I look at the time it's already 11:56pm and I'm still awake.
maghahatinggabi na
Di pa kasi ako inaantok eh...
Kaya eto nag fb-fb nalang at nanunood ng mga videos sa YouTube. Buti nalang malakas ang WiFi dito.
Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dinalaw din ako ng antok. Tinabi ko na ang phone ko pero hawak hawak ko pa rin.
Nakatihaya pa rin ako pero hindi pa rin ako nakapikit. Maya-maya ay pumikit na ako...
"Nibalik na siya..."(*bumalik na siya) Pabulong na sinabi ng isa na tila masaya pa siya.
Ano yon?
"Paghilom ba. Ika-pila na na nimo gi ingon. Sigig usob-usob." (* tumahimik ka nga. Ilang beses mo na yan sinasabi. Paulit-ulit.) Inis namang sabi ng isa pa.
Maliliit na boses ulit...
"Shhh..ayaw mog saba basig mu-mata siya. Masakpan pa ta." (* shhh..wag kayong maingay Baja magising siya. Mahuli pa tayo.) Mahinahong saway ng isa pa.
Tatlo sila?
Patuloy pa rin akong nakapikit pero gising ang diwa ko.
Sigurado akong sila rin yung narinig ko kanina. Umaga na ba? Baka nagdala ng kalaro si Mila at pumasok sa kwarto ko.
Pero, iba kasi yung liit ng boses eh. Parang maliliit na tao ganun.
Naririnig ko pa rin silang nag-uusap.
Gusto kong imulat mata ko, pero na naig ang antok ko.
"Mata na. Buntag na" (*gising na. Umaga na.) rinig kong sabi ng isa.
Maliit din pero iba ang boses niya.
Sandali...
Apat sila? !
napabangon ako sa kama ng di oras at lumingon-lingon agad sa paligid.
Wala...
Walang tao sa kwarto kundi ako lang.
Hindi kaya panaginip lang yon? Tanong ko sa aking sarili.
Napatingin ako sa bintana at wala pang bakas ng liwanag mula roon. Kinuha ko ang phone at tiningnan kung anong oras na.
3:01am
Bigla akong kinabahan...
Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Para bang ang lamig lamig sa loob.
Tumayo ako at pinahinaan ang aircon. Pero parang may naririnig ako ng nagtatawanan. Napalingon ako ng mabilis, nang marealize ko na wala naman ibang tao sa kwarto kundi ako lang pinag kibit balikat ko na lamang. Iniisip ko na baka naantok lang ako at baka sa aircon lang 'yon.
Bumalik ulit ako sa kama at natulog na lang.
× × × × × × × × × × × × × × × × × × × × × ×
Hindi ako mapakali...
Parang may nakatingin sa akin...
Umaga na ba?Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at medyo nasisilaw ako sa liwanag ng araw. Nakaharap kasi ako sa bintana. Inangat ko ang aking kamay para di masilawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/101075814-288-k656380.jpg)
BINABASA MO ANG
La Ciudad Perdida | The Lost City
Aventura|A Adventure-Fantasy story| SYNOPSIS: Si Lisa, 15 taong gulang ay napilitang lumipat sa probinsya dahil sa hiling ng kanyang ina upang makasama ang kanyang Lola sa Negros. Normal naman ang mga ilang linggo ni Lisa sa probinsya. Nakatira siya sa kany...