PART FOUR.
MATAPOS ang pictorial namin na nakakapagod ay inabutan kaming pareho ni Shara ng sobre.
"Sulat po, Ate Lina?" tanong ko. Natawa naman ito.
"Hindi ha. Bayad niyo yan." sabi nito sa amin. Binuksan ko ang sobra at nanlaki ang mga mata ko.
"Ang laki naman po nito!"
"Naku ano ka ba maliit pa nga yan." sabi nito at kinumpas pa ang kamay. "Pag nasa mga out of town na tayo, mas malaki yan."
"Mag-oout of town po tayo?" di makapaniwalang sabi ni Shara. Tumango naman si Lina.
"Oo naman. Kaya magpaalam na kayo sa mga magulang niyo ha?" sabi pa nito sa amin bago umalis.
NAGHIHINTAY naman kami ni Ate M sa labas ng kubo. Susunduin daw kasi nila kami. Nang dumating sila ay agad na sumakay kami. Isang van na ang gamit nila. Lihim na nagsulyapan kami ni Ate M.
"Ohh mga ine. Mahaba ang biyahe natin. Kaya uminom muna kayo ng mainit na tsaa at kumain na muna." sabi nito. Inabutan kami ni Kuya Gener ng nakacup na tsaa at tinapay. Uminom naman kami ng tsaa kahit nag-aalangan ako. Nang matapos ay binigay namin dito ang baso.
"Thank you po, Kuya Gener." pasasalamat namin. Inaantay ko ang moment na ito. Kaya tama ako na ilang saglit lang ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Nakita ko naman si Ate M na nakatulog na. Kahit nanlalabo ang paningin ko, nakita ko ang malademonyong ngisi nila bago mandilim ng tuluyan ang pangin ko.
"SO, RIGHT NOW, nandito sila sa part na ito." explain ko kina Livea, Berry at Arjhane. Nandito na ang van namin sa isang sulok na tago. Isang mukhang hindi na tapos na building lang ang labas. Pero pag pumasok ka pala... may tagong daanan pala ito papunta sa tagong bar.
"Yan pala ang base nila." tumatangong sabi ni Berry. Nasa amin na ang blueprint halos ng building. Salamat sa mga hikaw na may camera na suot nila Shara at M kaya mas nakita namin ang daan at pasikot sikot nung sila ay buhat-buhat pa.
"Yes. As of now, ang mga tao nila ay mostly nasa loob." sabi ni Scan at tinuro ang isang parte. Nasa isang monitor din ito ngayon. Pinakita nito sa monitor ang blueprint mismo ng lugar. "First, uubusin niyo muna ang mga bantay sa labas. Para mas makakilos kayo." sabi pa nito. Tumango naman kami.
"Gaya ng plano, Hunter, Phoenix at Archer. Kayo ang papasok sa loob. Maiiwan dito si Panther. Siya ang magdidirect sa inyo sa lugar." dagdag pa nito. "Kumusta sina Viper at Sirens?" tanong nito. Tumingin kami sa isang monitor pa. Nakita namin na nakatagilid pa ang screen. "Mukhang tulog pa." sabi ko. Tumango si Scan. "Rescue niyo muna sina Sirens at Viper. Kailangan nila ng armas." sabi ni Scan. "Prepare yourselves."
Inayos na namin ang mga gamit. Sa tuwing nasa field kami, naka all black outfit kami. Courtesy pa din ni Boss Pusit. Nakakamangha nga masyado ang outfit namin.
All black kami. Mula long sleeve namin na turtle neck. Long sleeve na turtle neck man, bulletprrof at water resistant ito. May resistant din sa heat at cold ito. Same sa black leather pants namin. Cut repellant naman ito. Meaning di agad nabubutas or nahihiwa. At army boots. Pero magaan at komportable siya itakbo at lakad pa. Isa pa dun ay nakacover ang mga mukha namin. Mata lang namin ang kita.
Inayos na din namin ang suot namin na vest na naglalaman ng mga armas namin. Pati na rin mga straps sa mga pants namin. Kahit na nandito lang ako sa loob ng van, nakafull gear pa din ako.
Tumingin muna ako sa mga monitors ko na nakaview ang labas. Tumingin ako kay Scan at tumango.
"Ready, agents?"
"Yes, Boss Pusit." sabay-sabay naming sabi.
"Walang pusit! Boss lang."
"Okay." sabi namin tapos hinum ang kanta ng Spongebob Squarepants. Tapos sabay-sabay kaming umakto na nagsasaxophone. Irita na nagkamot ng buhok ito.
"Infiltration. Starts." sabi nito at mabilis na nagsilabasan na sina Berry, Livea at Ar. Tinuon ko na ang focus ko sa monitors ko. Hindi ako pwede magkamali. Lalo na at buhay ang nakataya dito.
MEDYO GROGGY pa din ang feeling ko pero pilit akong bumangon. Pagkabangon ko ay agad kong hinanap si Ate M. Nakita ko naman sa isang tabi ito kaya nilapitan ko agad at ginising. Pupungas-pungas na bumangon ito at humikab.
"Morning. Napasarap tulog ko." balewalang sabi nito at naghikab pa. Di makapaniwalang tinignan ko ito. Akala mo wala kami sa mission at nasa bahay lang kami.
"Ate M. Mukhang nasa base na nila tayo." imporma ko. Sumandal naman ito sa pader at nag-inat pa.
"Tingin ko nga din." sabi lang nito. Inayos ko naman ang black pearl na hikaw ko. Nandito kasi ang cam at sa kabila naman ang nagsisilbing earpiece namin.
"Panther." mahinang sabi ko.
"Sirens." sagot nito at nakahingang maluwag. "On the move na sila. Gaya ng usapan sa kubo, kailangan ipasok niyo ang usb na binigay ko sa inyo. Then ako ng bahala sa hacking system nila."
"Copy."
"Be careful. Ang camera niyo lang ang nakikita ko." sabi nito. Tumango naman ako.
"Yes, Panther." sabi ko at nagulat naman ako ng bumukas ang pinto. Napayakap ako kay Ate M.
"Aba aba! Gising na ang mga models ko." ngising manyakis ni Gener. "Ito mga damit. Isuot niyo yan. Tapos deretso na kayo sa pictorial." sabi nito at hinagis sa amin ang damit. Kung damit pa nga bang maituturing ang ubod ng revealing at sexy na mga damit. Tapos ay sinenyasan lang ang mga tauhan sa likod nito at lumabas na.
Napatingin naman ako kay Ate M. Balewalang nagpapalit sa harap ko.
"Hurry up, Olivia. Baka mahalata sila pag nagtagal tayo." sabi nito. Kahit naiilang ako ay tumango ako at nagpalit na din. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at hinatak na kami palabas ng kwarto.
ISANG SILID kami dinala ng mga lalaking armado. Padaskol kaming tinulak papasok at sinara na ang pinto. Sa silid, isang kamang malaki ang nandoon. Puti ang pintura sa pader. Mga pang lights at projector ang nasa gilid. May desktop computer din sa loob. Parang isang photoshoot na room talaga. Nakaupo sa kama si Gener at hawak sa isang kamay ang camera. Sa kabila naman ay isang baril. Malisyoso na inilibot ang tingin sa amin ni Shara.
"Perfect." puri nito. "Sabi na nga ba eh. Sa likod ng mga mahahabang damit niyo, makikinis na mga balat naman." malagkit na tingin na naman.
Lihim na pinaikot ko ang mga mata ko.
"Ihanda niyo na ang sarili niyo sa photoshoot na ito." sabi nito. "Lalo na sa ligayang gagawin ko sa inyo mamaya." dagdag pa nito.
Takot na takot ang mga itsura namin sa panlanbas. Pero napangiti ako sa loob ko.
Maghanda ka na din. Dahil sisiguraduhin ko na huling photoshoot mo na ito.
=============
Unedited.
-M
BINABASA MO ANG
Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)
AcciónProfessionals in the morning. Party goers at night. Private secret agents in the dark.