Case 1.2: Prostitution.

143 15 70
                                    

PART TWO.

HAWAK-HAWAK ang mga bilao ko ng gulay ay matiyaga akong naghihintay sa isang sulok ng isang hotel. Nakamahaba palda ako at isang sando na puti. Nakasumbrero din ako. Tsinelas na luma naman ang sapin sa mga paa ko.

Kailangan ganito ang get-up ko. Para kapani-paniwala ang disguise ko.

"Okay. Let's start." sabi ni Scan na nasa screen. "This is Rodencio Magta. Siya ang pinakahead sa modus na 'to." turo nito sa isang lalaki sa monitor nito. "This is Lina Terio. Siya ang recruiter at si Gener Laksan, assistant niya at photographer." pakilala nito sa mga tao.

Matiim naman kaming nakikinig.

"Usually, mga edad thirteen hanggang eighteen ang binibiktima nila. Irerecruit nila na maging model. Isasama sa photoshoot. Tapos ipapakita sa magulang ang pictures. Matapos nun ay babayaran kuno nila. Pag nakita na kumikita, sasabihin na kailangan sa ibang lugar naman para maganda ang view at kailangan para sa shoot. Papipirmahin ng waivers. Pero pagkatapos nun, hindi pala sila dun dadalhin. Sa underground prostitution bar na pag-aari na ni Rodencio Magta." paliwanag ni Scan. Seryoso lang kaming nakikinig dito.

"Then?" -Arjhane.

"You already know what. Gagawing prostitutes, entertainers, etc."

"Kumusta na ang mga babae na nandoon?" -Jovel.

Napailing ito. "Surely, not good. I've heard na drug den din ang bar nito. So surely, lulong na sa droga ang iba."

"Ang plano?" tanong ni Livea habang nag-iigting ang panga nito.

"Gaya ng una. Magpapanggap si Shara na studyanteng nagtitindang gulay. Tapos irerecruit siya na sasali sa agency. Pero sasama si M bilang bestfriend niya dito. Pagkainfiltrate nila sa loob ng bar, saka niyo ililigtas ang mga biktima at papasabugin niyo ang bar."

"How about the targets?"

Nagkibit balikat ito. "Maganda sana kung buhay para mapakulong. Pero kung manlaban... na for sure nilang gagawin. Kayo na ang bahala." sabi nito.

"Kailan kami magstart, Pusit?" tanong ni M.

"Next week. Sabi ng intel ko, nasa may Batangas sila ngayon." tumango naman kami.

"Sirens, are you ready? Palabas na ang targets." sabi ni Panther. Nasa isang van sila di kalayuan sa amin.

"Yes, Panther." 

"Okay. Be careful, Sirens." sabi naman ni Berry. Tumango lang ako. Nang makalabas sila ay inayos ko ang sarili ko.

"Gulay! Bili po kayo ng gulay!" sigaw ko. Tapos inaalok ang mga dumadaan sa tabi ko. "Ate, Kuya, gulay po." alok ko pero umiiling na umaalis sila. Sumubok pa ako sa ilang dumadaan. "Ale! Please bili na po kayo. Sariwang-sariwa po mga 'to." at nilahad ang bilao pero umiling lang din. Bagsak ang mga balikat ko. Paalis na sana ako pero kita ko sa peripheral vision ko na lumalapit sa akin ang mga targets. Lihim akong napangiti.

"Miss." tawag sa akin ng babae. Tumingin ako dito.

"Bakit po, Ate?" malambing na sabi ko.

"Ayy pwede ko bang bilhin ang panindang gulay mo?" nakangiting sabi nito. Ngumiti naman ako ng ubod ng tamis.

"Talaga po?"

"Oo naman."

"Naku salamat po ate! Naku malaking tulong po ito para sa pampasok ko." masayang sabi ko at isa-isang nilagay ang mga gulay sa isang supot.

