Sa ilang oras na byahe ay nakarating din ako sa Burgos.
Nag eroplano na ako kaya mabilis ang byahe. Kagabi na ako umalis para umaga ang dating ko dito. Halos tatlo o apat na oras ang byahe ko.
Sumakay pa ako ng tricycle. Kahit papano marunong naman ako bumyahe mag-isa. Binigyan lang ako ni mama ng instruction kung paano pumunta sa Bahay ni Lola.
Huminto ang sinasakyan ko sa isang malaking Bahay na medyo may kalumaan din ang itsura.
may pagka-spanish design yung bahay ng lola ko.
Grabe ang tagal na nung last kong punta dito.
Bumaba na ako sa sasakyan at nagbayad.
"Bayad po Kuya." Inabot ko yung bayad ko na Isang daan.
"Gikan kag Manila?" (Galing kang Manila?) Tanong sa kin ni manong driver.
Tumango naman ako.
Hindi pa naman ako marunong magbisaya. Nakakaintindi ako pero wag mo lang ako pagsasalitain kasi Hindi ko alam.
"Aahhh... Neng, kaano-ano mo yung nakatira dyan?" Tanong ni manong habang kumukuha ng barya para panukli. Marunong pala mag-tagalog si manong.
"Lola ko po. Bakit po?" Tanong ko.
"Ahh,wala lang...Oh eto sukli mo. Mag-iingat ka lagi." Sabi niya saka siya umalis.
Pinagkibit balikat ko na lang.
Binuhat ko ang aking mga bagahe at lumapit doon sa gate.Pinindot ko yung doorbell.
Ding dong...
Walang sumasagot.
Ding dong...
Wala pa din.
May tao ba? Tanong ko sa isip ko.
"Tao po!!" Sigaw ko.
Wala pa din
Nagtao po ulit ako..
Shemay! Wala pa din.
Hala! Baka walang tao dito, baka umalis si Lola...ano bayan...ano oras pa yun darating?
Ilang beses ako nag "tao po" pero wala pa ring sumasagot. Ilang beses ko din pinindot ang doorbell pero wala talaga eh.
Hinintay ko na lang si lola, baka nga namalengke lang yun. Umupo ako sa harap ng gate.
"Haayy anong oras kaya siya darating?" Tanong ko sa aking sarili.
Maya-maya ay may dumaang aso at humarap ito sa akin.
Medyo natakot ako kasi yung itsura nung aso parang gusto akong atakihin.
Napatayo ako nang tumahol ang aso sa akin.
"Shooo!!" Saway ko. Kinuha ko bag ko para pambato sa aso kung sakaling atakihin ako.
Shingaling naman oh! Kamalasan nga naman.
Tumatahol pa din ang aso nang mapansin ko parang Hindi siya sa akin nakatingin.
Parang nakatingin siya sa likod ko.
Kaya nilingon ko naman at nagulat ako.
Isang batang Babae ang nakatayo sa loob ng gate,nakasuot ng puting damit at nakatingin lang sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/101075814-288-k656380.jpg)
BINABASA MO ANG
La Ciudad Perdida | The Lost City
Adventure|A Adventure-Fantasy story| SYNOPSIS: Si Lisa, 15 taong gulang ay napilitang lumipat sa probinsya dahil sa hiling ng kanyang ina upang makasama ang kanyang Lola sa Negros. Normal naman ang mga ilang linggo ni Lisa sa probinsya. Nakatira siya sa kany...