" Ugh, mas maganda talaga siya sa malapitan " sambit ni Lee habang naka pangalumbaba sa kamang hinihigaan ni Wendy at pinag mamasdan ang mukha nito" Aish .. Pati ba naman ang walang malay LEE ? pinag nanasaan mo pa ? " pang aasar ni Dex sa kaibigan sabay bato niya ng throw pillow sa likuran nito
Pero imbes na mainis ay napa ngiti pa si Lee " Sus, inggit ka lang haha " pang aasar rin niya ng hindi nililingon ang kaibigan
" Lol! Hanggang pantasya ka lang naman diyan " natatawang turan ni Dex tsaka muling binato ng throw pillow ang kaibigan
Inis na dinampot ni Lee ang dalawang throw pillow sa sahig pag katapos ay marahang humarap sa kaibigan
Napa taas ang isang kilay ni Dex ng ngumisi si Lee " Anong nginingisi - ngi -" hindi niya na natapos pa ang sasabihin ng bigla na lamang may tumamang dalawang unan sakaniyang mukha
" Wahaha .. Double kill !" pang aasar ni Lee habang walang humpay sa kakatawa
Tila nag apoy sa galit ang mukha ni Dex habang nanlilisik ang mga matang naka tingin kay Lee na wala paring humpay sa kakatawa " Tangena ! Humanda ka sa aking bwesit ka !! " Akmang tatayo na sana siya upang sugudin si Lee ng bigla na lamang may humila sa laylayan ng kaniyang damit at hinila siya pabalik sakaniyang kinauupuan
" You both too noisy ! Baka nakaka limutan niyo hindi lang kayo ang tao rito " inis na saad ni Bry sa dalawa tsaka binitawan ang laylayan ng damit ni Dex
Napa ismid na lamang si Dex dahil sa sobrang inis at kibit balikat namang humarap muling si Lee sa walang malay paring si Wendy
Matapos kasi ang insidente kanina at nawalan ng malay si Wendy ay mas minabuti na lamang ni Jiroh na dalhin ang dalaga sa hide out ng mga knights at dito gamutin dahil may private doctor naman sila , isa pa ay hindi rin niya alam kong saan ang tirahan nito
" Hey jiroh " marahang iminulat ni Jiroh ang kaniyang mga mata ng marinig ang pag tawag sakaniya ni Rhed , nag tataka niya itong binalingan ng tingin " Bakit ? " aniya ng mapansing hindi ito naka tingin sakaniya kundi kay Wendy
" Bakit sa dinami - rami ng lugar dito mo pa siya dinala ? " kunot noong tanong ni Rhed ng hindi nililingon ang katabing si Jiroh
Ibinaling ni jiroh ang kaniyang tingin kay Wendy " because , i think she's our responsibility "
Sabay - sabay naman silang napa tingin sa hindi maka paniwalang si Bry " Seriously ? Our responsibility ?! "
Tumango si Jiroh " Ang alam ko kasi , tayo ang dahilan kong bakit siya ganyan ngayon "
Napa buga ng hangin si Dex " Anong tayo ??? Si saint lang ano ! " inis niyang saad tsaka humalukipkip
BINABASA MO ANG
" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)
Novela Juvenil- BTS FANFICTION! Wendy Rain Marqueza .. Ang babaeng walang ibang alam kundi ang mag trabaho at mag aral.. Ang babaeng may kakaibang lakas na hindi mo paniniwalaan.. At dahil rin sa angkin niyang talino ay mapapasok niya ang isang SIKAT na Skwela...