PART EIGHT.
"WHHHAAATTT?" malakas na sigaw ni Archer. "So parang naging pain lang din kami sa pain namin?" di pa makapaniwalang dagdag nito.
Matapos kasing dumating sina Panther, sinabi lang sa amin na sumakay kami sa van na gamit nila. Kahit na medyo maliit yun para sa aming lahat ay nagsiksikan kami. Ang gamit na unang van nina Pan ay nakapark sa isang parte na di kita at pinasabog nila matapos na mabuko ang misyon. Magaling naman silang pumuslit para pumunta sa Ice cream van na get away vehicle nila.
"Yeah. That's right." simpleng sagot lang ni Phyton. Nasa isang monitor ito.
"Walanghiya naman. Muntik na kami madale dun tapos pain lang pala kami." di pa din makapaniwalang sabi ni Arch.
"I did that to locate him." sabi ni Phython. Napailing naman ako. Si Phython talaga. Basta may naisip na paraan, kahit risky masyado, kukunin niya agad yung pagkakataon.
"So nalocate naman siya?" tanong ni Hunter. Nakita namin na tumango si Phython.
"Ano na ang plano ngayon?" tanong ni Nix.
"That's why I gathered you all. To discuss the next plan."
Napasuntok naman si Panther sa kaliwang palad niya. "Yes! Babalikan talaga kitang hype ka! Di pa din ako matatahimik hanggang di ako nakakabawi sa'yo."
"Here's the plan." sabi ni Phython at nakinig na kami sa plano nito.
ISANG madilim na bulwagan kami ngayon. Isang underground base na maituturing. Masasabi na ang karamihan ay nasa matataas na pamilya base na din sa bihis at ayos ng lugar. Nandito kami kung saan iaauction ang mga babaeng nadukot ng mga sindikatong tulad nila. Tulad ng dati, mga waiter at waitress na naman kami. Pero sa pagkakataon naman na ito, nakasuot na kami ng masks. Nasa may kusina muna kami at naghihintay ng hudyat.
"Ewan ko ba dito kay Phython. Nabuko na nga tayo sa una, gagawin ulit natin sa pangalawa." naiiling na sabi ni Nix.
"Di hamak na mas maganda dito noh. At least maayos yung pananamit natin." sabi ko.
"Hanggang ngayon ba naman arch di ka pa din makamove on sa palda mong konting yuko ehh kita na ang wings ng napkin mo kahit wala ka naman napkin nung mga panahon na yun?" di makapaniwalang komento ni Nix at natatawa pa ito.
Pinandilatan ko ito ng tingin. "Oo! Sa pagkakataon na ito di na wings ang makikita nila kundi yung singit ko na!" mahinang sabi ko na bakas ang irritasyon sa boses ko. Napatakip naman sa bibig si Nix.
"Wag ka mag-alala. Yumuko ka man, di mo naman din sila makikilala saka di ka din nila makikilala kaya mababaon na sa kasingit-singitan ng alaala nila ang nakita nila." at napatawa ng mahina at humawak sa tiyan sa pagpipigil na tumawa ng malakas. Akmang hahampasin ko ito ng tray na hawak ko.
"Tutusukin ko pa din ang mga mata ng makakakita." sabi ko dito. May punto naman kasi ito. Kahit kasi ang mga bisita na nandito ay nakamasks din. Kaya mahirap nga naman tukuyin sino.
Isang amerikano ang pumasok sa kusina. Agad naman kaming nagseryoso ni Nix.
"We need more people there." sabi lang nito at lumabas na. Tumango naman kami.
"Alam mo na gagawin mo ha?" sabi ko dito. Nagthumbs up naman ito.
"Ako pa. Tara na. Kating-kati na ang singit---este ang palad ko na sumuntok." natatawang sabi nito. Binatukan ko naman ito at lumabas na ako.
MASUSI kong pinagmamasdan ang buong paligid. Inoobserbahan ko ang mga tao na nandito. Naramdaman ko naman na pumalibot ang kaliwang braso ni Vulture sa bewang ko.
"Chill, Hunter. Mas mahahalata ka pag kanina ka pa tingin ng tingin dyan." mahinang bulong nito sa tenga ko.
Ang misyon namin kasi ay magpanggap na mag-asawang mayaman. Nakabihis kami ng todo ni Vulture. Ang kulot kong buhok ay nakabun na ngayon. Kailangan malaman namin kung sino ang ilan sa mga tao na parte ng auction na 'to. Maari din kasi na nandoon sila sa ibang mga auctions pa. At least malolocate din namin at maililigtas ang ibang biktima sa ganito.
Ngumiti naman ako dito. Yumakap naman ako. "Sorry, babe." pasimple din akong tumingin at napansin ko na nasa ibang pwesto na ang mga kasama ko. Abala na sila sa kani-kanilang misyon. Sa pagkakataon na 'to, wala na kasi kaming suot na earrings na gamit namin sa communications namin. Para din kasi di kami mahack ulit.
"Good evening ladies and gentlemen!" sabi ng isang lalaki at isang spotlight ang tumutok sa stage. Isang nakaformal na suot at nakamask na lalaki ang nasa stage. "Tonight, we have new sets of toys for you to enjoy!" masayang sabi pa nito. Nagpalakpakan naman ang lahat.
Toys? Laruan lang ang tingin niyo sa kanila? Tangina. Mga tao yan. May mga buhay na maayos pa sana kung di niyo sinira.
Nanggigil na ako sa loob ko. Hinawakan ni Vulture ang balikat ko. "Calm down. You can do whatever you want with them after this." sabi nito. Pinakalma ko naman ang sarili ko.
"Now, my guests. We will present to you, our first candidate..." sabi nito at isa-isa ng nilabas ang mga iaauction. Gulat man ako ay di ko pinahalata. Positive. Sila yung ibang babae na nasa vid. Nagdaan pa ang mga ilang victims. Iba-ibang mga babae na iba-iba din ang mga lahi.
"And we are now down to a few candidates." sabi ng host. "Let her in." sabi nito at isang mataas na lalaki na may hatak na isang babae. Di kami pwedeng magkamali. Base sa itsura nito, isang Pinay ito. Isa sa mga nawawala kailan lang. "Let's start with a hundred thousand." simula ng host. Nagsimula na ag pagbid. Tinaas ko ang stick na hawak ko.
"Half a million." sabi ko agad. Nagtinginan sila sa akin. Ngunit may isang babae ang nagtaas ng stic na hawak nito.
"Six hundred thousand." sabi nito. Tumingin naman ako dito.
"Six hundred and fifty thousand."
"Seven hundred."
"Eight hundred thousand."
"Nine hundred."
"One million dollars." sabi ko. Tinignan kong maigi ang kalaban ko sa bid. Binaba nito ang stick.
"Going once... going twice..." sabi ng host. Tahimik naman ang lahat. "Sold! Congratulations!" masayang sabi nito. Nagpalakpakan naman ang lahat. Bumulong naman si Vulture sa akin.
"Nice. I didn't know that you are good at bidding."
Nilapit ko naman ang bibig ko sa tenga nito at bumulong. "Well I am a doctor. And we somehow bid to save our patient's life. And we definately want to win and don't lose." bulong ko at ngumiti dito. Ngumisi naman ito sa akin at tinaas ang kopita nito.
"Cheers. Congrats on that." sabi nito. Nagcheers naman kami.
"Now let's proceed with the next plan." sabi ko at inabangan na ang susunod na bidding.
==================
Unedited.
-M
BINABASA MO ANG
Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)
AksiProfessionals in the morning. Party goers at night. Private secret agents in the dark.