Part 9: [3:01am]

13 1 0
                                    

Andito na ako sa kwarto ko, nakahiga at pinipilit intindihin kung ano ang nangyari sa aming dalawa ni Mila.

******
*flashback*

"Sakay na, ihahatid ko na kayo." Sabi ni manong driver. Pagkakaalala ko Berto ata pangalan niya.

Sumakay si Mila sa tricyle na walang imik, sumunod na lang ako. "aaiish, sabi ko sa'yo diba na mag-ingat." Sabi ni manong habang pinapaandar niya ang kanyang tricyle, hindi na ako sumagot hindi ko rin naman alam kung ako ba ang kinakausap niya.

Malayo ang naging byahe namin, kung iisipin ni wala pang isang minuto nung tumakbo kami kanina ni Mila mula sa bahay, kaya nakakapagtakang isipin na sobrang layo pala ang narating naming dalawa.

Tulad ng dati ay naabutan namin si Lola na naghihintay sa labas ng gate, galit at may halong pag-aalala ang itsura niya, syempre bago pa kami nakapasok sa bahay isang mahabang sermon muna mula kay Lola ang sumalubong sa amin.

Inimbitahan niya si Manong Berto na sa bahay na maghapunan bilang pasasalamat sa paghatid sa amin dalawa ni Mila.

Ang sabi ni Manong kay Lola ay nakita niya kaming naglalakad pauwi kaya hinatid niya na kami dahil mag-gagabi na at delikado kung maglalakad kaming dalawa; kahit hindi naman yun yung nangyari.

Naniwala naman si Lola sa sinabi ni manong Berto at pinagsabihan na rin kami na mag-iingat palagi, hindi na namin na kwento ni Mila ang totoong nangyari sa amin at mukhang wala ring balak sabihin ni Mila ang nangyari dahil tuloy-tuloy lang siya sa pagkain at parang walang pakealam, ako naman hindi ko alam kung pa'no sasabihin kay Lola sapagkat hindi ko rin naintindihan kung anong nangyayari sa mga oras na 'yon.

*end of flashback*

***

Kasulukuyang na sa kwarto ako ngayon, nakahiga sa kama. Bago umalis si Manong matapos maghapunan at makipag-usap kay Lola ay personal akong nagpasalamat sa kanya at tulad ng lagi niyang sagot sa akin 'mag-iingat ka palagi iha.'

Pinipilit kong intindihin kung ano ang nangyari sa aming dalawa ni Mila kanina, pero hindi, wala talaga akong naintindihan.

"Hindi 'yun ang bahay natin... Nararamdaman ko, hindi 'yun ang bahay natin." Naalala kong sabi ni Mila.

Isa pa 'to si Mila, minsan na weweirduhan ako sa batang yun.

Paano naman niya nasabi na hindi namin bahay yun? eh ganun na ganun ang istura ng bahay ni Lola, kahit siya nung una ay tuloy-tuloy rin siyang pumasok sa gate, kaya lang ba niya nasabi na hindi namin bahay yun dahil dumating kaming nakabukas na ang gate at pinto? Sa bagay, sa tuwing umuuwi kami laging sarado ang gate at pinto, pero hindi yun na sapat na dahilan.

Isa pa sa pinagtataka ko ay nung tumakbo kami ay wala pang isang minuto sobrang layo na ang narating namin at hindi pamilyar sa akin ang lugar, perooo...

"AAHHHH!!" sa sobrang inis ko ay binalibag ko ang aking unan sa nakasarang pinto papuntang balcony. Nafu-frustrate ako.

Pagtama ng unan sa pinto ay bumukas ito ng kaunti, lumapit ako at isinara ito, paalis na sana ako nang biglang ulit itong bumukas, na pahinto ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo habang tiningnan lang ang pintuan, isasara ko sana nang biglang humangin ng malakas dahilan ng pagbukas nito ng tuluyan.

Agad akong lumapit sa pinto at hinawakan ito para isara, ngunit bago ko pa man masara ito ay may napansin ako na may tao sa balkonahe.

Agad akong lumapit sa pinto at hinawakan ito para isara, ngunit bago ko pa man masara ito ay may napansin ako na may tao sa balkonahe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
La Ciudad Perdida | The Lost CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon