KAPITULO TATLO
MGA ALAALA NG KAHAPON
“ALTHEA Isabelle!” isang matinis na tinig ang gumambala sa aking pag-iisip. Ang ngiti ko kanina, para sa aking mga plano para kay Mr. Lagdameo, ay lalong lumawak nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Syempre pa, hindi ako maaaring magkamali, ang aking kaibigan na si Rhian.
“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba hindi ka pupunta? Sino ‘yang kasama mo? Paano na ang trabaho mo?” ang sunod-sunod niyang tanong sa akin nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ni Mr. Lagdameo na ngayon ay katabi ko na pala.
“Teka nga, teka nga lang Rhian! Relax ka lang dyan, mahina ang kalaban! Yung totoo alin sa mga tanong mo ang gusto mong unahin kong sagutin? Kung makareact ka naman dyan parang ‘di tayo nagkita kanina ah!” pabara kong sagot sa kanya.
Hindi naman siya nagpatinag at nagpatalo.
“Aba! Sinong ‘di magrereact ng ganito kung buong akala ko ay hindi ka makakarating kasi nga po first day mo sa trabaho! Tapos ngayon bigla ka na lang susulpot dito, ‘yung totoo tanggal ka na agad sa first day mo ano? Umamin kang bruha ka!” wika niya sa eksaheradong paraan sabay hampas sa aking balikat.
Minsan ganito talaga kami mag-usap ni Rhian, may pagkakataon na talagang nagmumukha kaming mga sira ulo.
“Ikaw talaga Rhian, ang lawak ng imagination mo kaya bagay na bagay ka talagang maging guro! Tanggal agad sa trabaho? Hindi ba pwedeng nagkataon lang din na ang boss ko ang speaker ngayon kaya nandito rin ako ngayon dahil required akong sumama,” sabi ko sa kanya na sinamahan ko na rin ng mahinang batok.
Nagpout naman siya bigla habang hinihimas ang batok nya. Ang cute nya talaga, para siyang bata na inagawan ng candy.
Isang tikhim ang nagpabaling sa amin ni Rhian sa likuran namin.
“Ahm, Ms. Garcia kung tapos na kayo ng, ahm, obviously ay kaibigan mo sa inyong issue. May I tell you that nakakaabala na kayo sa oras ng ibang tao specially my time.”
BINABASA MO ANG
Sa Mga Kamay ng Orasan
RomanceHindi maintindihan ni Isabelle kung bakit ang lahat ng may kaugnayan sa kanyang bagong amo na si Mr. Alezander Lagdameo ay pamilyar sa kanya. Sekretarya lamang siya nito at iyon ang unang beses na magkakilala sila ngunit hindi iyon ang ibinubulong n...