Kids, wala lang iyong bikini. Accesories lang iyon." Tatawa-tawa kong saad.
"Hmm, okay." Sagot naman nila sa akin.
Lumingon ako kay Trixie na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sa akin, "Ano ba 'yang tinuturo mo sa mga bata!"
Tumawa si Cain sa tabi ko, "ang seryoso mo naman."
"Oo nga, don't tell me, wala kang dala?"
I shook my head, "wala. Mag s-short at shirt lang ako."
Wala din naman akong plano mag bikini at magbabad masyado sa dagat dahil hindi ako marunong lumangoy.
"Whaaaat a nice way of ruining the beach atmosphere!" Komento ni Ate Rain, "it's summer, kaya dapat ay ipakita mo ang----!"
"Ahg, wala akong dala, okay?!"
Nagtitigan si Trixie, Cain at Ate Rain.
"Hmmmm..." at sabay sabay na tumango. "Kaming bahala."
~ ~ ~ ~ ~
"Tekaaa!!!! Ayoko! Ayoko!"
Nasa girls changing room kami ngayon at ipinipilit nilang suoting ko ang isang bikini na dala nila. Hindi naman ito gaya ng ibang bikini na nakikita ko, mas decent ito at may maikling palda upang hindi awkward. PERO!
"Ayoko! Ate!!!!"
Hinawakan ni Cain ang magkabilang kamay ko, "Ang arte mo! Buti ka pa nga eh, may hinaharap! Dapat ipakita mo 'yan! Let our relatives amazed by your body kahit na maliit ka!"
Namula ako sa pinagsasabi ni Cain, "What the hell! Ayoko! Kahit na anong sabihin---!!"
Sinimulan na akong hubaran ni Ate Rain kahit na anong pagpupumiglas ko ay hindi ko sya napipigilan. "My God, you'll regret this!"
Mayamaya pa ay isa-isa na kaming bumaba at lumabas pabalik sa pwesto namin. Nakasuot pa ako ng tuwalya at tinatago ang dibdib ko. Hindi naman kasi ito malaki eh, medyo may laman lang kumpara kay Cain na cup A.
"Tito! Tita! Si Nica oh, ayaw pa tanggalin ang tuwalya, nag effort pa naman kaming bihisan sya."
Namumula akong tumayo sa likod ni Mama. Halos nandito lahat dahil iisang pwesto lang naman kaming lahat. "Ma, ayoko kasi talaga. Nakakahiya."
"Nako, ano ka ba. Hindi ka na bata."
Tinapik ni Papa ang likod ko, "Kung may mambastos man sayo, marami kaming magtu-torture doon."
BINABASA MO ANG
If
RomanceIf... they didn't met that day Would things be different from what they are now..?