Kabanata IV.

876 14 1
                                    

Kabanata IV.

Clarice POV

"..Uuuwi na muna ako" sabi ko kay joshua.

"kaya mo na ba?" tanong niya

"oo, kaya ko...salamat sa lahat Joshua" yan ang tanging nasambit ko ng pasakayin niya ko sa taxi..

nakita kong kinausap niya  yung driver ng taxi na parang tinuturo kung saan ang direksyon ng bahay ko.

"Bye! Clarice"

"Sige bye din joshua"

Umandar na ang sasakyan namin.

Pinagmamasdan ko ang mga ilaw ng buildings mula sa bintana,

Nakatitig ako ng malayo..

Tanging ang bride na duguan lang ang Nasa isip ko.

Lumingon ako sa daanan,

"Maghintay ka..papatayin kita"

Narinig ko na naman ang boses niya,

Tinakpan ko ang mga tenga ko

"Ma'am..Ok lang po kayo?" tanong ni manong driver

"Aaahh..manong naririnig niyo po ba yun?"

"Ang alin p--"

Narinig ko ulit ang mga kataga niya,

parang nasa tabi ko lang siya..

"MANONG?!" sigaw ko dahil may tumawid na babaeng naka bride's Gown.

"AAAAAHHHHH!!" nabanga ang taxi namin..

pero bago yun..

"GASP~*"

Agad akong nagising sa bangungot na yun..

"ah..ah..  " hingal na hingal pa ko habang inaalala ang mga sandaling nangyari sakin,

"Sob~* sob~*"

May naririnig akong iyak...

"Uwah~* uwah~*"

iyak ng bata?

isang sangol?

Hinanap ko kung saan nanggagaling,

mula sa kwarto,

Kusina,

sala

pero walang bata.

Tumayo ako sa gitna ng sala upang pakingan mabuti,

pero wala na akong naririnig.

naramdaman kong may tumulo sa noo ko.

"sob~* sob~* uwahh~* uwah~*"

Hinawakan ko ito,

malagkit at kulay pula

Dugo ito?

tumingala ako upang makita kung saan nanggagaling..

Nang makita kong..

Isang batang duguan,

Umiiyak

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" sigaw ko na lang ang maririnig

sa sobrang takot ko.

"ma'am?! MA'AM?!!"

uyog sakin ni manong driver?

isa na namang masamang panaginip?

nasa taxi pa rin ako pauwi na samin.

"Ma'am ok lang po kayo?"

"Aaahh..opo" inayos ko ang sarili ko ng tumunog ang cellphone ko

si Georgina tumatawag...

=====================================

ItsmeKJ property ^__^

RinigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon