Sumunod sa akin sa labas si Lenie at sabay kaming pumasok sa susunod naming klase.
"Ba't ka nga ba nalate?"
"Tanong mo diyan sa pinsan mo. Lakas makabadtrip." Inis pa din ako sa ginawa ng lalaking 'yon.
Akala ko kung sinong matino aba pilyo pala!
"As if namang matatanong ko yun. Hindi naman kami close. Dali na ano ba kasing nangyari?"
"Ibinigay niya sa akin lahat ng notes niya tapos sabi niya ipa-photocopy ko daw. Ayun nga ang ginawa ko pero hindi ko naman akalaing matagal pala 'yon! Badtrip!" Ibinagsak ko ang gamit ko sa mesa ko at padabog na umupo nang makarating kami sa next room namin.
"Baka naman concern lang, malay mo naman hindi niya alam na matagal pala yun."
Sige. Depensahan mo pa'yang pinsan mo.
"Pinagtawanan nga ako kanina anong hindi alam? Sinadya niya yun."
Unti-unting nagsipasukan ang mga classmate namin at kasabay no'n si Renzo.
Tinitigan ko siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko pero hindi ko pa din inaalis ang titig ko sa kanya.
Napansin niya yun kaya tumingin siya sa akin ng may pagtatanong base sa itsura ng mukha niya.Tinaasan ko lang siya ng kilay pero ang sama din ng tingin niya sa akin.
Okay. Siya na nga 'tong may atraso sa akin siya pa ata tong galit.
"Can you please stop staring at me? Yung nangyari kanina, look it's not my fault."
"So? It's my fault ganon? Yun ba ibig mong sabihin? Ha?"
"Probably." sagot niya bago tumingin sa bintana at hindi na ako kinausap.
"Hayaan mo na." bulong sa akin ni Lenie.
Hinga Hazel hinga. Maganda ka. Oo maganda ka ngang tunay kaya hayaan mo na ang nilalang na nasa tabi mo. Hinga. Hinga. Alright. Good.
"Okay." sagot ko kay Lenie at binigyan siya ng malaking ngiti.
Pumasok na ang prof namin at tumingin sa amin. Inaabangan ko ang mata niya na papunta sa akin at nang makita niya ako ay bahagya siyang nagulat pero saglit lang iyon dahil ngumiti siya agad. Tumingin naman siya sa magkabilang gilid ko. Kila Lenie at Renzo. Tumingin ako kay Renzo na nasa bintana pa din ang tingin at si Lenie ay nakikipagtitigan sa prof naming nasa unahan na parang nag-uusap gamit ang mga mata.
"Tsk. Badtrip." mahinang sabi ni Renzo kaya napalingon ako sa kanya.
Nakahawak siya sa singsing niya at sumusulyap sulyap sa unahan. Naalala ko yung mga notes na binigay niya sa akin kaya kinuha ko lahat yun sa bag at ibinigay sa kanya.
"Salamat." nakangiting abot ko sa kanya pero hindi niya man lang ako tinignan habang inaabot niya ang binigay ko bago itinago sa bag.
"So, we have a new student here." nadako ang tingin ko sa unahan sa pagsasalita ni Sir. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Ngumiti din naman ako sa kanya.
"Can you please Introduce yourself to them miss???" nakangiti pa din niyang sabi kaya naman tumayo na ako.
"I already introduced myself to them Sir." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.