Kabanata XII.
Clarice POV
Saktong bumaba kami sa harap ng Ospital.
Nagmamadali kaming pumunta sa Kwarto ni Eliza.
"doc ano po?" nag aalalang tanong ni Inchan sa Doctor
parang nawala ako sa paningin niya.
Parang nabale wala ako sa kanya,
"Kanina po..nawalan po siya ng Oxygen... Maari po ba kayong sumunod sa Office?"
"bakit po?"
"Para po sa Findings ng Pasyente"
"Ok ka lang ba dito?"
Tinatanong niya pala ako...
Nakatitig ako kay Eliza...
Para bang naiingit sa pwesto niya para kay Inchan,
pero? ano bang laban ko...
Nauna siya.
"Clarice? ok lang ba?"
"aahhh.. oo" nag isip pa ako dahil wala ako sa sarili ko.
"sige sandali lang"
Umalis na sila ng Doctor.
Sandaling na iwan ako sa kwarto ni eliza....
Tahimik at tanging makinarya lamang na Bumubuhay sa kanya ang nag iingay.
"Eliza?" tanong ko sakanya
Napg isip isip ko... na ang lamang ko sakanya ay,
Buhay ako at siya,
Nasa harapan ko na konting Pindot at galaw ko lamang maari na siyang mamatay.
paano kung?
=======================================================================
Inchan's POV
Nasa Doctors Office na kami ngayon..
at kakausapin daw ako ng Doctor tungkol kung saan.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,
Kung matutuwa ba ako o Malulungkot.
"Mr. Benitez si Ms. Eliza ay mga machine na lamang ang bumubuhay"
"w-wala na po bang p-paraan?"
"Mr. Benitez, matindi po ang pagkaka sagasa sakanya ng Truck.. i mean yung ibang internal organs niya ay nadurog..matatagalan kami para marevive yun."
"But d-doc.."
"Mr.benitez kung ano man po ang mangyari...dapat handa na po kayo..at tanggapin niyo"
"p-pero..d-doc" doon ako napayuko at umiyak.
para bang sinusubukan kong sindihan ang Kandila sa gitna ng ulan,
naiiyak na lang ako.
"sorry po mr.benitez"
yung mga salitang yun...
umalis na ko sa office niya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta...
Clarice POV
Gagawin ko ba?
para sa taong sigurado akong hindi ako kayang mahalin kapag nagawa ko ito?.
Huhugutin ko na ang Plug..
p-pero
may humawak sa kamay ko.
Lumingon ako...
y-y-ung bride na duguan.
tumignin ako sa kanya..
wala siyang muka,
duguan ang katawan at suot pa rin ang belo niya.
Hindi ako makagalaw..
kinakabahan ako sa gagawin niya.
Nabitawan niya rin ako,
pero sa sandaling yun nakatayo siya.
"Maghintay ka..papatayin kita"
walang lumalabas na mga salita sa aking bibig.
"maghintay ka...papatayin kita"
Lumingon ako sa kama ni Eliza pero wala ang katawan niya dun.
Natumba ako sa sahig..
dahil papalapit na siya sakin.
At nakita ko si Eliza nasa ilalim ng kama...
naka titig sakin at Lumilisik ang mata.
"TAMA NA!!!"
sigaw ko at tinakpan ko ang mga mata ko.
Ilang saglit lang,
nawala rin ang bride na duguan at nasa higaan si eliza na para bang walang nangyari.
Inchans POV
Sumakay ako ng Elevator para umakyat na sa kwarto ni Eliza,
buo ang tiwala ko para mabuhay siyang ulit.
Wala akong kasabay tahimik ang lahat,
Pero pagbukas ng elevator ulit sa isang Floor.
Pumasok si Clarice,
umiiyak at mugto ang mata..
"A-anong nangyari?"
Yumakap siya saakin kaagad...
"b-bakit?"
Pagkasarado ng Elevator...
biglang,
Nag black out..
Nawalan ng ilaw,
at sa hindi ko alam ang dahilan....
Lumuha ako.
====================================================
itsmeKJ