12.JDL(Jade)

2.7K 97 25
                                    


Jade's POV

Pagkatapos ng go ay nagkahiwahiwalay kami hindi ko alam kung bakit kami nagkahiwalay,Siguro nagsisimula ng gumana ang computer.

Naglalakad lakad ako dito sa may mga puno,yes puno kase sa forest ako napunta ehh.

May nakita akong mga bulto ng tao kaya nilapitan ko at laking gulat ko ng nakita ko sila Mommy at Daddy.

"Mommy,Daddy"sigaw ko kaya napansin nila ako,ngunit kataka takang wala akong makitang reaksyon nila sa halip ay sinugod nila ako.

"Mom,Dad bakit niyo ko sinusugod?"sabi ko habang iniiwasan ang mga suntok nila

Naiiyak na ako,sino ba namang hindi maiiyak ehh gusto kang saktan ng mga magulang mo.

Hindi ko nabantayan ang kaliwang paa ni Dad kaya natamaan ako sa panga ko kaya napaupo ako

Illusion lang lahat ng makakalaban niyo,pero pwede kayong mamatay

Naalala ko ang sinabi ni Arianna,kaya pala nila ako sinusugod kase sila ang kahinaan ko at illusion lang ito,kaya kailangan kong labanan ang kahinaan ko para hindi ako mamatay.

Sugod parin sila ng sugod at nung nakahanap ako ng tiyempo ay kaagad kong sinuntok ang puso ng illusion ni Daddy kaya napasuka siya ng dugo.

Napansin ko namang may paparating kaya sinalo ko ang kamay ng illusion ni Mommy at sinutok ko siya sa panga at binigyan ng flying kick,si Daddy(illusion) naman ay binigyan ko ng isang napakalakas na upper cut kaya ayun boom tulog.

Nung paharap na ako ay may sumalubong na isang suntok sa akin kaya napa atras ako.

"Pagbabayaran mo ang pagsuntok sa maganda kong mukha"sabi ko

Pinaulanan ko ng suntok si Mommy(illusion)kaagad naman niyang naiiwasan pero yung flying kick ko ay hindi niya naiwasan kaya ayun tulog nadin..

Pagkatapos ko silang mapatulog ay biglang may nag salita.

"You pass the stage 1"pagkatapos sabihin yun ng computer ay na iba nanaman ang lugar

Ang lugar na napuntahan ko ngayon ay puno ng ahas pero may tao sa gitna.

'Ano kayang gagawin ko dito?'

Think,think jade,think aja alam ko na,siguro kailangan kong iligtas ang babae sa may kulungan ng hindi napapansin ng mga ahas.

Kaya wala na akong sinayang na oras pa kaagad along nagtatalon ng tahimik para hindi mapansin ng mga ahas at nung marating ko ang kulungan ay may nakita akong dalawang babae, oo dalawang babae pero magkamukha sila.

Yung isa tulog,yung isa naman nakatingin sa akin pero wala ayang reaksyon.

"Kailangan mong malaman kung sino sa kanila ang totoo, pag nabigo kang hanapin ang totoo ay maari kang mamatay kaya pag isipan mong mabuti"sabi ng computer

"Tulong tulungan mo ako"pagmamaka awa nung walang emosyon na babae kaya napaisip ako na siya talaga ang tunay

"Sandali hintayin mo ako"sabi ko at nakita ko naman siyang palihim na ngumisi,akala niya siguro ay maloloko niya ako noh

Una palang kase ay napaisip na ako,may mga nakapalibot sa kanilang ahas pero wala syang emosyon,at nung nakita nya ako ay bigla syang nanghingi ng tulong.

Tumakbo na ako papunta sa kulungan ng mga babae at pagkabukas ko ay kaagad akong pumasok,akala nung walang emosyon ay sya ang ililigtas ko pero ginising ko yung natutulog at nung nagising sya ay kaagad ko syang hinila palabas ng kulungan

The Devilous Twin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon