Natulala ako sa kagandahang bumungad sa akin. Oo nga't gusto ko talagang makita kung ano ba ang itsura ni Dianne ngunit ngayong nakita ko na siya ay parang nanlumo ako.
Napakaganda niya. Mestisa, mahaba ang itim na itim na buhok, malakas ang dating, mukang mahinhin, at higit sa lahat ay halatang galing siya sa isang mayamang pamilya kagaya nina Mr.Lagdameo. Mukhang mabait din naman siya dahil sa napakaamo niyang mukha at sa kanyang mapupungay na mga mata. Isa siyang halimbawa ng perpeksyon.
Habang tinititigan ko siya ay parang nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko maintindihan pero parang may kumurot sa dibdib ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang mabigat na ang loob ko sa kanya samantalang wala naman siyang ginagawang masama sa akin?
Habang abala ako sa pagmamasid sa kanya ay binati na siya ni Don Alejandro kasabay ng isang mainit na yakap. Halatang masayang-masaya ang Don sa pagdating ng kanyang bisita.
"Kung ganoon ay ikaw pala si Dianne, iha! Tama nga ang mga naririnig ko tungkol sa'yo, napakaganda mo ngang dalaga!" buong galak na bati ni Don Alejandro kay Dianne.
"Kamusta po kayo Don Alejandro? I'm so glad to finally see you po. Madalas po kayong maikwento sa akin ni lolo noong nabubuhay pa po siya," sagot naman ni Dianne pagkatapos tugunin ng isa ring mainit na yakap si Don Alejandro.
"Really , iha? Well, sana naman ay puro magagandang bagay ang ikinukwento niya sa'yo. Napakadaya kasi niyang lolo mo, inunahan pa akong magretire sa mundong ito!" bagama't nakangiti ay may lungkot na kaakibat ang tono na sabi ng Don.
"Well, you can bet to that Don Alejandro," may lungkot din sa mga matang sabi ni Dianne.
"Call me lolo na lang, iha. Hindi ka na rin naman iba sa amin." Bago makahulugang tumingin kay Mr. Lagdameo.
Napansin naman ito ni Dianne kaya't sumulyap muna sya kay Mr. Lagdameo na nasa tabi ng matandang Don bago sumagot.
"Sige po, lolo."
Pagkatapos niyon ay bumaling naman ito kay Mr. Lagdameo upang batiin. Ngunit ang kanyang pagbati ay ikanagulat ko pati na rin ng iba pang kasama naming sumalubong kay Dianne, hinalikan lang naman niya sa labi si Mr. Lagdameo!
Halata ang pagkailang sa mukha ni Mr. Lagdameo pagkatapos ng mainit na tagpong iyon habang si Dianne naman ay may maluwang na ngiti sa mga labi kaparehas na kaparehas ng ekspresyon ni Don Alejandro. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang malawak na sala ng mansyon at pawang mabibigat na hinga at singhap lamang namin ang tanging marririnig.
Ang malakas na tikhim ni manang Cecilia ang syang bumasag sa tila saglit na pagtigil ng oras ng mga sandaling iyon. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya habang isang ngit naman ang namumutawi sa kanyang mga labi. Para bang sanay na sanay na siyang mamagitan sa mga ganitong pagkakataon.
"Ano pa ba ang hinihintay ninyong lahat? Kanina pang handa ang tanghalian at magtatampo ako kapag hindi pa ka'yo sumama sa akin sa hapag kainan para kumain," may halong pagbibirong yakag niya sa amin.
SA HAPAG kainan ay bumungad sa amin ang napakaraming nakahandang pagkain. Iba't ibang klase ng pagkain na para bang may espesyal na okasyon na ipinagdiriwang nang araw na iyon samantalang tanghalian lamang naman ang mangyayari. Napag-isip-isip ko tuloy, ibang klase talaga ang mayayaman!
Dati kasi, noong nasa bahay ampunan pa kami, bihirang-bihira ang makatikim kami ng ganitong kasasarap na pagkain. Tuwing pasko lang yata o kaya naman kapag Fondation Day kung saan marami ang nagdodonate ng pagkain. Tandang-tanda ko pa kung gaano namimilog at nanlalaki ang aming mga mata habang hindi na akapaghintay na tikman ang mga pagkaing nakahanda sa mahahabang mesa sa lugar ng kainan sa ampunan. Maging ang mga volunteer na nag-aalaga sa amin ay masayang-masaya rin sa mga pagkakataong yaon.
BINABASA MO ANG
Sa Mga Kamay ng Orasan
RomansaHindi maintindihan ni Isabelle kung bakit ang lahat ng may kaugnayan sa kanyang bagong amo na si Mr. Alezander Lagdameo ay pamilyar sa kanya. Sekretarya lamang siya nito at iyon ang unang beses na magkakilala sila ngunit hindi iyon ang ibinubulong n...