Jade's POV
Kanya kanya na kaming lagay ng mga kinakailangan para makagawa ng poison. Paminsan minsan nagtatanong kami kay Alexandra na abala din o kaya kay Alexander na tinuturuan din yung iba.
Malapit na ang War, sana pagkatapos nito ay magiging tahimik na ang buhay namin. Nakakasawa 'din ang kaguluhan. Hindi mo man mamamalayan mamaya mga bomba na ang tinatakbuhan mo. Gusto ko kapag nagkapamilya ako o maging sino man sa amin ay payapa na ang buhay namin. Alam kong impossible kaya kung hindi man payapa sana ay hindi katulad ng buhay namin ngayon.
"Ang lalim yata ng iniisip mo at hindi mo na namalayan ang ginagawa mo." Puna ni Sophia, siya kasi ang katabi ko ngayon.
"Huh? Pasensya na. May iniisip lang."
"Halata nga." Maikling tugon nito atsaka pinagpatuloy ang ginagawa.
Kumukulo na ang pinapakulo ko ng mapansing sa akin lahat nakatingin.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila ngunit ngumiti lamang sila at umiling.
"Jade, alam kong magulo pa ngayon..." Biglang sabi ni Alexander, "pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Please allow me to court you." Magsasalita sana ako ngunit pinutol na niya ang sasabihin ko. "I know hindi ako sweet na tao, katulad na lamang ng ipinapakita ko sa'yo ngayon. Pero, kayang kaya kong magpakasweet para sa'yo... And whether you like it or you like it, liligawan kita." Sabi nito at mabilis akong hinalikan.
"Manliligaw ka pa lang bakit nanghahalik ka na?" Puna ko dito.
"Bakit? May rule na ba na bawal halikan ang nililigawan? Alam kong gusto mo din yung kaya wag kang mag- alala." He said and winks.
**********
Medyo madami na din kaming nagawang mga poison kaya nagpapahinga na kami ng ilang minuto.
"Magbihis kayo, magt- training tayo." Biglang sabi ni Arianna kaya dali dali kaming lumabas ng Laboratory at pumunta sa bahay.
"Sa'n kami magt- training?"
"Sa kabundukan. Magh- hiking kayo."
"Tangina?" Dinig naming sabi ni Tristan. Ayaw na ayaw kasi nito ang umaakyat sa bundok, pero mukhang wala siyang magagawa. Sa susunod na buwan na Deathly War kaya kailangan na naming maghanda. Kung hindi man kami makakaligtas, sana maging payapa ang buhay ng mga tauhan naming makakaligtas. Ngayon pa lang naawa na ako sa mga pamilyang maiiwan.
"Jade, ikaw na lang 'yung hinihintay." Dinig kong sabi ni Alexandra, kaya nagmadali na akong magbihis. Kung ano ano pa kasing iniisip ko. Kainis!
Pagkalabas ko ay kaagad din kaming sumakay sa iisang van. Sabi ni Arianna, para daw mapadali at hindi na magkandaligaw ligaw.
Sa'n kaya kami papunta? Dumaan na kami sa border ng Sin City, ibig sabihin nakalabas na kamo ng Sin City.
Asul na tubig, puting buhangin, mga nagtataasang coconut tree, mga maliliit ng bahay, pero ang ipinagtataka ko, napakaganda ng lugar pero bakit walang masyadong tao?
"Iyang lugar na 'yan, huwag kayong magtatangkang mag swimming d'yan, dahil may mga tauhan ang isa sa mga namumuno sa Sin City. Ang bawat taong tutungtong d'yan ng walang pahintulot at papatayin." Pagpapaliwanag ni Arianna. Ahuh? That's why.
"Saan ba talaga ang destination na'tin?"
"Hindi ko alam yung eksaktong pangalan ng lugar pero maganda ang view pag dating sa taas at malamig ang simoy ng hangin kaya maganda kung iyon na lang ang aakayatin niyo."
Sa paglipas ng oras, tanging pagtanaw lang sa mga nag- gagandahang tanawin ang ginawa ko. Hindi naman kami makapag- patugtog dahil hindi namin dala 'yung mga cellphones namin.
Ang ibang mga kasama ko ay nagku- kwentuhan habang ako dito katabi si Alexander, nakahiga ako sa may dibdib niya. Habang siya, sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. Inaantok na ako dahil sa ginagawa niya pero mas gusto kong tignan ang mga tanawin. Baka kasi mamayang pag uwi namin ang madilim na.
*********
Naimulat ko ang mga mata ko ng naramdaman kong may tumatapik sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Nandito na ta'yo?" Tanong ko kaya tumango si Alexander. Lumabas na ako para makapagstretch na at indi sumakit ang katawan ko mamaya.
Pagkalabas ko ay natanaw ko ang isang malaking bundok. Holy shit! Tangina? Ang taas. Mapapalaban talaga kami nito.
Kaagad akong nagstretching dahil alam kong mamaya kung hindi ako mags- stretch ay sasakit ng todo ang katawan ko.
"Bilisan niyo para makapagsimula na tayo." Sabi ni Arianna kaya binilisan na namin ang pags- stretch. Nag matapos ay pumunta na kami sa isang part ng bundok kung saan kami magsisimula.
Dahan dahan at maingat kong inakyat ang bundok. Bukod kasi sa wala iyong daan ay mabato pa, kaya pag nahulog ka, balik ka sa simula. Tangina diba? Ang hirap.
BINABASA MO ANG
The Devilous Twin
AksiyonHighest Rank Achieved:#105 in ACTION She's cold Her twin is childish She's pretty Her twin is handsome She had a dark past Her twin had a dark past too. She is Arianna Ariella Smith Park He is Alexander John Smith Park They are the Mafia Prince and...
