Pag-Ibig at Dalamhati

68 4 0
                                    

Sa isang daan, kung saan nakatayo,
Lalaking gwapo ay nakilala ko.
Puso ko'y kinuha, at ito'y inalagaan,
Pero bigla-bigla'y kanyang pinabayaan.

Buong gabi, ako'y nagmukmok.
Di alintana, kagat ng lamok.
Tinawag ni ina, ngunit di umimik,
Hinayaang lumalim, ang sa puso'y tinik.

Si ama'y umuwi, nang gabi ding iyon.
Hinanap ako, parito't paroon.
At sa pintuang kanyang giniba,
May tali sa leeg, ako'y nakita.

Nagmamadali, agad akong kinuha,
Tinanggal ang tali, tiningnan ang mukha.
Sa paghahanap ng rason kung bakit ito'y nagawa,
Sa aking damit, isang sulat ang nakita.

"Bumungkal ng aking libingan, at ito'y laliman;
Punuin mg matitigas na bato, mula ulo hanggang paanan.
At sa ibabaw, lagyan niyo ng kalapati;
Para malaman ng mundo, nang dahil sa pag-ibig, ako'y nagdalamhati."

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon