Chapter 6

9 1 0
                                    

Nasa canteen kami ngayon at hinihintay kong bumalik si Lenie mula sa comfort room.

"P-Pwede ba akong makishare ng table? W-Wala na kasing upuan" pilit na ngiting sabi ng isang babaeng may malaking salamin.

"Yeah sure dalawa lang naman kami dito." balik kong ngiti sa kanya bago siya nahiyang umupo.

Inilapag niya ang kanyang dala-dalang mga libro sa mesa at pati na din ang kanyang bag. Tumingin siya sa akin bago ngumiti at dahan-dahang tumayo.

"M-Mag-oorder lang ako." paalam niya pero bago pa man siya umalis ay natulala siya. Nagtataka kong sinundan ang tingin niya sa likod ko at saka ko nakita si Lenie na bumalik na galing cr.

"What are you doing here?" maarteng tanong ni Lenie sa babae.

"I-I A-Ask... I----"

"Get out." mahinahon pero nasa tono ng pananalita ni Lenie ang awtoridad.

"I-I'm... Sorry----"

"Shut up and get out!" napatingin ang lahat ng nasa canteen sa biglaang sigaw ni Lenie. Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Wait. She asked me kung pwede siyang makishare ng table so I let her. Wag mo siyang paalisin." Pagpapaliwanag ko kay Lenie. Tumingin ako sa babae na hawak-hawak na ang kanyang libro at bag na handa ng umalis.

"Stay." sabi ko at muling tumingin kay Lenie. "Let her. Please?" matagal niya muna akong tinignan bago ibinaling ang tingin sa babae with a serious face.

"No. Get out!" Nagulat ako sa sinabi at inaasta niya.

What is her problem? Parang makikishare lang naman ng table bakit ayaw niyang payagan?

Dahan-dahang pumihit ang babae patalikod sa amin.

"No. You'll stay." sabi ko pero ang aking tingin ay kay Lenie.

"Get out." seryoso pa din siyang nakatingin sa babae at parang hindi man lang ako naririnig.

"A-Alis na lang ako."

"No/Yes!" sigaw naming pareho. Pasimple akong tumingin sa paligid at alam kong nasa amin ang atensyon ng lahat.

Humarap ako sa babae at ngumiti. Bakas kasi sa kanya ang pagkatakot at pagkabalisa. "Don't need to go. You'll stay. Dalawa lang naman kami dito masyadong konti para sa malaking table. Hindi ka naman siguro makakaabala sa amin hindi ba?"

"O-Oo...H-Hindi ako makakaabala."

"Good." ngumiti ako ulit sa kanya pero naramdaman kong kumilos si Lenie at pumunta sa kinatatayuan ng babae. Hinablot niya ang bag at ilang gamit nito bago itinapon sa sahig.

What is totally her problem?!

Lumapit ako sa kinatatayuan nilang dalawa at hinawakan sa balikat si Lenie para pigilan. Pero sa paghawak ko sa kanya ay inihagis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Don't stop me." galit ang kanyang mga mata at kita ko na seryoso siya sa sinabi niya.

"Lenie. What's your problem huh? That woman asked me to join in this table because there is no other available. I let her Lenie. I let her. Isn't that clear? Plus she already said that she won't disturb us. Ano bang hindi malinaw dun?"

"Ikaw ang hindi nalilinawan. Ayoko siya dito! I don't like her."

"But why?"

"Basta ayoko lang sa kanya. Dapat hindi ka nakikipag-usap o nakikipagtitigan man lang sa kanya."

The Inconvenient TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon