*Kringgggggg* *Kringggggg*
Kinapa ko ang alarm clock na nasa side table ko upang ihagis dahil hindi pa ako handang gumising. Sa aking pagkakahagis ng alarm clock ay may mga yabag ng paa ang dali daling dumating sa aking kwarto.
"Princess? Princess? Ano pong nangyayari diyan?" sigaw ni Aling Wendy. Ang tagapag-alaga ko simula nang bata pa lang ako hanggang ngayon. Princess ang tawag niya sa akin kahit hindi ko naman pangalan iyon. Maya Maya lang ay narinig ko na ang boses ng driver ko.
"Maam? Ano pong nangyayari sa loob? May masama na ho bang nakapasok? Buksan niyo po itong pinto!"
Bwisit! Kaya ko nga inihagis yung maingay na bagay na yan para wala ng maingay tapos sila ngayon ang mag-iingay?
Wala pa din silang tigil sa pagkatok sa pinto. Nakakarindi!
"Maam dala ko na po ang susi bubuksan ko na po ang kwarto niyo" sabi ng isang kasambahay.
Bahala kayo kung bubuksan niyo basta ako matutulog pa.
"Jusko!" bulalas ni Aling Wendy pagkapasok. Narinig ko din ang ilang ingay ng kasambahay pati na din ang driver pero ako nanatiling nakahiga at nakapikit.
"Princess sinong gumawa nito sa kwarto mo?" lumapit sa akin si Aling Wendy at niyugyog ako. Bahagya akong nairita sa ginawa niya kaya mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay na nakakapit sa akin at dumiin ang pa lalo ang pagkakahawak ko sa kanya ngunit nanatili pa din akong nakapikit at nakahiga.
"P-prin....cess" nahihirapang sabi ni Aling Wendy. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking mga labi upang umukit ng isang ngiti.
"Prin...cess. B-bitawan mo ako" bigla akong napadilat ng magsalita siya at nakita kong putlang putla siya. Agad akong bumangon at binitawan ang pagkakahawak sa kanya. At nang mabitawan ko siya ay agad siyang napaupo sa sahig at kinukulang sa paghinga. Nakita ko ang pagbaon ng kuko ko sa kanyang kamay at pulang pula ito.
"Kumuha kayo ng tubig!" sigaw ko sa mga kasambahay na nasa loob ng aking kwarto. Muli kong tinignan si Aling Wendy na hirap na hirap sa paghinga at hindi makapaniwala sa nangyari.
Iginala ko ang aking buong paningin sa buong kwarto. Nakita ko ang isang durog na alarm clock na nagkalat sa sahig. At ang labis kong pinagtataka ay kung bakit nasira ang pader ng aking kwarto.
"Bakit may sira 'yan?" tanong ko kay Mang Carl na driver namin.
"Hindi ko po alam Maam. Pagkabukas na lang po namin ng kwarto niyo ay ito na ang bumungad sa amin. Wala naman pong ibang tao dito, kundi kayo lang po. Hindi naman po tayo mapapasukan ng magnanakaw dahil maghigpit ang security sa labas pa lang."
Dumating ang ilang kasambahay na may dalang tubig at ibinigay kay Aling Wendy.
"Ikaw ba ang may gawa niyan Princess?" tanong ni Aling Wendy pagkatapos uminom at mahimas masan.
"I don't know. Basta ang alam ko lang inihagis ko ang clock pero hindi ko naman akalain na masisira pati ang pader ng kwarto ko"
"Ipapaayos ko na lang yan. Duon ka muna matulog mamaya sa guest room" tumayo si Aling Wendy at naglakad.
"Aling Wendy, I'm sorry" yumuko akong humihingi ng sorry dahil nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Matanda na si Aling Wendy pero nakuha ko pa siyang saktan. Siguro ay dahil sa pagod ko kahapon pa kaya ko iyon nagawa.
"Ayos lang Princess. Matulog ka na lang ulit. Pero paalala lang tatlong oras na lang at kailangan mo ng pumasok sa school mo" sabi niya bago siya umalis sa kwarto. Nilinis naman kaagad ng ilang kasambahay ang nagkalat na bahagi ng orasan.