KAPITULO 2
ANG PAGKIKITA
Huminga ako ng malalim nang kumatok na si Mrs. Panopio sa pinto ng office ni Mr. Lagdameo. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdam sa mga oras na ito, nanlalambot ang aking mga tuhod at para bang umiikot ang aking tiyan na wari bang masusuka ako na ewan. Lalo pang lumakas ang pintig ng aking puso ng mula sa intercom sa may tabi ng pinto ng opisina ay nagsalita na si Mr. Lagdameo na pumasok na kami.
Buong-buo at seryosong-seryoso ang boses niya kagaya ng natatandaan ko noong una ko siyang makita at marinig na mag-utos kay Mrs. Panopio noong araw na mag-apply ako sa kumpanyang ito…
KABADONG-kabado ako ngayon habang naghihintay na tawagin ang aking pangalan upang sumabak na sa final interview na siyang magiging basehan kung matatanggap ba akong sekretarya o hindi ng napakalaking kumpanya ng pagawaan ng gamot, ang A.T PHARMACEUTICALS CORPORATION, sa ilalim ng mismong may-ari at C.E.O nito na si Mr. Alezandro Lagdameo.
Hindi na ako mapakali at panay na ang dasal ko ng biglang sa pintuan kung saan naroon ang nag-iinterview ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na kunot na kunot ang noo habang nakasunod naman sa kanya ang isang matandang babae na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.
“Mrs. Panopio, hindi na ako kailangan pa sa interview na gagawin mo sa papalit sa’yo. Mas marami pa akong mas mahahalagang bagay na kailangan gawin. You know that I have four meetings prior to this and I know that you are very capable on doing the interview alone,” magkasalubong pa rin ang mga kilay ng lalaki habang sinasabi niya ang mga ito sa matandang babae na Mrs. Panopio pala ang pangalan.
“But Mr. Lagdameo, this is also an impor --” sasagot pa sana si Mrs. Panopio ngunit tuloy-tuloy nang umalis ang lalaki na nakilala kong si Mr. Lagdameo nga dahil nakita ko na rin naman ang larawan niya noong nagresearch ako tungkol sa kumpanyang aking nais pagtrabahuan.
Dumaan sa aking harap sa Mr. Lagdameo ngunit kahit isang sulyap man lang ay hindi niya iginawad sa akin. Diretso lang ang kanyang lakad na wari bang kanya ang daigdig at walang maaaring humarang sa kanya.
Sunod pa rin ang aking tingin sa kanyang matitipunong balikat hanggang makapasok na siya sa elevator. Naiwan akong nakatunganga habang inaamoy-amoy ang bangong naiwan niya sa hangin. Isang tikhim ang nagpabalik sa akin sa reyalidad, si Mrs. Panopio.
“And you are?” taas kilay na tanong sa akin ni Mrs. Panopio na ngayon ay bumalik na ang composure na nawala sa pakikipag-usap kay Mr. Lagdameo na para bang walang nangyari.
“Ms. Althea Isabelle Garcia po Ma’am! Narito po ako para sa aking final interview,” may pagkahyper na pagpapakilala ko sa kanya na nagpataas pang lalo sa kilay niya.
BINABASA MO ANG
Sa Mga Kamay ng Orasan
RomanceHindi maintindihan ni Isabelle kung bakit ang lahat ng may kaugnayan sa kanyang bagong amo na si Mr. Alezander Lagdameo ay pamilyar sa kanya. Sekretarya lamang siya nito at iyon ang unang beses na magkakilala sila ngunit hindi iyon ang ibinubulong n...