Chapter 2

27 3 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata. Puting kisame ang tumambad sa akin. Nasaan ako?

"Hazel? Hazel? Gising ka na ba?" Napatingin ako sa isang babaeng nasa tabi ng kama ko. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"My gosh! Buti naman at nagising ka na. Ano bang nangyari sa'yo? Kumain ka ba ng maayos bago pumasok? Sabi ng nurse hinimatay ka daw dahil sa pagod"

"Nasaan ako?" tanong ko

"Sa clinic. Sinugod kita dito dahil nakita kitang nahimatay sa loob ng Cr. Muntikan ka na ngang mabagok sa sahig buti na lang at nasalo kita"

Tumayo ako at hinanap ang sapatos ko para isuot. Kailangan ko ng pumasok sa klase ko. Ayaw kong sa unang araw ay mapagalitan ako. Hindi ako pwedeng magpabaya.

"Hindi ka na ba nahihilo? Papasok ka na agad?" tanong ni..... Sino ba ito? Siya ba yung....

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"Lenie. Lenie Dela Paz." nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya at mukha siyang anghel.

"Salamat Lenie. Salamat kanina"

"Naku wala yun! Ako kaya ang tagapagligtas mo!" may pahampas pa niyang sabi

"Huh?"

"I-I mean, T-tagapagligtas. Oo tama! Tagapagligtas.... Dahil simula ngayon kaibigan mo na ako. Ako na ang palaging makakasama mo. Mukha ka pa namang sakitin kaya kailangan mo ng isang tulad ko"

Hindi naman sa naghihinala ako pero parang kinakabahan siya sa sinasabi niya. Hindi kase siya makatingin sa akin ng diretso at parang may tinatanaw sa labas.

"Hindi ko naman kailangan ng tagapagligtas. Kaya ko ang sarili ko. But it was nice to meet you Lenie." sabi ko bago ko inihakbang ang aking mga paa palabas ng clinic.

"Kailangan mo ng tagapaligtas maniwala ka. Kailangan mo ako" narinig ko pang nagsalita si Lenie bago ako makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya. Bahala na. Dapat hindi ko na lang gawing big deal pa yun. Ang kailangan ko ay pumasok sa susunod kong klase. Yun ang kailangan ko.

Sa aking paglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Totoo ba yung nakita ko o guni guni ko lang yun? Para akong nasa panaginip sa mga oras na iyon. Pinilig ko ang aking ulo dahil nagsisimulang sumasakit na naman ito. Tinungo ko ang aking sunod na klase. May 15 minutes pa para ako'y marating doon.

Wala pang tao nang pumasok ako sa loob. Umupo ako sa dulo sa may tabi ng bintana. Naglagay ako ng earphone sa aking tainga at naghanap ng kanta sa cellphone. Muli akong tumingin sa labas at nakita ko ang lalaking katabi ko kanina sa isang subject na dahilan kung bakit ako nasa clinic kanina. May kausap siya at tila nagtatalo. Inaabangan kong gumalaw ang kausap niya para malaman kung sino ang babaeng kanyang kausap. Ilang minuto din akong nakatingin sa kanila.

May girlfriend na pala siya. Lahat talaga ng poging nakikilala ko lahat taken na. Pero mukang magiging single na siya dahil mukang may Lq sila ng girlfriend niya. Bahagya akong natawa sa iniisip ko. Parang ang bitch ko ata dun.

Tumingin siya sa akin kahit pa napakalayo ko sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin at tumitig sa whiteboard na may nakasulat na "Nalalapit" . Muling sumakit ang ulo ko. Kailangan ko na atang uminom ng gamot at magpahinga sa bahay.

"Nahihilo ka na naman ba?" tanong ni Lenie na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.

"Ayos lang ako"

"Hindi ka Ok. Ito o, gamot inumin mo" iniabot niya sa akin ang isang gamot. Kulay Violet ito at kumikinang.

"Anong klaseng gamot 'yan?" tanong ko sa kanya .

"Basta inumin mo na lang. Promise sa loob ng isang minuto magiging ok ka na" inilagay niya sa aking kamay ang sinasabi niyang gamot. Tinitigan ko ito at nakita ko ang aking repleksyon. Hindi na ako nagdalawang isip at ininom ang gamot na ibinigay niya.

Akala ko mawawala ang sakit ng ulo ko pero parang mas sumakit pa ata ito lalo. Napakapit ako sa damit niya at hindi ko maiwasang mapasigaw sa sobrang sakit. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Lenie sa aking likuran. Sinubukan ko siyang tignan at nakita kong nakangiti siya. Bakit? Kumislap ang kanyang mga mata at sa isang iglap ang kanyang brown na mata ay naging itim. Katulad ng sa lalaking nakatabi ko kanina.

Itinakip niya ang kanyang kamay sa aking mga mata. Maya Maya lang ay nawala ang sakit ng ulo ko. Parang naging normal ang lahat. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti pa din sa akin ngunit iba na ang kulay ng kanyang mga mata. Bumalik ito sa dati na parang walang nangyari.

Bumalik nga ba talaga sa dati o wala naman talagang nangyari?

Unti unting nagsipasukan ang lahat ng studyante sa loob ng room. Dumating na din si Sir at nagturo.

Nagmadali akong umuwi upang makapagpahinga. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na madaming dalang gamit.

"Mom, Dad? Where are you going?" tanong ko

"Out of town darling. In a business trip. Mawawala kami for about two weeks, maiintindihan mo din kami kapag nagsimula ka nang mangalaga ng negosyo natin" saad ni Mommy sabay halik sa akin.

"Take care of yourself baby" lumapit sa akin si Dad para bigyan ako ng halik. Nagmamadali silang umalis kaya naiwan na naman akong mag-isa sa malaking bahay na ito.




"Forever alone" bulong ko sa sarili ko bago umakyat sa kwarto.

Wala akong ganang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ano ba talagang nangyari? Ano ba talagang nangyari sa akin? Bakit ang weird nilang lahat? Magmula sa lalaking nakatabi ko, hanggang kay Lenie tapos ngayon sila Mommy at Daddy. Hindi man lang nila kinamusta ang first day ko sa new school ko. Importante talaga sa kanila ang trabaho kesa sa sarili nilang anak. Nakakapagod na mag-isip.






The Inconvenient TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon