Chapter 1

26 3 0
                                    

"Kindly Introduce yourself to them Ms. Martinez"
utos ng prof kong apat ang mata.

"Hi guys. I'm Hazel Kim Martinez. 17 years old. I hope you'll be a good blockmates to me" maikling pagpapakilala ko.

"Okay. Maupo ka na sa tabi ni Mr. Zapanta and Ms. Dela Paz" sabay turo niya sa isang bakanteng upuan sa likod.

Naglakad ako papalapit sa upuang itinuro ni Ma'am. Hindi ko masyadong nagustuhan ang reaksyon ng mga block mates ko after sabihin ni Ma'am na makakatabi ko yung Ms. Dela Paz at Mr. Zapanta. Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin dahil may ibang natatawa, natatakot, nag-aalala, nakakunot ang mga noo, nakangisi, nakabusangot, nakataas ang kilay. Halo halo.

"Hi" bati ng isang babae na magiging katabi ko. Siguro siya si Ms. Dela Paz. Ngiti na lang ang aking iginanti sa kanya.

"Transferee ka?  So, saan ka galing school?" tanong ng babaing katabi ko

"Ms. Dela Paz, please shut up your mouth. Don't talk to Ms. Martinez. I'm not yet done with the discussion. Talk to her after the class" suway ni Ma'am sa kanya. Hindi ko pa nga kase nailalagay ang bag ko sa upuan dinadaldal na agad niya ako.

Nagpatuloy si Ma'am sa pagdidiscuss sa subject na Principles of Marketing. Business Management ang kinuha kong course syempre para ako na ang mamahala sa business namin.
Iginala ko ang mata ko sa loob ng klase. Hindi pa din ako tinatantanan ng mga mata nilang mapangkutya. Ano bang gusto nilang iparating? Ayaw ba nila sa akin? Pangit ba ko? Kapalit palit ba ako? Then why?!

Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pakikinig at pilit humahabol sa sinasabi ng prof namin sa unahan. Hindi naman ako kinulit pa ni Ms. Dela Paz. Buti naman. Pero ang hindi ko matiis ay ang tignan ang lalaking katabi ko sa kaliwa.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa prof naming busy sa kakadada sa unahan. Hindi ko maiwasang mapahanga sa halos perpektong hugis ng kanyang mukha. Halos perpekto ang pagkakalagay ng mga mata, ilong, at labi. Nakakadagdag sa pagkaperpekto niya ang malabot na buhok at ang malaki niyang Adams apple.

Ibinawi ko ang aking pagkakatitig sa kanya. Ngunit hindi ko maiwasang tumingin sa kanya ulit. Gusto kong hawakan ang mukha niya para malaman kung totoo nga ba talaga siya. May katabi ba talaga akong ganito kakisig at kagwapo?
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko noong tumingin siya sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nakita ko. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako sa katabi ko na si Ms. Dela Paz at alam kong nahalata niya ang pagkagulat ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin bago umiling.

 Nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin bago umiling

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib. Sobrang lakas ng pintig nito. Ramdam kong nakatitig pa din siya sa akin base sa nakikita ko sa gilid ng aking mata.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Para akong aapuyin ng lagnat. Hindi ako OA. Dahil ngayon ko lang naramdaman 'to. Nakakatakot ang kanyang mga mata. Halos itim na itim ang mga bilog nito. Kahit anong perpektong mukha ang nakita ko parang kabaliktaran lahat nun ang awra niya. Shit! Pinagpapawisan ako kahit malamig naman sa loob. Parang nahihilo ako. Hindi ko kinakaya.

"Ms. Martinez. Are you okay?" dinig kong bulong ni Ms. Dela Paz sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko kahit pa basang basa na ito sa pawis.

"I-Im o-okay" pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Halos paypayan niya na din ako.

"Don't worry malapit na matapos si Ma'am" sabi niya at saktong nagpaalam na si Ma'am. Agad akong tumakbo palabas patungong Cr. Hindi ko na nagawang tignan pa ulit ang lalaki. Baka himatayin na ako nun.

Huminga ako ng malalim at naghilamos ng mukha. Tumingin ako sa malaking salamin na halos hingal na hingal ako. Namumutla ako.
Nakikita ko pa din ang mga matang nakakatakot. Sumasakit ang ulo ko. Ipinilig ko ang aking ulo ngunit hindi ko na kinakaya. Ang sakit! Umiikot at nanlalabo na ang paningin ko.

Sinubukan kong humingi ng tulong. Naglakad ako palabas ng cr kahit pa hinang-hina na ako.

Walang tao.

"T-Tu....long." sambit ko nang makita ko ang katabi kong babae kanina sa room kahit pa malayo siya at malabong marinig niya ako.

Unti-unting nanlabo ang paningin ko.

"Hazel!" ang huling nadinig kong ingay bago naging dilim ang lahat sa akin.

The Inconvenient TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon