" Hayyyyy.. Ano ba naman tong uniporme nila balot na balot nga ang taas pag dating naman sa baba napaka iksi tsk.. Tsk.. " Pag mamaktol ni Wendy sakaniyang sarili habang kunot noong naka titig sa suot niyang uniporme ng Harbor University ..Pabagsak na iniupo ni Wendy ang kaniyang pwet sakaniyang higaan, Napa singhap siya ng mapansin niyang kitang kita pala ang mapuputi niyang bente kapag umupo ka " Naman oh! Nakaka ilang.. Pano pa nakaka upo at nakakapag aral ng maayos ang mga studyanteng babae dun kung kita na ang kanilang mga binti?? " ipinatong niya ang dalawang kamay sa labas niyang binti " Sanay naman akong mag short ng maiksi eh.. Ang kaso dito lang sa bahay! Parang hindi ko kayang lumabas ng bahay kung ganito kaiksi ang suot ko hayst! " Naigilid ni Wendy ang kaniyang mga mata " Pero.. Kailangan kong pumasok?? Tsk.. Bahala nanga! Kaya ko to! " Ng matapos ang pag hihimutok ni Wendy ay napag desisyonan niya na ring tumayo at kunin ang kaniyang Kikay na bag pack na nag mula pa sakaniyang kaibigang si Yoona.
Pag baba ng hagdan ni Wendy ay muli siyang huminto upang tignan kung ayos na ba ang lahat sakanilang bahay ng masigurado niya ng ayos na ang lahat ay dire diretso na siyang nag lakad palabas ng kanilang bahay.. Huminto muna siya saglit upang ilock ang pinto nito ng matapos ay iniharap na niya ang katawan paharap sa labas
Kinapit ni Wendy ang kaniyang mga kamay sa mag kabilang sling ng bag
Hintayin mo ako Harbor University.. Paparating na ako !Isinalpak ni Wendy ang dalang earphone sakaniyang tenga ng maka upo sa siya sa loob ng bus at saka ibinaling ang tingin sa bintana ng bus at dahil transparent ito ay kitang kita mo ang labas nito .. Ng mapansin na ni Wendy na malapit na siya sa Harbor University ay tila nakaramdam siya ng kaba dahil sa pag bilis ng tibok ng puso niya
Naitikom ni Wendy ng kaniyang mag kabilang kamay " My god! Bakit ba ako kinakabahan?? " ipinikit ni Wendy ang kaniyang mga mata upang alisin ang kabang nararamdaman pero napa dilat siya bigla ng huminto ang bus mabilis niyang naibaling ang tingin sa labas ng bintana atsaka niya lang napag tanto na nasa harbor University na pala sila.. Ilang beses munang nag buga ng hangin si Wendy bago bumaba ng bus
Ng maka baba na ng bus ay sandali munang huminto si Wendy sa tapat ng gate ng Harbor University, tumingin siya sa suot niyang palda at saka hinila hila ito pababa " Hayst.. Wala pa bang mas maiksi pa dito?? " napa buntong hininga na lang si Wendy ng matapos ay sinimulan ng pasukin ang loob ng skwelahan
Ng maka pasok sa loob ng skwelahan ay palinga linga ang kaniyang ulo habang nag lalakad, manghang mangha siya sa bawat nakikita sa loob ng skwelahan " Napaka laki naman talaga nito doble ang laki nito sa dating pina pasukan ko.. Tsk hindi kaya maligaw ako nito? " napa nguso si Wendy " Asan naba kasi ang bulletinboard na yun " binilisan ni Wendy ang pag lakad para hanapin ang bulletinboard upang makita niya ang kaniyang room number, nahihiya naman kasi siyang mag tanong dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya papansinin ng mga estudyanteng pakalat kalat ngayun sa campus ng skwelahan dahil narin sa mga itsura ng mga ito na mukang matatapobre at maarte
BINABASA MO ANG
" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)
Teen Fiction- BTS FANFICTION! Wendy Rain Marqueza .. Ang babaeng walang ibang alam kundi ang mag trabaho at mag aral.. Ang babaeng may kakaibang lakas na hindi mo paniniwalaan.. At dahil rin sa angkin niyang talino ay mapapasok niya ang isang SIKAT na Skwela...