Alas diyes na ng gabi pero hanggang ngayun ay gising na gising parin si Wendy.. Sa tuwing pipikit kasi siya ay laging mukha na lang ni Jiroh ang kaniyang nakikita" Anak ng teteng.. Umalis kana sa isipan ko oh! Alam ko namang pogi ka eh..pero hindi naman pwedeng hindi mo ako patulugin dahil lang sa pag mumukha mo! Maaga pa ako bukas bawal ako malate.. Ba naman yan " pag mamakaawang pangungusap ni Wendy sa iniimaheng muka ni Jiroh sa kisame ng kaniyang kwarto , may pasok pa kasi siya sa pinapasukang Coffee Shop bukas na pag mamay ari ng tito ng BESTFRIEND niyang si Yoona
Mula sa pag kaka higa ay padabog na Umupo si Wendy sakaniyang maliit na kama, ginulo gulo niya ang kaniyang buhok dahil sa inis " Naman oh! Kailangan ko ng matulog.. Hayst.. JIROH! JIROH! JIROH! Nakaka sira ng ulo yang kagwapohan mo at yung pagiging bipolar mo " napa ngiti si Wendy, saka muling binagsak ang kaniyang katawan sa kamang hinihigaan sabay dampot sa unan na nasa kaniyang gulid at saka tinaklob sakaniyang mukha..
Good Night Jiroh..
Naalimpungatan si Wendy dahil sa tunog ng kaniyang Cellphone na nailagay niya sa ilalim ng kaniyang unan kung kayat mabilis siyang nagising dahil sa ingay nito, inis niyang dinampot ang Cellphone sa ilalim ng unan hindi paman nakikita kong sinu ang tumatawag sakaniya ay agad niya narin itong sinagot
Tinagilid niya ang kaniyang katawan at saka pinatong ang Cellphone sakaniyang tenga " Hello sino to? " walang ganang tanong ni Wendy dahil sa antok pa nakaniyang nadarama
" PARDSSSSSSS! KANINA PA KITA TINATAWAGAN AH??? ANONG ORAS NA!!!!??? " Sigaw ng kaibigan niyang si Yoona sa kabilang linya,
Naging dahilan naman ito ng kaniyang pag kagulat kong kayat napa balikwas siya sakaniyang pag kakahiga at nalaglag sa maliit niyang kama " Aray ko po! Ang katawan ko " naka ngiwing sambit ni Wendy habang dahan - dahang iniuupo ang kaniyang pwet sa sahig ng tuluyan ng naka upo ay padabog niyang inabot ang kaniyang Cellphone sa sahig atsaka sininghalan ang kaibigang si Yoona " Bwesit ka!! Ang sakit mo nanga sa tenga ang sakit mo pa sa pwet!! Humanda ka saakin pag nag kita tayo puputulan kita ng dila!! "
Napa lunok si Yoona dahil sa sinabi ni Wendy " S-sorry pards.. I-ikaw naman kasi eh kanina pa-" hindi na naituloy pa ni Yoona ang sasabihin ng agad naman sumabat si Wendy
" Sorry??! Sorry talaga??!! Kita mo namang kakagising ko lang tapos sisigawan mo agad ako! Pag katapos sasabihin mo hindi mo sinasadya eh kita mo naman atang sa Cellphone tayo nag uusap edi naka tapat sa tenga ko diba?? " Sunod - sunod na bulyaw ni Wendy sa kaibigang si Yoona dahil sa inis nito sakaniyang pag Sigaw
![](https://img.wattpad.com/cover/99802746-288-k660959.jpg)
BINABASA MO ANG
" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)
Teen Fiction- BTS FANFICTION! Wendy Rain Marqueza .. Ang babaeng walang ibang alam kundi ang mag trabaho at mag aral.. Ang babaeng may kakaibang lakas na hindi mo paniniwalaan.. At dahil rin sa angkin niyang talino ay mapapasok niya ang isang SIKAT na Skwela...