"Naku wala yun noh. Natutuwa ako at masipag ka." sabi nito. Inabot ko ang supot at binigay sa akin ang bayad. Akmang ibibigay ko ang sukli ng tumanggi ito. "Naku wag na Ine. Sa'yo na." sabi pa nito.

"Naku salamat salamat po talaga ate!" masayang sabi ko.

"Ine, maganda ka." panimula nito.

Here it is...

"Thank you po." nahihiyang sabi ko.

"Ilang taon ka na?"

"Sixteen po."

"Pwede kang magmodelo." sabi pa nito. Unti-unti akong napapangiti sa loob ko.

"Naku nakakahiya po Ate. Hindi naman po ako bagay sa mga ganun." at napayuko pa ako. Tinaas naman nito ang mukha ko. Tapos tinignan both sides.

"Sa ganda mong ito. Panigurado sisikat ka." dagdag pa nito.

"Talaga po?"

"Oo naman." nakangiting sabi nito. Nagpakilala ito. Isang card ang binigay nito. "Ito number ko. Kung desidido ka na, punta ka ulit dito sa hotel bukas. Naku panigurado sisikat ka!"

"Sige po Ate!"masayang sabi ko. Lumapit na ang kasama nitong lalaki. Matiim na nakatingin sa akin. Pinakilala nito ang lalaki sa akin.

"Olivia!" tawag sa akin.

"Ohh Ate Lore! Tapos ka na?" sabi ko at agad na lumapit kay Ate M. Pareho kaming nagbago ng pangalan at nakadisguised. Nakamaikling spaghetti sando naman ito.

"Oo eh. Tara na uwi na tayo. Inaantay na tayo nina Tiya." sabi nito sa akin. Tumango ako. Akmang aalis na kami ng hinarangan kami ng lalaki.

"Sino po sila?" tanong ni Ate M.

"Hi Miss. Ako nga pala si Gener. Kami yung bumili ng gulay dito kay Olivia." sabi nito. Tumango naman ako kay Ate M. "Magkaano-ano pala kayo?"

"Magpinsan po kami." sagot ni Ate M.

"Ayy kaya pala. Inalok namin si Olivia eh. Baka gusto mo din magmodel?" nakangiting sabi nito kay Ate M at dahil mas mataas ito sa amin, malisyosong bumaba ang tingin nito sa dibdib ni Ate M lalo na nakaspaghetti strap sando lang ito. 

Patay malisya naman si Ate M. "Talaga po? Sa itsura at negrita ko pong ito, pwede akong maging model?" di makapaniwalang sabi nito. Tumango naman ang lalaki.

"Oo naman. Saka, okay nga ang balat mo eh." at hinawakan pa nito ang balikat ni Ate M pababa sa may braso nito. Binasa nito ang labi nito habang nakatingin pa din sa katawan nito.

"Sige po. Papaalam po muna kami." sabi ni Ate M.

"Sige. Antayin namin kayo bukas, ha?" tumango naman kami at nagpaalam. Sumakay na sila sa sasakyan nila at umalis na sila. Nang makalayo sila at wala na sa paningin namin, nagsimula na kaming lumakad palayo.

Pasimple naman akong nagsalita. "We passed the first step, Phoenix." imporma ko agad.

"Copy. Balik na kayo sa kubo para mapag-usapan ang next step." sabi ni Phoenix. 

"Ate M." tawag ko dito. Nag-aalalang tingin ang binigay ko dito. Nakita ko ito na nakatingin lang ng tuwid sa daan. May ngiti sa labi.

"Hmm?"

"About sa lalaki kanina..."

Nagkibit balikat lang ito. "No worries. Parte ng trabaho ito." sabi nito. "Pero... I'll make sure he'll pay. No one disgraces me and gets away from it. I'll definately kill the guy with my own hands." nakangiting sabi nito pero ramdam ko ang kilabot dito. Nakangiting humarap na ito sa akin.

"Tara na. Gusto ko naìg magtanghalian." aya nito. Tumango lang ako at pumunta na kami kung nasaan pa ang iba.

===============

Unedited.

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon