" Ate lalayas ka ba?? "" Ay, anak ka ng tupa! Aray ko po! " naka ngiwing sambit ni Wendy matapos siyang malaglag sa kamang inuupuan ng magulat siya sa pag sulpot ng kaniyang kapatid na si Weyn
Pero hindi ito pinansin ni Weyn bagkus ay nagawa pa nitong umupo sakaniyang kama at maiging tinititigan ang kaniyang bag " Ate lalayas ka?? Pero bakit?? Iiwan mo ko?? Ate- aray! " hindi niya na naituloy pa ang sasabihin ng bigla na lamang siyang batukan ng kaniyang ate'ng si Wendy
" Ano bang pinag sasabi mo diyang bata ka ha?! Ni hindi mo nga ako nagawang tulungan tumayo tapos takot kang iwan kita! " singhal niya sa kapatid ng maka tayo siya galing sa pag kaka lag'lag
Napa nguso si Weyn saka tumingin sa nasa harapan niyang si Wendy " Hmm.. Sorry naman! Pero ate kasi yong totoo lalayas ka?? "
Pumamewang si Wendy " HINDI! " sigaw niya
Napa takip si Weyn sa kaniyang tenga " Ba naman yan.. Wag kangang sumigaw ate! Eh bakit ba kasi ang dami mong dala?? " pag tataka niya
Dahan - dahang umupo si Wendy sa tabi ng kapatid saka muling inayos ang mga gamit na dadalhin sa skwelahan " A-ano kasi.. Project namin to " pag sisinungaling niya
Humalukipkip na humarap si Weyn sa nasa gilid niyang si Wendy " Sinungaling!! Ey hindi kanga naka uniporme eh "
Inihinto ni Wendy ang ginagawa saka inis na binalingan ng tingin ang kapatid " Pwede ba wag kangang maraming tanong!" saka muling binalik ang tingin sa dadalhin niyang bag " Huwebes ngayon kaya hindi kami naka uniporme " mahinahon niyang sagot
Naigilid ni Weyn ang kaniyang mata na tila ba'y pinag iisipan pa kung paniniwalaan ang sinabi ng kaniyang ate " Ganun ba yun ? Sabagay college kana nga pala " tumingin siyang muli sa kaniyang ate na ngayun ay bising bisi lang sa pag aayos ng gamit " Pero bakit kasi kailangan may baong damit ? Tapos may baon ka pang pag kain ? Wala bang Canteen sa inyo ? " tuloy - tuloy na tanong niya habang pinag mamasdan ang mga ipinapasok na gamit ni Wendy sa bag nito
Bumuntong hininga si Wendy " Pwede ba weyn ? Tantanan mo muna ako ? " marahan niya itong tinignan " Hindi ako lalayas , papasok ako ok ? Marami lang activity sa school kaya kailangan ko itong mga ito " saka tinuro ang kaniyang bag na puno ng kaniyang mga gamit
![](https://img.wattpad.com/cover/99802746-288-k660959.jpg)
BINABASA MO ANG
" THE KNIGHT'S PRINCESS " (SLOW UPDATE)
Teen Fiction- BTS FANFICTION! Wendy Rain Marqueza .. Ang babaeng walang ibang alam kundi ang mag trabaho at mag aral.. Ang babaeng may kakaibang lakas na hindi mo paniniwalaan.. At dahil rin sa angkin niyang talino ay mapapasok niya ang isang SIKAT na Skwela...