Case 2.8: Pornography.

16 1 0
                                    

PART NINE.

"TINGIN mo ayos na Pan?" tanong ni Sirens sa akin. Nakatapat naman ang isang flashlight sa isang lalagyan na puro kable. Masusi ko naman na kinakabit ang ilang kable sa laptop na hawak ko. 

"Sandali na lang , Sirens." sabi ko. inabot ko ang isang wire. "Pakikabit naman ito. Salamat." sabi ko at tinuro ang isang monitor na nasa kanan ko. Agad naman nitong kinabit iyon at isang wire naman ang kinabit ko sa kaliwa ko. Konting tipa ang ginawa ko sa laptop ko at ng masiguro ko na ayos na ay tumango naman ako dito.

"Ayos na, Sirens. Ako nang bahala." sabi ko dito. Tumango naman ito at umalis na. Nagstretch naman ako saglit.

"It's payback time."



KONTI na lang at matatapos na ang bidding. Nakita na din namin ang ilan sa mga kababayan namin na dinala dito. 

"Now, we are at the last two candidates." sabi ng host. Isang lalaking nakasuit ang lumapit sa akin.

"Maam. Please follow me for your payment." sabi nito. Tumango naman ako. 

"I can bring my husband with me, right?" nakangiting sabi ko dito.

"Sorry, Maam. But we only allow one person to come." sagot nito. Kunwari naman ay nalungkot ako.

"Aww. Well I guess it can't be helped. I'll go with you." sabi ko. Humarap naman ako kay Vulture. "You can take care of things here, right, babe?" tanong ko, Ngumiti naman ito.

"Ohh sure. Leave it to me." sabi ni Vulture sa akin at humigop na sa wine glass na hawak nito. Sumama naman ako sa lalaki palabas sa event. Isang pinto ang nilabasan namin. Naglakad kami sa pasilyo at sa dulo ay may isang pinto na nandoon. Kumatok muna ang lalaking kasama ko. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Pumasok kami. Isang magarbong opisina ang nandoon. Nakaupo naman ang Boss ng sindikato na nakita namin nung huling beses na nag-espiya kami sa bar.

"Well hello to our highest bidder for the night." nakangiting sabi nito. "Can we check the money first for validation." sabi nito. Aba. Mautak ang hinayupak. Naniguro agad sa pera. Ngumiti ako dito. Dala ang isang box na naglalaman ng pera ay nilapag ko sa harap niya ito. Lahat nga pala ng nasa bidding ay may dalang ganitong case para papasukin sa event nila. Binilang ng isang tauhan nito sa likod ang pera. Nang makumpirma nito na tama ay tumango ito sa boss nito.

"Can I take a look at my pet now?" sabi ko at tinaasan pa ito ng kilay. Malapad na ngumiti ang lalaki.

"Of course!" sagot nito. Tumingin ito sa lalaki sa tabi. Tumango ito at lumabas. Pumasok na ang lalaking kasama ko kanina. "Accompany her." utos nito sa lalaki. Tumingin uli sa akin. "Till next bidding, Miss." sabi nito. Tumalikod na ako at sumunod sa lalaking naghatid sa akin dito kanina. Napangiti naman ako. 

Nagawa ko na ang part ko.



MABILIS na pinapatakbo ko ang motor na sakay ko kanina. Kailangan kong maghabol dahil na din na baka mahuli ako at makatakas ang target namin.

"Nasaan ka na, Sirens?" tanong ni Panther sa earphone sa kaliwang tenga ko.

"Papunta na, Pan." sagot ko.

"Good. Mukhang malapit na din naman matapos ang bidding."

"Oo nga." at pasimpleng tumingin sa relo ko. "Malapit na nga."

"Alam mo na naman ang gagawin mo, right, Sirens?" tanong nito. Tumango ako kahit di naman ako kita nito.

"Yup. Akong bahala."





"BRING these to the captives." sabi ng isang lalaki at tinuro sa amin ang isang cart na may mga tinapay. 

"Where?" tanong ni Arch.

"Someone will accompany you there." sagot lang nito at umalis na. Isang lalaki naman ang naghihintay sa amin sa labas. Tumingin lang kami dito at tumango.

Isang pasilyo ang dinaanan namin. Matapos nun ay isang elevator ang nasa dulo. Sumakay naman kami dito. Pa-underground ang tungo namin. Pagkabukas ng elevator ay tinulak na namin ang cart palabas. Agad na nakadama kami ng sakit para sa kanila. 

Nakakaawa na ang mga lagay nila. Halatang mga nanghihina na sa gutom, pagod at sakit base na din sa mga sugat, pasa at latay sa katawan.

Tumigil kami sa isang selda. Isang babae ang nasa edad bente anyos hanggang bente singko ito. Latang-lata man ay pagapang na pumunta ito sa amin. Nilabas mula sa rehas ang namamayat nitong kamay.

"P-please. S-s-save m-me." sabi nito sa nanghihinang boses. Narinig namin na iyon din ang sigaw ng mga bihag na nandoon. Hinawakan ko naman ang kamay nito. Napatingin naman ako kay Arch. Tumango ito sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa babae.

"We will. We will. Just wait okay?" nakangiting sabi ko dito. Tipid na ngumiti ito. Pero ilang saglit ay nakarinig kami ng pagsabog at konting pagyanig. Napakapit ng mahigpit ang babaeng kaharap ko.

"Nix." sabi ni Arch. 

"Mukhang start na." sabi ko. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ng babae. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang selda. Inalalayan ko agad ang babae. 

"Can you stand? Walk? We'll get you out of here." tanong ko. Dahan-dahan na tumango ito. Isa-isa na din binuksan ni Arch ang ibang selda at inalalayan na lumabas ang mga babaeng bihag. Biglang bumukas ang elevator. Dalawang lalaki ang nandoon.

"What the fuck are you doing!" sigaw ng isang lalaki na nasa loob. Bubunot sana ito ng baril ng mabilis na barilin ito ng lalaking kasama nito sa loob. Walang buhay na bumagsak ito sa elevator.

"That was close." sabi ng lalaki. Tumingin naman kami dito.

"Well I'll do it anyway if you were too slow." sabi ng kasama naming lalaki.

"As if!" at pinaikot pa ang mga mata. Nagkatinginan naman kami ni Arch at napangiti. Tumingin kami sa lalaking nasa elevator.

"Thanks, Dragon." pasasalamat namin. Tumingin din kami sa kasama namin kanina pa. "Thanks, Crow." sabi din namin dito.

"Save it for later after we're done here." sabi ni Dragon at nagkibit balikat lang.

"Any happenings upstairs?" tanong ni Crow.

"Well... they are starting up there." Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Nakaramdam na naman kami ng pagsabog. "Let's go. It's not safe here, anymore." sabi ni Dragon. "Follow me. The escape vehicle is waiting outside." Tinungo namin agad ang elevator at lumabas sa lugar na yun. Nang makarating kami sa isang van na naghihintay sa labas at isa-isa na namin na inalalayan na sumakay ang mga biktima.

"Hello there." nakangiting sabi ni Hunter sa loob. Ito ang magmamaneho.

"Hi Hunt." bati pabalik namin dito.

"Let's go. They can handle it now." sabi nito at agad na pinasibad na paalis ang sasakyan kasama ang mga nailigtas namin.

=====================

Unedited.

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon