Part 1: Mama naman eh!

40 6 5
                                    

"Bye Mei,Reah!"

Nag-paalam siya sa kanyang mga kaibigan saka pumasok siya sa kanyang tahanan.

"Ma andito na po ako."

"O, maaga ka atang nakauwi ngayon?" tanong ng kanyang ina na nasa kwarto.

"opo, maaga natapos yung lecture ni ma'am eh." Pumasok siya sa kwarto ng kanyang ina.

Maraming bagahe ng nakalabas at nakita niya ang kanyang ina na nag-iimpake.

"Ma? ... Ba't po kayo nag-iimpake?" tanong niya sa kanyang ina na may pag-aalala

"aalis na ako anak..." nagbuntong hininga pa ito bago sumagot.

Maluluha siya nang marinig niya yun. Saan pupunta ang kanyang ina? Ba't ito aalis? Akala ko ba...

Ang daming katanungan na pumapasok sa kanyang isipan, nang biglang...

"Syempre Joke lang! hahahahaha" tumawa ang kanyang ina ng malakas.

"MAMA NAMAN EH!!! HINDI NAKAKATAWA!" maluhaluha niyang sigaw.

"hahahaha!! Ikaw naman anak di mabiro." Bumalik ulit ito sa ginagawa niya "Iniimpake ko lang to kasi aalis ka na dito."

Huh?

..loading...

Ano raw???

Loading...

"HUUUHHHH??!!!" Sigaw niya

"Aray naman 'nak. Sakit sa tenga ah." Sabi ng kanyang ina na tila nagtakip pa ng kanyang tenga

Nakatulala lang siya. Sinong hindi matulala kung sarili mong ina ay pinapaalis ka na sa inyong tahanan.

Nanatili pa rin siyang nakatulala at tumingin na tilay naghihintay ng paliwanag mula sa kanyang ina.

"Oo...lilipat ka na. Doon ka na mag-aral sa probinsya."
Humarap ang kanyang ina sa kanya.

"Alam mo kasi anak, medyo busy na kami ng papa mo sa trabaho. Walang magbabantay sayo dito."

"eh,..andyan naman sina yaya Meng eh. At saka Ma, malaki na po ako"

Nag bago ang ekspresyon ng kanyang ina na parang na saktan sa kanyang sinabi..."tama ka...big girl na ang baby ko.huhuhuhu" Humawak ito sa kanyang dibdib at padramang umiiyak nitong sinabi.

"Ma naman eh!!"

Tumigil ang kanyang ina at ngumiti sa kanya.

"anak.. mas makakabuti kung sa probinsya ka nalang, kasama ng lola mo. At saka wala na si yaya Meng mo nag-resign na siya." Nag-impake ito ulit.

"eh ba't siya nag-resign?"

"pina-resign ko."

.......

.....

....

"HHUUUHHHH??!!!"

"aray naman!! Bingi masyado 'nak?" patuloy pa nitong nag-iimpake.

"Eh mama naman eh...." Pag mamaktol nito

"anak..." lumapit ang kanyang ina sa kanya at niyakap siya.

"akala ko ba gagraduate muna ako?" Sabi niya habang yakap yakap ng kangyang ina.

Humiwalay ang kanyang ina sa kanya at hinwakan siya sa kanyang balikat.

"Anak,... alam mo namang ginagawa namin ito ng papa mo para sa'yo diba?.. at isa pa, miss ka na ng lola mo doon sa Negros. Kelangan niya din ng may kasama doon."

Sandali siyang tumahimik at pinag-iisipang mabuti kung papayag ba siya o hindi.

Nag aalinlangan siya dahil ayaw niya na bumalik doon dahil sa...

Hindi makalimutang nangyari sa kanya sa lugar na 'yun. Pero sa tingin niya'y walang makakapag pigil Aa kanyang ina.

"sige na nga po."Napabuntong hininga na lang siya

"yeeheeyy!! I lab you so much anak!!" sabay yakap ng kanyang ina sa kanya.

"'Wag kang mag-aalala anak, alam kong aalagaan ka ng mabuti ng lola mo doon and I'm pretty sure you'll enjoy staying there."

Tumango nalang siya bilang pag sang-ayon.

Nagbuntong hininga na lamang siya...

Mag-eenjoy nga ba?

******************
Note:

So ayuuuun...

Nagawa ko din ang first chapter.

Yeeeehheeyyy!!!~~~

Sige magrereview muna ako para sa practicals namin... Wahahaha

And oh...idradrawing ko nalang so Lisa. Di ko ma describe ang features niya eh. Sige bye~~

La Ciudad Perdida | The Lost CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon