Chapter 4

23 1 0
                                    

Natapos ang isang subject pero wala si Renzo.

Saan naman kaya nagpunta yun?
Bakit hindi siya pumasok?
May sakit kaya siya?

"Hazel." lumingon ako kay Lenie na seryosong nakatingin sa akin.

"Hmm?"

"Gusto mo ba si Renzo?"

"What?"

"Bakit mo siya iniisip?"

"T-Teka, paano mo nalamang iniisip ko siya?"

"Kita ko sa mga mata mo eh." Ngumiti siya sa akin bago lumapit. "Nakikita mo ba yang mga babae na yan? Lahat yan may gusto kay Renzo. Unang kita pa lang nagkagusto na agad sila kay Renzo."

Tumingin ako sa buong paligid.

"Okay lang naman kung magkagusto ka kay Renzo, pero ingat lang."

"Ingat? Bakit? Dadaragin ba ako ng mga babaeng may gusto sa kanya?"

Dahan-dahan siyang umiling.

"Sabi mo, lahat ng babae may gusto sa kanya... So, pati ba ikaw?"

Agad siyang lumayo sa akin at tumawa.

"Kung hindi ko nga lang siya pinsan talagang magugustuhan ko siya eh! Hahahaha."

"Pinsan mo? Edi close kayo?" tanong ko sa kanya

"Hmmm hindi naman masyado. Kinakausap lang naman niya ako pa-minsan-minsan pero hindi madalas. Pero kung ikukumpara mo sa ibang babae, maswerte na ako dahil nakakausap ko siya."

Ahhhhhhhh!!! Okay.

"At maswerte ka din." gulat akong tumingin sa kanya. Anong sinasabi niya? "Dahil katabi mo siya."

"Bakit nung hindi pa ako lumilipat sa school na 'to bakit ayaw nilang tabihan yung Renzo na yun para makatabi nila yung crush nila diba?"

"Madami na ang gumawa niyan. Pero lahat sila hindi nagtagumpay. Lahat sumuko, lahat natakot. Ayaw ni Renzo na may ibang katabi. Unang araw pa lang na makatabi nila si Renzo umaayaw na sila. Tinatakot daw sila nito. Pero ikaw, bakit ayaw mo pang magpalipat ng ibang upuan?"

"Bakit ako lilipat? Diba sabi mo kanina binibili naman natin yung upuan natin? So, wala siyang karapatan na paalisin ako sa upuan ko gamit ang nakakatakot niyang awra."

Tumango-tango si Lenie na animo'y bumilib sa sinabi ko.

"Tara na sa second class." yaya ko kay Lenie.

Lahat ng subject classmate ko siya. Ganun din si Renzo at ilan kong mga classmate. Block section kumbaga.

Sa Hallway pa lang madami na ang humaharang sa aming dalawa. Mapa-babae o lalaki lahat sila lumalapit sa amin.

"Hi Miss. Ang ganda niyo namang dalawa. Pwede bang makipagkaibigan?" tanong ng isang lalaki habang may tatlo pa na nakapaligid sa kanya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Mayabang ang dating nito at hindi ko gusto ko ang mga tingin niya.

"Alam kong masyado akong gwapo pero hindi mo na kailangang i-head to foot ako." natatawang sabi niya at nagtawanan nadin ang mga kasama niya.

"Gwapo? Tch. Alam mo ba kung bakit ka na head to foot? Kasi nalilito siya kung alin ang mukha mo sa paa mo!" sigaw ni Lenie at hinila ako paalis sa mga lalaki.

"Grabe naman yung sinabi mo."

"Tama naman yung sinabi ko. Napakahambog ng lalaking 'yon!"

"Easy'han lang natin 'yan, wag masyadong high blood. Hahahahaha."

The Inconvenient TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon