*Renzo's POV*
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puting kisame ang tumambad sa akin.
Tumingin ako sa buong paligid ng kwarto. Mukhang nasa clinic ata ako. Inalala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.
~~ Flashback ~~
"Ano bang pumasok sa utak mo at bakit mo nagawa ang bagay na iyon? Hindi mo ba alam na maaari kang mapahamak?"
Tahimik akong nakatitig sa isang bagay at hinahayaang pagalitan ng isang matandang katulad nito sa harap ko.
"Hindi ka ba man lamang magpapaliwanag?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Bahagya akong ngumisi sa kanya. "Para saan pa? Pagod ako. At isa pa, lahat naman ng gawin ko mali lahat sa paningin niyo!"
"Huwag mo akong sisigawang bata ka!" humawak pa siya sa dibdib niya dahil sa pagsigaw.
Umiling-iling ako habang pinagmamasdan siyang nahihirapang huminga.
Tch! Kaawa-awang matanda. Hindi na lang sana niya ako sinundan. Sana hindi siya nahihirapan ng ganyan.
"Naririnig kita. Wala ka na ngang magandang sinasabi sa akin pati ba naman diyan sa iyong iniisip wala pa din? Wala ka talagang galang! Malayong-malayo ka sa kapatid mo! Hindi ka dapat naandito! Bumalik ka na sa lugar natin!"
"Hinding-hindi ako babalik hanggat hindi ko siya nakukuha. Ikaw na lang ang bumalik kung nais mo."
"Maaari kang mapahamak dito kung hindi ka pa babalik. Kaya na ng iba 'to. Bumalik ka na."
"Madaming gustong kumuha sa kanya. At hindi ko hahayaang makuha nila siya! Madadala ko siya sa atin. At sa paraang 'yon baka ipagmalaki niyo din ako bilang haru niyo."
*Haru- Apo*
"Bumalik ka na." nagmamakaawa ang kanyang mata at ramdam ko ang sinseridad niya. Ngunit hindi ako babalik hanggat hindi siya nakukuha.
"Kapag nakuha ko na siya." Tumalikod ako sa kanya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Hindi ako maaaring bumalik basta na lang. Mawawalang halaga ang mga pinaghirapan ko kung ganoon na lamang.
Masyado ng madaming gustong kumuha sa kanya. Hindi ko sila papayagan.
Kung sino man ang mga nagtangkang saktan ako kanina huh! Humanda sila sa akin sa oras na malaman ko. Masyado nila akong minamaliit. Hindi nila nirerespeto ang kung anong meron ako. Lahat sila ang tingin sa akin parang isang bagay na dinadaan-daanan lang.
Hindi nila ako kaya.
Napahawak ako sa braso ko na may sugat. Natamaan ako sa pakikipaglaban ko. Mabuti na lang at naghihilom na ang mga sugat sa katawan ko.