Liham Sa'yo

34 3 0
                                    

AN: Ito yung liham ng lalaki para sa bida ng tulang "Bakit Di Ka Kumapit"


Mahal, pasensya, kung naging duwag ako.
Di ko ipinaglaban ang kung anong meron tayo.
Hindi ko sinasadya ang mahulog sa kanya,
Wala ka kasi nung kailangan kita.

Di kita masisisi kung ika'y magalit,
Pero puso ko kasi'y di na mapipilit.
Alam kong ako ang may kasalanan,
Ako kasi ang sayo'y nang-iwan.

Sinubukan ko namang labanan ito,
Pero wala, talo talaga ako.
Minahal naman kita, yan ang yong pakatandaan.
Sadyang mahirap lang talagang ang tukso'y iwasan.

Kung maibabalik ko lang sana ang ating kahapon,
Hinding-hindi ako sa iba lilingon.
Pero wala na akong iba pang magagawa,
Kundi ang sa gilid, magmukmok at tumunganga.

Pinagsisisihan ang lahat ng maling desisyon.
Na nagdulot sa akin ng sobrang depresyon
Ako'y gising na sa katotohang ito,
Na wala na pala ang ikaw at ako.

Sa oras na ito, pagsisisi ang nadarama.
Nahing tanga ako, at ika'y naiwala.
Dumating sana ang araw na mapatawad mo ako,
Kasi sinubukan kong kumapit, pero ako'y nabigo 💔

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon