10.VIDEO

58 2 0
                                    


" Ate sigurado ka ok ka lang ? " pag aalalang tanong ni Weyn sa ate'ng si Wendy habang sumusunod ito sa pag baba ng kanilang hagdan

" Hayst .. Oo nga weyn , paulit - ulit ka naman eh " walang ganang tugon naman ni Wendy ng hindi ito lumilingon sa kapatid

Ng mismong makababa na sila ng hagdan ay pumunta sa harapan niya ang bunsong kapatid tsaka hinarangan ang kaniyang daraanan

Napa taas ang isang kilay ni Wendy ng pumamewang pa ito sakaniyang harapan " Anong gimik nanaman yan weyn? Tumabi kana diyan malelate ako " akmang ihahakbang na sana niya ang isang paa upang simulan ng mag lakad ng iharang ng kaniyang kapatid ang mag kabilang kamay nito

" Hep hep hep .. Hindi kita papaalisin ate hanggat di mo sinasabi sakin kong san mo nakuha yang mga sugat mo , lalo na yang sa mukha mo " sabay turo niya sa sugat sa gilid ng labi ni Wendy

Hayst .. Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin sa babaeng to na ' binubully lang naman ako kaya ako sugatan!
Inis niyang saad sakaniyang isipan tsaka humalukipkip

" Nakipag away ako , tapos !" pag sisinungaling niya

Tss .. Sinungaling!
Sambit ni Weyn sakaniyang isipan habang pinaniningkitan ng mata ang nasa harap niyang si Wendy

" Bakit ka nakipag- " natigil siya sa pag sasalita ng mapansin niyang naka lagpas na pala sakaniya ang kaniyang ate'ng si Wendy " Ugh .. Ate naman eh !" pag mamaktol niya ng pag harap niya sa pinto ay naka labas na pala ito












Habang nag lalakad si Wendy papasok ng gate ng Harbor University ng bigla na lamang may humila sakaniyang kamay at kinaladkad siya patungo sa gilid ng skwelahan kong saan walang taong pumupunta ni Kahit isa

" T-teka , Zandro ? " gulat na saad niya ng humarap sakaniya ang lalaking kumaladkad sakaniya

Kunot noong pinag masdan ni Zandro ang mukha ng dalaga " Bakit pumasok kapa ?! " inis niyang tanong rito

" Ha ? Bakit bawal bang pumasok ? " tila hindi maka paniwalang tugon naman niya

" Damn it Wendy ! " napasabunot siya sakaniyang buhok " Are you stupid ?!! " Singhal niya na ikinagulat naman ng dalaga

" T-teka zandro , hindi talaga kita maintindihan eh .. Ano bang pinag sasabi mo ? " lubos sakaniyang mukha ang pag tataka dahil sa kakaibang kinikilos ng kaibigan, pero this time ay may kaba na siyang nararamdaman sa dibdib

Hindi naman sinagot ng binata ang tanong ni Wendy bagkus ay may dinukot ito sakaniyang pamulsahan , tsaka inilabas ang isang cellphone pag tapos ay sanding may tinype ito sakaniyang cellphone tsaka inabot kay wendy

" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon