Case 1: Prostitution.

251 20 108
                                    

PART ONE.

"AYY TANG INA! Ang hayop armalitte talaga ang gamit! Anong laban ng kalibre ko! Tang ina talaga!" sunod-sunod na mura ni Livea. Di kami makalapit dahil na din sa sunod-sunod na pagbaril nito.

"Geez. Wala na akong naintindihan kundi mura lang ni Archer." sagot ni Jovel.

"Ready to snipe the target." biglang sabi ni M. Nasa isang tagong parte ito. Ito kasi ang sniper namin.

"Ready yourselves." sabi ni Berry sa mini mic namin. "Ready, Viper." Go signal ni Berry kay M. Isang saglit lang ay tumigil ang mga putok ng baril. Nang sumilip kami ay bulagta na sa sahig ang lalaking may armalitte kanina. Ang tama ng bala dito ay nasa gilid ng noo tagos sa kabila. Tumingin naman kami sa paligid. Ganun din ang lagay ng ilang kalalakihan na bumabaril sa amin kanina.

Nang masiguro na wala ng kalaban ay dumiretso kami bukod kina Lavi at Arjhane sa isang luma at abandonadong bodega. Agad na nagtago kami. Hinanda ang mga armas namin. Pumasok kami na tahimik. Maingat ang bawat kilos. Nakita namin sa itaas ang isang pinto. Dahan-dahan kaming umakyat at pagbukas namin ay tinutok namin ang armas namin. Pero agad din namin iyong binaba.

"Tagal niyo naman. Kanina pa ako naghihintay dito." inip na sabi ni Shara.

"Sorry, Sirens . Naharang kami ng isang lalaki na may armalitte." kakamot-kamot  sa ulo na sabi ni Jovel.

"Okay lang, Panther. Natapos ko na naman trabaho ko dito eh." sabi ni Shara at winawagayway ang hawak nitong petchay. Kita namin ang ilang lalaki na bumubula ang bibig.

"Clear na. Naisakay na sa truck yung mga na kidnapped na mga bata." biglang sabi ni Ar.

"Okay, Phoenix. Tara na. Inaantay na tayo ni Archer. Tawagan ko lang si Viper. Sabihin ko na nakuha na natin yung targets." sabi ni Berry at pinindot yung earpiece sa tenga nito.

"Viper."

"All cleared, Hunter. Narinig ko na. Mauuna na akong bumalik." sabi nito. Tumango lang si Berry.

"Let's go girls. Mission accomplished na."




PAGOD NA PAGOD ng makarating sa underground base sa Le Sorelle. Syempre sa ibang daanan na kami pumasok at baka mahuli kami agad. Nauna lang akong dumating at kumakain na. Nagmotor lang naman kasi ako kaya nauna na ako sa kanila.

"Gutom na ako." sabi ni Jovel at agad na nagbubukas ng mga cupboards sa kusina.

"Maliligo na ako. Hayop amoy usok na ako." reklamo ni Livea. Akmang papasok na ito sa kwarto nito sa loob ng base namin sa Le Sorelle ng biglang umilaw ang malaking screen. Lumabas dun ang isang lalaki.

Matangkad ito. Moreno ang balat at may pagkachinito. Nakadamit pambahay lang.

"Hello, Sorelle."

"Hi Scan." bati nina Berry, Ar at Jovel.

"Hello Ney." bati ni Shara.

"Hi Pusit!" sabay na bati namin ni Livea. Ngumuso naman si Scan.

"Call me Boss." sabi nito sa amin. Si Scanlator. Or gaya ng sabi niya. Boss daw. Well boss naman talaga namin siya. Hindi lang halata.

"Okay." kibit-balikat na sabi ni Livea at tumingin sa akin. "Hi Boss... Pusit." sabay namin sabi at bumalik ako sa pagkain at nagtanggal ng jacket si Livea. Naiiritang nagbuga ng hangin ito.

"I have a new mission for you." sabi nito at nagsitigilan kami sa mga ginagawa namin.

"Teng ene naman Pusit. Kakabalik lang namin." di makapaniwalang sabi ko dito. Sumang-ayon naman ang lahat.

"Uuwi pa ako. May duty ako." sabi ni Berry. Doctor sa isang pampublikong ospital.

"Ako din. May kaso pa ako na pag-aaralan." kunot noong sabi ni Livea. Isang abogado naman ito.

Pero di naman yun pinansin ni Scan. Hinarap nito sa amin ang screen ng monitor nito.

"Name: Sona. 15 years old. Next, Name: Gada. 17 years old. Name: Tanya. 14 years old." sabi nito habang isa-isang pinapakita ang mga larawan ng mga babae at ilan pang mga babae ang binanggit nito.

"Ohh anong meron, Scan?" tanong ni Ar. "Plano mo jowain? Mga menor pa yan!" nahihintakutan na dagdag nito. Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi ko.

"Juice colored, Pusit! Plano mo din ba silang gawing dried like you?" di makapaniwalang sabi ko.

"Patapusin niyo ako!"

"Sarreh na." labas sa ilong kong sabi. Nagpatuloy naman ito.

"Mga nawawala sila. Ilang buwan na." sabi nito. Sukat nun ay nagsiupuan na kami sa isang malaki at eleganteng U style na sofa.

"Continue." sabi ni Shara.

"As I said, nawawala sila. At base sa research namin, ang modus ang kinukuha daw na models. Tapos madedestino sa malayo. Tapos wala ng balita." paliwanag nito. Kinasa naman ni Livea ang Caliber 45 nito.

"Aba tara na! Pasabugin ang bungo niyan!" galit na sabi nito. Hinawakan naman ni Jovel sa balikat ito.

"Kalma. Kakasa ka dyan, wala naman sa harap natin yung kalaban."

"Oo nga. Okay sana kung kahit si Scan man lang, kaso screen eh." nanghihinayang na sabi ni Ar. Lahat naman kami ay napabuntong hininga. Napanguso naman si Scan.

"Grabe kayo ha."

"So anong plano?" tanong ko at ininom na ang sabaw sa cup noodles ko.

"Infiltrate them."

"In what way?" tanong ni Berry.

"Isa sa inyo ang magpapanggap na magtitinda ng gulay. At pag napansin kayo, gagawin kayong model." sabi nito. "Okay, sorelle. Kayo ng bahala. I'll send the full details later." sabi nito at nawala na.

"Okay. Ang tanong, sino?" sabi ni Livea. "Pass ako. Baby face man ako, hindi ako papasa dahil nasa akin na ang aura ng maturity."

"Big word. Maturity. Pero nakakasa agad ng baril di pa nga tapos magpaliwanag." pang-aasar ni Ar.

"Gusto mo ikaw samplelan ko, ha, Phoenix?" nakangising sabi ni Livea dito. Nagpeace sign lang ito.

"Tinatanong pa ba sino? Sino ba ang baby dito?" sabi ni Jovel at agad na nagsitinginan kay Shara. Napanguso naman ito.

"Baby man ako sa inyong paningin. Matured pa din akong maituturing." buong pagmamalaki na sabi nito. Nagkatinginan naman kami.

"Okay si Bebe Shara na. Baby na, matured pa." sabi ni Ar at nagsitanguan kami. Napanguso naman si Shara.

"Pero syempre, di dapat mag-isa siya. Dapat may kasama." sabi ni Jovel. Tumango naman kami.

"Oo nga dapat may kasama." sabi ko habang tinataktak ang pringles sa bibig ko.

"Kaya nga kasama ka." sabi ni Berry. Agad na napatingin ako dito.

"What the! Bakit ako? May report sa school pa ako na gagawin."

"Dahil student ka pa din like Shara. Kaya niyo yan." kibit balikat na sabi ni Berry at tumayo na. "Uuwi na ako. Makatulog kahit konti." sabi nito at kinuha na ang mga gamit at lumabas na. Sumunod naman ang iba pa. Naiwan naman kaming tatlo nina Jovel, Shara at ako.

Tumayo na si Jovel at pumunta na papasok sa kwarto. "Tulog na ako. May negosyo pa akong aasikasuhin mamaya." humihikab na sabi nito at pumasok na. Naramdaman ko naman ang pisil ni Shara sa balikat ko.

"Goodluck to us, Ate M." nakangising sabi nito. Pabagsak na hiniga ko ang katawan ko sa sofa.

============
-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon