"Nibalik na siya!" (*bumalik na siya!)masayang sabi nito" pag-hilom uy. Saba kaayo ka." (* tumahimik ka nga. Ingay mo.) inis namang sagot ng isa.
"Kamong duha paghilom. Kamo lang baya ang saba" (* ayong dalawa ang tumahimik. Kayo lang kaya ang maingay. ) kalmadong sambit ng isa pa.
Ano yun?
May mga tao sa kwarto ko?
May naririnig akong nag-uusap.
Maliliit na boses.
Mga bata?
Parang nagtatalo sila kung sino raw ang maingay...
Gusto kong imulat mata ko pero naantok pa ako eh. Medyo umungol ako.
" shhhh..." Rinig kong saway ng isa.
Tumahimik naman ang mga kasamahan niya.
Unti-unti kong minumulat ang aking mga mata.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko wala naman akong nakitang tao.
Ano yun? Guni-guni lang ba yon?
Pagtingin ko sa bintana ay madilim na. Chineck ko phone ko 6:36pm na pala.
*tok tok tok*
Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Sabi ni Lola, kain na daw." Walang buhay na sinabi ni Mila.
"Sige,susunod ako." Sabi ko tapos umalis na siya.
Nag-ayos lang ako sandali, kakabangon ko lang eh.
Agad naman akong bumaba pagkatapos.
"O iha, kaon na." Sabi ni Lola.
Umupo ako, si Lola ang nasa gitna at kaharap ko naman si Mila. Nagdasal Muna kami bago kumain.
Habang kumakain, masaya kaming nag kukwentuhan ni Lola samantalang tahimik naman kumakain si Mila.
Natapos din kaming kumain at tumulong akong maglipit ng pinagkaininan namin at si Mila naman ay ang maghuhugas.
Umakyat na ako sa kwarto at sa di kadahilanan ay napalingon ako sa bintana.
Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Pakiramdam ko parang may nakatitig sa akin.
Agad-agad akong lumapit sa bintana at sinara yun. Ibinaba ko rin ang kurtina para di ko makita ang labas.
Naalala ko tuloy yung gabing yun...
Napailing na lang ako. Matagal Nang nangyari 'yun. Sabi ni mama nagka-nightmare lang daw ako, imagination ganun. Hindi raw totoo ang nakita ko noon.
And I believe na imagination ko lang talaga yun.
But still...
I'm still not comfortable here.
Paano kung totoo pala yun?
Shet Lisa! Ano ba tinatakot mo lang sarili mo eh.! Come on! Bulong ko sa isipan ko at sinasampalsampal ko pa pisngi ko.
Humiga ulit ako sa kama at kinuha ang phone. Di pa kasi ako nakakapag text Kay mama na nakarating na ako dito.
After kong itext si mama pinatay ko phone ko dahil ayaw ko munang magpaistorbo ...
what now?
Alangan namang matulog ako eh kakagising ko lang.
I'm sure wala namang WiFi dito.
OK bored na ako...
*tok tok tok*
"Pasok" sigaw ko habang nanatiling nakahiga sa kama.
Narinig kong bumukas ang pinto at nararamdaman kong palapit sa akin ang pumasok.
Hinihintay kong may magsasalita pero wala. Kaya napatingin ako kung sino at nakita ko si Mila na nakatayo sa dulo ng kama ko na poker face pa rin nakatitig sa akin.
"Bakit Mila?" Bumangon ako sa kama.
Hindi pa rin siya nagsasalita pero may inabot siya sa akin na maliit na pirasong papel.
Nabigla ako pero kinuha ko naman yun
Ano naman 'to? Tanong ko sa akin isipan
Tiningnan ko kung ano ang nakasulat:
L0s3ncantados
........
........
Huh??
Ano 'to?
Tiningnan ko si Mila na may pagtataka.
Mukha namang na-gets niya expression ko kaya...
"WiFi password yan." Tapos nagmamadaling lumabas na siya ng kwarto.
• • • • kru• •• • • • • •kru• • • • • •
• • • • • •• • kru• • • • • • • • • •
Natulala ako dun. Parang may dumaang ibon sa itaas ko.
Akala ko naman kung ano.
Napangiti na lang ako.
*********************
NOTE:
Maikli lang yung chapter kasi wala lang hhahahaha ... Shuri na.
Anyways I want to thank Kitty_Galore122 mwah! And I like your story btw.Nibalik na siya! = bumalik na siya!
pag-hilom uy. Saba kaayo ka = tumahimik ka nga. Ingay mo.
Kamong duha paghilom. Kamo lang baya ang saba = kayong dalawa ang tumahimik. Kayo lang kaya ang maingay.
Kaon = kain
BTW. I WANT TO SHARE THIS PICTURE :-) HAHAHAHAHA MADE MY DAY
(c) Momo Fernandez (Facebook)
BINABASA MO ANG
La Ciudad Perdida | The Lost City
Macera|A Adventure-Fantasy story| SYNOPSIS: Si Lisa, 15 taong gulang ay napilitang lumipat sa probinsya dahil sa hiling ng kanyang ina upang makasama ang kanyang Lola sa Negros. Normal naman ang mga ilang linggo ni Lisa sa probinsya. Nakatira siya sa kany...