" Hoy! Ano ba ? Bitawan mo nga ako !! "
" San mo ba kasi ako dadalhin?! "
" Ano ba nasasaktan nako! "
" Humanda ka sakin makawala lang ako sayo! "
Sunod - sunod na pag hihimutok ni wendy habang hila hila sya ni saint palayo sa soccer field pero hindi naman siya pinapansin nito bagkus ay tuloy tuloy lamang ito sa pag hila sakaniya , sinubukan niya ring huminto sa pag lalakad nag babakasakaling maging dahilan ito ng pag hinto ni saint, pero sa tuwing gagawin niya ito ay mas lalo lamang syang nasasaktan dahil sa tuloy tuloy parin ang pag lalakad nito kaya naman ay hinayaan na lamang niya itopl na tangayin siya kong saan man.
Kunot noong pinalibutan ng tingin ni wendy ang loob ng knights hide out matapos syang dalhin dito ng binata, halos maningkit ang kaniyang mata ng mapansin niyang prenti lamang itong naka upo sa sofa nakasandal ang likuran at pikit ang mata.
Padabog na lumapit si wendy sa harap ni saint at inis na humalukipkip " Ano ba? Dadalhin moko dito tapos tutulogan mo lang pala ako! Ang lakas rin talaga ng tama mo eh noh? "
" Kuhanan mo nga ako ng tubig "
Tila napa nganga naman si wendy sa naging sagot ni saint " Aba't! Ang kapal rin ng mukha mo eh noh?! Hoy saint harbor hindi mo ako utusan nuh! "
" Noon yon "
" A-anong noon yon? "
Dahan dahang dinilat ni saint ang kaniyang mga mata at seryosong tinitigan si wendy na nasa kaniyang harapan " From now on , you are my slave ... Pero kong ayaw mo pwede kanang umalis sa skwelahan ko "
" Ano to parang do or die ganun ? Kapag do mananatili ako sa school mo pero katulong naman ng demonyo tapos kapag die malaya nga ako pero ligwak naman sa school na pinag hirapan kong pasukin ! "
" Exactly! " Tipid na tugon naman ni saint habang itinatayo ang sarili sa kaniyang kinauupuan upang harapin ang nasa tapat niyang si wendy na ngayoy kitang kita sa mukha kong gaano ito inis na inis , dahil sa napansin ng binata ay binigyan niya pa ang dalaga ng mapang asar na ngiti saka humalukipkip " What now little idiot ? Is it do or die ? "
" Ayoko! " Pag mamatigas na tugon ni wendy sa binata habang tinatapunan ito ng mga matatalim na tingin " Kahit ilang beses mo pa ako takutin hinding - hindi ako matatakot sayo at kahit ilang beses mo pa akong saktan hindi ako aalis sa skwelahang ito! " Dagdag pa niya saka padabog na tinalikuran ang binata
Tila nag pintig naman ang dalawang tenga ni saint " Are you sure ms.marqueza? Eh kong sunugin ko tong scholarship mo ha?! " saka nag labas ito ng isang lighter at tilay umaakto na sisindihan ang hawak na papel
Mabilis naman na humarap muli si wendy kay saint , halos lumuwa ang kaniyang mata ng makitang patay sindi ang hawak na lighter ni saint habang unti - unti itong nilalapit sa kaniyang scholarship , halos hindi na alam ni wendy ang kaniyang gagawin kaya naman ay wala na syang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang hamon sakaniya ni saint " OO NA !! OO NA !! BITAWAN MO LANG YAN PLEASE...."
Sigaw ni wendy na nag pa ngiti naman sa binatilyo" Sure! So get me some water now , move faster my slave " naka ngising saad ni saint saka muling bumalik sakaniyang kinauupuan ng hindi inaalis ang tingin at mapang asar na ngiti sa dalaga.
BINABASA MO ANG
" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)
Teen Fiction- BTS FANFICTION! Wendy Rain Marqueza .. Ang babaeng walang ibang alam kundi ang mag trabaho at mag aral.. Ang babaeng may kakaibang lakas na hindi mo paniniwalaan.. At dahil rin sa angkin niyang talino ay mapapasok niya ang isang SIKAT na Skwela...