Case 2.1: Pornography

92 5 20
                                    

PART TWO

TULAD NG dati, nakamasid sina Berry at Arjhane sa labas ng isang condo building sa Mandaluyong. Si Livea ay sa ibang building sa Makati at si Shara ay sa may Manila na. Ang sabi kasi sa report, kadalasan na mga biktima ay yung mag-isa lang sa bahay nila.

"Sigurado na nandyan yung target?" tanong ni Arjhane.

"Yes Nix. Nakita ko sa CCTV na pumasok ang target kanina pa at di pa naman lumalabas." sagot ni Jovel.

"Kanina pa din ako nagmamasid dito. Pero mukhang ayos pa naman." sabi ni Livea. Gamit nito ang motor ni Moana.

"Sa akin simula ng umuwi galing school, di pa din naman lumalabas." sabi ni Shara. "May update na ba sa ExVi?"

"None. Alam naman natin na Live siya. Kaya  automatic na kung sino ang matyempo."

"At sana hindi sa isa sa mga binabantayan natin." sabi ni Ariane.

"Wait. Nagtext sa akin yung friend ko. May live daw in five minutes." biglang sabi ni Berry. Naging alerto naman ang lahat. Mabilis na hinanda ang mga sarili.

"Sino daw ang biktima?" -Shara.

"Sabi ni friend... Taga Caloocan! Shit! Wala tayo dun!" -Berry.

"Wala tayong hawak sino ang taga Caloocan." -Livea.

"Maabutan pa ba natin?" -Arjhane.

"Wait may isa pa daw. Taga Tarlac." -Berry.

"Teka... Dalawa na?" litong tanong ni Livea.

"Le Sorelle. Back in the base. Now." biglang sabi ni Scan. Walang pagdadalawang isip na nagmaneho na kami pabalik sa base namin.


"PAANONG ibang level na? Akala ko ba ang live nila is ligo eklavoo lang?" tanong Livea. Nandito na ulit ang lahat sa base except Moana.

"Nasaan nga pala si Moana? Sino sumundo dun?" tanong ni Jovel.

"May ibang mission si Moana." sabi ni Scan.

"Okay. Pero tuloy mo paliwanag mo." -Arjhane.

"Before, ExVi ang naglilivestream ng pagligo ng isang babae without her consent."

"Oo nga. Gusto ko na ngang balian ng leeg eh. Aba invasion of privacy na 'to ha. Bubulukin ko talaga sa kulungan yan." gigil na sabi ni Livea.

"Ibang level na. Meaning, may live porn na ang ExVi." seryosong sabi ni Scan. Lahat ay napatingin dito.

"Live? As in yung chorva na?" di makapaniwalang sabi ni Shara. Tumango si Scan.

"Teka, sabi mo sa paliligo, walang consent. Meaning itong chorva nila..." -Arjhane.

"Yes. Sapilitan." -Scan.

"Paano nangyari?" -Berry.

"May isang lalaki ang nakamask na papasok sa bahay ng victim. May hawak na baril ito. Syempre di papalag ang biktima. Then you all know what happened next." kibit balikat na sabi ni Scan.

"Tang ina! Rape na yan ha." -Livea.

"Agree. Kaya nga dapat mahuli na yan." -Scan.

"Ang problema nga lang, nasaan yan?" -Jovel.

"Medyo nalocate namin saan ang last victim."

"Saan daw?" -Shara.

"Dun kayo pupunta ngayon. Pack your things. You'll leave tomorrow morning." -Scan.



MGA TAO na nagtatawiran. Madadaming mga sasakyan. Lahat ay halatang abala at walang pakialam sa paligid. Niyakap naman ni Shara ang sarili.

"Hindi talaga ako sanay sa lamig." nanginginig na sabi ni Shara.

"Ako din." segund ni Jovel.

"Tang ina naman kasi ni Scan eh. Malay ba natin sa pupuntahan. Akala ko saang probinsya lang. Nandito lang tayo ngayon sa New York. New York! Tang ina!" di makapaniwalang sabi ni Liv.

"Nandito na tayo. Tapusin na natin 'to." sabi ni Arjhane.

"Any news, Jovs?" -Berry..

"Wala pa---ohh wait. May message si Scan." biglang sabi ni Jovel. Nagkumpulan ang lahat dito.

At this address. Meet my assistant.

Sabi sa message. Nagtinginan ang lahat.

"Tara na. May school pa ako at lagot ako pag nagtagal tayo." sabi ni Shara. Tumawag na ng taxi at pumunta na sa destinasyon na sinabi sa message.


SA ISANG antique store huminto ang taxi na sinakyan namin.

"Sigurado ba kayo na dito?" takang tanong ni Berry.

"Yun ang sabi sa message." sabi ni Jovel.

"Tara na pasok na tayo. Nilalamig na ako." aya ni Shara. Pero dahil di kami pamilyar sa lugar, hinanda pa din namin ang mga sarili namin.

Nagtinginan at nagtanguan muna. Binuksan ni Liv ang pinto. Nagring ang bell na nasa taas. Dahan-dahan kaming pumasok. As expected, puro antique ang mga makikita mo. Napansin namin na walang tao sa loob ng shop.

"Nagtext si Scan." biglang sabi ni Jovel. "Sa may counter sa dulo, may vase. Sa loob ng drawer na pinagpapatungan nito, may button na pipindutin." sabi ni Jovel. Tumingin kami sa counter. Medyo dulo na din at tago. Isang Antique China Vase ang nandoon at isang maliit na drawer ito nakapatong. Lumapit kami dito. Binuksan ni Berry ang drawer at kinapa-kapa ito. Tumingin ito sa amin.

"May button nga." kumpirma nito.

"Teka tignan muna natin kung may tao." sabi ni Arjhane. Nagcheck muna ito sa paligo at bumalik din agad. "Safe."

"Click it, Berry." sabi ni Liv. Ginawa naman ni Berry ito. Pagkaclick nito ay nagulat kami na ang pader sa may counter ay nagslide bigla.

Isang passage pala ang nakatago. Nang masiguro ni Arjhane na wala ng tao, agad na tinungo namin ang maliit na pasilyo pababa. Nang makapasok na kaming lahat ay automatic na nagsara ang pinto. Nakaramdam naman kami ng panic pero bumukas ang dimlight. Bumaba kami at isang pinto ang nakita namin.

Walang doorknob o ano pa man ang pinto.

"Hala paano tayo papasok dyan?" tanong ni Shara.

"Ni doorknob wala. Paano kung susi pa, di ba?" sabi ni Berry. Kinapa-kapa naman ni Arjhane ang pinto. Tumigil ito sa isang sulok sa kanang parte ng pinto.

"Guys, parang may butas dito." sabi ni Arjhane. Agad na nilapitan ni Liv ang parteng iyon.

"Maliit na rectangle." sabi nito. Tinaas ni Jovel ang necklace niya. Tinapat sa butas na sinasabi nina Liv at Arjhane. At nagslide ang pinto.

Napanganga ang lahat sa nakita.

"Welcome, Le Sorelle."

======================

Happy happy birthday jasonhusto 🎉🎉🎉 super thankyou talaga sa support mo sa mga gawa ko 😊😊😊 sana nagustuhan mo 'to 😁😁😁 GodBless 😇😇😇

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon