KAPITULO APAT : SI SANDRO

6 2 0
                                    

HINDI ko alam kung alin ang una kong titingnan, kung ang cellphone ko ba kung saan naroroon ang texts at missed calls niya o si Mr. Lagmadeo ba mismo na kung nakamamatay lamang ang pagtingin ay kanina pa akong duguan at walang buhay.

Sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko ang mga mata niyang waring kakainin na ako ng buong-buo. Hindi ko alam sa aking sarili kung alin ang aking unang ihahakbang, kung ang kaliwa ba o ang kanan kong paa. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at tila may magnet ang sahig na aking tinatapakan dahil hindi ako makaalis. Yumayakap ang lamig sa buong katawan ko, nagsimula sa paa paakyat sa itaas na bahagi ng aking katawan. Si Rhian naman ay alam kong pinagmamasdan ang aking pagkataranta at napapaumis.

"Paano ba yan, hinahanap ka na ng mapagmahal mong boss, mamaya na lamang natin ituloy ang ating drama, hindi na rin pala ako magpapatulong sa'yo. Mukhang ikaw ang mas may kailangan ngayon niyon, eh," ang pang-iinsulto niya sa akin kasabay ang pagtapik at pagtulak sa akin sa direksyon ng mga matang iyon.

"Hindi iyon drama, that's what we called reminiscing, sige Rhian, salamat sa 'suporta' ha!" ang aking ganti na may halong pagtawa at pagkasarkastiko.

Hindi ko mawari kung sa akin ba talaga o kay Rhian nakatuon ng tingin si Mr. Lagdameo. Habang naglalakad ay tiningnan ko ang aking kaibigan na agad namang itinaas ang kanang kamay tanda ng pamamaalam.

Ilang hakbang pa mula sa kanya ay narinig ko na ang kanyang malaking boses.

"Ms. Garcia, where have you been? Hindi ka ba marunong tumingin sa cellphone mo?" aniya na halata ang pagkairita.

Napatitig ako sa kanya at napagtanto kong napakagwapo talaga niya pero hindi ito ang isyu ngayon dahil tiyak na masasabon ako.

"Pa..pa..se.. 'ehem' Pasensya na po kayo Mr. Lagdameo, hindi na po mauulit," ang tanging lumabas sa aking bibig.

Hindi siya tumutugon at nakatingin lamang siya sa akin, hindi ko rin malaman ang mararamdaman ko! Matutuwa ba ako? Maiinis? Maiilang? Hindi ko alam!

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Ms. Garcia," ang nasabi niya na lamang nang marakaramdam siya na hindi na ako mapakali sa pagkatitig niya. Tila napipilitan pa sa pagtatanong.

"Diyan lamang po sa paligid-ligid Mr. Lagdameo" ang tugon ko sa mahinahong boses.

"Mas mahalaga pa ba iyon sa trabaho mo?" ang sinabi niyang nakapanlaki sa aking mga mata.

Napakaarogante talaga niya. Kasalanan ko ba na nalibang ako sa pagtingin-tingin sa paligid? Hindi ko naman alam na mabilis lang pala ang meeting niya kay Mrs. Gonzales, oh well, medyo kasalanan ko nga pero para icompare niya ito sa trabaho! Aba, 'di tama 'yun!

"Hindi po, pasensya na po kayo, hindi na po mauulit" ang kaagad kong nasabi sa kanya sabay iwas ng tingin.

Naiinis ako bigla, palibahasa mayaman, walang alam sa pag-appreciate ng bagay sa paligid at ang alam lang ay ang apat na sulok ng opisina at ang mataas na patong ng mga papel sa kanyang mesa.

"Anyway, I have an urgent meeting again at kailangan na nating bumalik agad doon," wika niya na waring iniba ang daloy ng usapan sabay talikod pabalik sa parking lot.

Hindi ako tumutugon sapagkat naalala ko ang nasabi sa akin ni Rhian na lubhang paghahanda at pagkasabik ng mga bata.

"Pero sir! Paano na po ang program? Uy, sir! Wait lang naman po!" dali-dali akong tumakbo para habulin siya dahil wala na naman siyang pakialam sa akin.

"Mr. Lagdameo, Sir, kahit po kaunting silip man lang sa program gawin natin," pangungulit ko sa kanya dahil gusto ko talagang mag-stay pa sa ampunan.

Sa Mga Kamay ng OrasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon