Kabanata XIII.
Clarice POV
kasama ko ngayon si Inchan sa Morgue...
Umiiyak siya sa tapat ng kumot na katawan ni Eliza,
"E-eliza?"
Humahagulgol siya sa harap ni Eliza,
Naawa ako sakanya
para bang... ayokong makakita ng ganitong eksena.
Umatras ako at aalis na ng Morgue,
Gusto kong iwan muna si Inchan mag-isa.
Luamakad na ako palayo muna,
umakyat ako sa rooftop ng ospital para makapag pahangin,
Tahimik at tanging sariwang hangin ang nalalanghap ko.
Nilamig ako kaya naman Niyakap ko ang sarili ko,
"Clarice?"
Pamilyar na boses ang narinig ko.
"Joshua?" lumingon ako sa likod pero walang tao...
nakita kong nag sara ang pinto ng rooftop,
"Joshua?" sumunod ako sa pagkaka sara ng pinto.
Binuksan ko pero walang tao
"Clarice?"
"Joshua?!" Nag aalalang tanong ko
pero walang tao...
bumaba ako ng hagdan,
"Maghintay ka...papatayin kita"
"J-joshua?" si Joshua nakatalikod sa'kin
"Ano bang sinasabi mo?" sabi ko sakanya,
"Maghintay ka..papatayin kita"
bigla na lamang natumba si Joshua sa sahig at walang mga mata
duguan ito sa harapan,
"J-joshua?!!!" sigaw ko
Nakita kong hinawakan siya ng Bride na duguan sa leeg,
"E-eliza!!.."
"..parang awa mo na... tama na" maiyak iyak kong pag mamaka awa ko sa'kanya
"Maghintay ka...Papatayin kita"
Halos takpan ko na ang aking mga tenga,
pero sa isip ko diretso ang mga sinasabi niya.
Nakita kong papalapit siya sakin,
habang hatak-hatak ang walang buhay na katawan ni Joshua.
"TAMA NA!"
yumuko ako,
at iniyak ko...
"t-tama na.."
pag angat ng ulo...
akala ko wala na
pero mas malapit ang muka ng bride sa muka ko..
"AAAAAHHHH!!"
Halos ikamatay ko ang pag sigaw ko...
Pamilyar ang muka ng bride,
"Clarice?"
Namulat ako sa pagiiyak ko sa hagdan ng makita ko si Inchan.
Lumapit siya sakin at niyakap ako
"pagkalibing kay eliza...pupunta tayo sa batangas"
"para ba sa katahimikan ni eliza?"
"Oo...at para maka usap ko rin siya"
===============================================
itsmeKJ
sorry po sa short updates na qwety phone po kasi